Arghhh!! Bakit hindi ako maka tulog?
Tinignan ko yung orasan na nasa side table
Alas 12 na ng gabi pero nakamulat pa rin yung mata ko
Bakit ba hindi ako maka tulog?
Siguro may nag-iisip sakin hihihi
Kulang lang siguro to sa gatas
Kahit hating gabi na ay lumabas pa din ako sa kwarto
Buti na lang sanay ako sa madilim. Tapos di din naman masyadong nakakatakot dahil may mga bantay naman na gising pa
Grabe talaga to si Niko! Parang takot manakawan eh
Pupunta na lang ako sa kusina para mag timpla ng gatas pero di pa ako tuluyang naka tapos ng hakbang sa hagdan ng may narinig akong nag-uusap
"Bakit kailangan pa nating pumalit dito eh mas maganda yung buhay natin sa kabilang mansion" sabi nong boses lalaki
Dahan dahan akong nag lakad para hanapin kung san iyon nag mula
Ayaw kong lumikha ng ingay kaya nag iingat talaga ako sa bawat hakbang ko
"Baliw ka ba? Utos ito ni Madam, tsaka masarap kaya ang luto ni Lady Eloise" sabi naman ng isa
Siguro dalawa lang sila at halatang nag tatago dahil dito talaga sa sulok ng mansion nag-uusap
"Natikman mo lang yung luto ng babaeng yun parang ayaw mo ng bumalik sa pinanggalingan natin"
Traitor!!
Kahit kailan at saan talaga may mga traydor!
Hindi na ako magugulat, dahil sa mga ganitong trabaho, may traydor talaga
"Hindi naman sa ganun Pare! Kaya ko gusto manatili dito dahil nakikita ko ang ganda ni Lady Eloise, natikaman ko pa ang masarap na luto niya. Siguro sa susunod siya na ang titikman ko"
Ang ayaw ko sa lahat ay yung pinag-uusapan ako lalo na kung bastos ang mga pinag sasabi
Umalis agad ako sa pinag tataguan ko at bumalik sa kwarto para may kunin
Kaya siguro hindi ako maka tulog kask pinag-uusapan ako ng patalikod
Hayup na yun!!
Nang makuha ko ang pakay ko ay mabilis akong bumalik, buti na lang at hindi pa sila tapos sa pag-uusap
"Are you two done backstabbing me?" Tanong ko sabay sulpot sa pinag tataguan
Kahit tanging ang sinag lang ng buwan ang nag bibigay ilaw ay alam kung nagulat sila
"L-lady Eloise, kanina ka pa ba dyan?" Tanong ng lalaki
I guess he's the one who want me
Napa ngisi na lang ako
"What's your name?" Tanong ko at lumapit sa kanya ng dahan-dahan
Medyu napa atras naman siya
"Sev"
Oh? Sev! Magandang pangalan pero hindi bagay sa kanya
"Alam mo bang ayaw ko sa mga taong pinagsasamantalahan ako" bulong ko gamit ang malamig ma boses
Tila nanigas naman siya sa kinatatayuan niya kaya medyu lumayo ako ng konti tsaka ngumiti
"You don't need to be afraid Sev" saad ko
Pinanatili ko ang nakakatakot na tono sakin boses
"And also, I don't like traitor. Kung may traydor ay dapat mawala din agad" sabi ko sabay saksak sa noo niya yung hawak kung stick
YOU ARE READING
Reincarnated As Stupid Wife of a Mafia Boss
FantasyA 26 years old girl, Hope Caxton is a beautiful, cold, Smart and talented woman Her biggest secret is her job Everyone love her dahil sa kabaitan nito at ang alam lang ng iba ay isa itong CEO They don't know that she's a hired Killer She want to lea...