Napansin ko sa mukha ni Felix ang pag kagulat dahil sa binulong ko. Bakit kasi ganto yung nararamdaman ko? Baka naman dahil lang sa alak... Tama, dahil lang sa alak 'to.
"What? You're crazy." Gulat na sabi niya habang nakakunot ang noo.
"Hahaha! Joke lang! Ito naman apaka seryoso." Pag bibiro ko. Gusto ko na lang mag pakain sa lupa><
"Whatever." He said while rolling his eyes.
Napansin kong na pipikon na siya sakin kaya tumahimik nalang ako at sumunod sa kaniya para bumili ng alak.
Nakita kong cuervo ang binili niyang alak. Malakas siguro 'to uminom, masyado kasing malakas tama ng alak na 'yon.
"What are you looking at?" Sabi niya habang nakataas ang isang kilay.
Shit! Nahuli niya pala kong nakatingin. Bakit niya alam? Tinititigan niya rin ba ko? Crush siguro ko nito! Ikaw kuya ha...
"Feeler mo! Hindi naman ako sayo naka tingin. Baka ikaw ang nakatitig sakin!" Pag aakusa ko sa kaniya. Na back to you ka tuloy.
Nakita kong nag roll na naman siya ng mata. Inis much? Cute niya inisin ><
Maya maya lang ay may lumapit sa kaniyang lalaki. Kaibigan niya ata. Sikat siguro 'to o kaya naman ay malaki lang sadya yung circle niya.
Nag usap sila doon habang ako mukhang tanga na nag aantay sa kanila.
Naririnig kong nag tatawanan sila habang nakatingin sakin. Pinag uusapan ba nila ko?
"Bro! Nakauwi ka na pala?" Sabi ng isang lakaking dumating.
"Yeah, unexpected nga eh. Dito na nga pala ko mag aaral." Kwento ni Felix.
Teka, si Drake ba yun? Mag kakilala sila? Mag kaibigan sila? Putcha malas.
"Join us. Kakaunti lang kami roon." Pag aaya niya sa dalawa niyang kaibigan.
Nag simula na silang mag lakad paakyat kaya sumunod nalang ako. Mukha akong buntot nang buntot sa kanila. Nakakahiya ><
Binilisan kong umakyat at inunahan sila dahil inaalala ko si Xeiya. Andito si Drake!!
Nang makarating ako sa room ni Seina, mapansin nilang hingal na hingal ako.
"Xeiya, wag kang magugulat. Andito si Dr-"
Napatigil ako sa pag sasalita ng mag bukas ang pinto. Shit! Andito na sila.
Nag katitigan kami ni Seina ng makita namin silang pumasok.
Kitang kita sa mukha ni Xeiya na gulat na gulat siya at ganoon din si Drake.
Ewan ko sainyo!!
"Hi guys! Pasok haha." Awkward na sabi ni Seina sa kanila para putulin ang katahimikan.
Mag sisimula na ulit kaming uminom ng mapansin kong tahimik si Xeiya.
"Mag cu-cut lang kami ng lemon ni Xeiya." Sabi ko sabay hatak kay Xeiya para pumunta sa kitchen.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya.
"Of course!! Bakit naman hindi? Because of Drake? Tsk, I'm here para mag paka saya." Ganadong sabi niya.
Hindi ko mabasa kung ano iniisip niya kaya naman kumuha nalang kami ng lemon at nag hiwa.
Pag katapos naming mag hiwa ay bumalik kami agad para simulang uminom.
"Cheers!!!"
Nawala naman na yung awkwardness kahit papaano.
"I'll get my phone lang sa room ko." Paalam ni Xeiya.
After ilang shots, may kumatok sa pinto namin at agad namang binuksan ni Felix.
Pinapasok niya ito. Mukhang mga kaibigan niya.
"OMG!!! Faith!!!" Sigaw ni Seina.
Kaibigan nga nila. Dumami na yung tao dito sa room ni Seina.
"Hi Felix, andito ka pala." Malumanay na sabi noong Faith.
Nakakaasar!! Nag seselos ako huhu. Sana nakakausap ko rin si Felix ng ganoon. Bakit ko kasi sinabi yon sa kaniya?!
Uminom lang kami hanggang sa mapag desisyunan nilang mag laro ng truth or dare. I hate that game!!
"Game!!! Spin the bottle then kung kanino matapat siya yung tatanungin. And pag hindi nasagot or nagawa, shot!" Pag papaliwanag ni Seina.
At nag laro na nga kami kagaya ng napag kasunduan. Bumilog lang kami at sinimulan ng paikutin ang bote sa gitna.
Unang ikot ay tumapat ito kay Drake.
"Truth or Dare?" Naka ngising tanong ni Xeiya.
"Truth." Maikling sagot ni Drake.
Nakakaramdam akong tipsy na si Xeiya kaya malakas ang loob. Bruha talaga.
"Why you don't like me?" Tanong niya.
Agad naman kaming nag sigawan dahil sa tanong ni Xeiya. Jusko, eto na nga ba!!
Kinuha ni Drake ang isang boteng alak para inumin. Ayaw sagutin yung tanong.
Nang makailang ikot ay sakin tumapat ang bote. Shit, yataps nako.
"Truth or Dare?" Tanong ni Faith sakin.
Napansin kong nakatitig sakin si Felix kaya naman dapat maangas ako.
"Dare!!!" Confident na sagot ko. Matapang ako no!!
Nag sisigawan sila habang nakatitig sakin si Felix.
"Kiss Felix!! 10s walang malisya!!" Sigaw ni Seina.
Bwisit talaga si Seina!! Sana ganto nalang lagi yung dare!! Joke!!
Nag katitigan kami ni Felix nag papakiramdaman.
"Kung okay lang sa kaniya. Why not?" Sabi ko.
"Kiss!! Kiss! Kiss!!" Sigaw nila.
Tumayo si Felix mukhang ayaw atang gawin.
"Ayaw naman ata niya. Iino-" napatigil ako sa pag sasalita ng halikan ako ni Felix.
Lord!! Ano to? Gift mo ba sakin to? Wala ng bawian to!!
Nag sigawan sila habang nag hahalikan kami ni Felix.
After 10s ay bumalik na ulit siya sa kinauupuan niya.
Para kong kamatis na sasabog sa pula!! Kagulat siya!!
Pag gising ko ay napahawak agad ako sa ulo ko. Hangover!!!
Nakita ko yung dalawang bruha nakatulog sa sahig. At sa sofa naman si Felix. Wow ang gentleman Hahaha!
Pinilit ko ang sarili ko na pumunta sa kitchen para gumawa ng soup para sa hangover namin.
Narinig kong gising na sila kaya naman ay pinaghain ko na sila.
"Here, drink this soup para naman hindi lumalala yung hangover mo." Offer ko kay Felix.
Pag katapos noon ay nag si balik na kami sa sari-sariling room para mag ayos para umuwi.
Umuwi na kami sa Manila dahil ay marami pa kaming gagawin.
Hinatid ko sila Seina sa condo nila at umuwi na rin sa condo ko. Dumeretso agad ako sa kwarto ko at ibinagsak ang katawan sa kama para mag pahinga.
Habang nakahiga ay naiisip ko pa rin yung kiss namin ni Felix... Ano ba Yuna!! Ang harot ko!!
Naudlot lang yon ng tumunog ang phone ko.
Dali dali kong chineck ang phone ko.
Nanlaki mata ko ng makita ko at nag sisisigaw sa nakita ko.
Felix Joaquin Arquette added you.
_____________________________________________________________________________________________________
:)
YOU ARE READING
Hold Me Tight
Lãng mạnYuna's body feels weird whenever Felix is around. She can't explain why she felt like that and all she want is Felix.