Ang liham na ito ay kumpidensyal. Hindi ito maisa-sa-publiko hangga't sa ika-labing-apat ng Nobyembre sa taon ng dalawang libo at bente tres. Ang awtor ng liham ay walang-iba kundi si Christina Valdez, para kay Maximiliano Valencia. Ang liham na ito ay nakasulat ay wikang espanyol, at isinalin ni Vanessa Tan.
; Maaring hindi isa-publiko ng pamilya Valdez at ang mga inapo, ang pinal na desisyon ay nasa pamilya.
Pinirmahan ni:
Christina Valdez
i. tolerate it
Sa mundong umi-ikot at palaging nagbabago, ang mga mamamayan ng Las Islas Filipinas, ay tila ayaw magbago. Lalo na ang bayan Sta Rosario, kung saan ako nakatira. At ang masasabi ko sa iyo, my friend, ay huwag mo nalamang pasakitin ang iyong ulo at sumunod ka nalamang. Dahil mas matigas pa sa bato ang mga utak ng mg politiko at prayle sa bayan na ito. Puno ng pasakit, at hinagpis. Ngunit bilang mamamayan na walang kapangyarihan, ay wala nalamang kaming magagawa kundi ang manatili, ipikit nalamang ang mga mata, maging bingi at huwag nalamang umimik.
Ngunit kung isa kang napaka-inutil, at sakit sa ulo. Parang tila narinig ko ang usap-usapan sa tabi-tabi na the Katipunan is recruiting. Kung hindi mo alam, they are rebels. Tahan na, kaibigan ko, sila ay mamabait ngunit mapanghusga kung kaya't ako sa iyo, ay piliin mo ang tama. Kay pait nga naman ng buhay.
Tandang-tanda ko parin ang lahat, ang mga ginagawa natin noong tayo ay bata pa. Ngunit dahil wala ka na rito, ay sasabihan nalamang kita sa mga kaganapan sa Sta Rosario. Wala akong masasabi sa mga nangyayari sa Maynila, ngunit susubukan kong tangunin si ina at ama. Narinig mo ako, susubukan.
"Tin, saan mo tayo gustong pumunta? Sa pláza?" Agad akong napatingala kay Maximiliano, o Max. Ang aking kasintahan. Salamat sa kaibigan niya na si Philip, na siyang tumulak sa aming dalawa.
"Bakit hindi nalamang tayo kumain sa kainan ni Ilias? Hindi ba't masarap doon?"
"Kakapunta lang natin doon sa paglabas natin noong una--"
"Pero gusto ko doon, tara na. Sige na?" Binigyan ko ng halik sa pisnge ang aking kasintahan na agad namang pumula ang kaniyang pisnge na binigyan din ako ng iling. Na parang pinaparating na para akong bata, ngunit totoo naman. Matanda siya sa akin ng anim na taon, at bata ako sa kaniya ng anim na taon.
Mabuti nalang he can tolerate it.
ii. mirrorball
Sa pagpasok palang namin sa silid aklatan ay kita ko ang tingin na binibigay nila kay Max, sa aking kasintahan. Alam ko na hindi magagawa ni Max ang mangaliwa, dahil naging magkaibigan kami bago kami magkagusto sa isa't isa. Alam ko na gwapo si Max at kitang-kita na ito noon pa. Lalo na nung kabataan pa. Sino nga ba ang hindi magkaka-gusto sa isang Maximiliano Valencia? Mabait, gwapo at maginoo.
"Halika na, Tin." Binigay ni Max ang kaniyang braso na agad ko namang hinawakan, at pumasok na sa aklatan.
Nakita ko sa loob si Natalia Lim, ang babaeng may gusto kay Max at maganda ang katawan. Bigla-bigla ay nagka-malay ako sa aking katawan na naging dahilan sa paghawak ko kay Max ng mahigpit. "Ayos ka lang, sinta ko?"
BINABASA MO ANG
sandali
Krótkie Opowiadaniaang liham tin para kay max. This is my entry for Remembering November's Love contest.