Clarence’s POV
Ka-kaninong dugo to? Di kaya, sa magnanakaw to?!
“Marga! Marga!!” lumapit ako dun sa dugo. Medyo marami to. Nakakatakot.
Di pa dumarating si Marga. Tsk. Ako na lang maglilinis pero bago ako lumabas ng kwarto ni Mahal sinara ko muna yung bintana. Ng nasa tapat na ako ng kwarto ko bilang nagring yung phone ko.
“Hello?” sagot ko. bumaba na ako sa may likod ng bahay para kumuha ng basahan.
“Hello!?” pag-ulit ko. bakit baa yaw netong magsalita?!
Tinignan ko yung screen, di pa naman patay yung tawag ha?
“Hello? Sino ba to?” nakaakyat na ulit ako sa kwarto ni Mahal pero wala pa ding sumasagot.
“Kung hindi ka magsasalita ibababa ko na to” kainis, anong oras na ba at may lakas pang mantrip? Pinunasan ko yung dugo. Tsk tsk. Sino kaya yun? Bakit sa dinami dami pa ng kukunin niya eh yung regalo ko pa kay Mahal.
Pagkatapos kong magpunas humiga ako sa kama niya. Nakakamiss siya. Parang nandito na din siya sa amoy na naiwan sa kama.
Kelan ka ba uuwi? Andrei, sana lang gumising ka na.
Martin’s POV
“Oh! Saan ka galing? Gabing gabi na ha?” tanong sa akin ni Ma.
“Diyan lang. tulog na ako” malalagpasan ko na sana siya ng bigla niya akong hawakan sa braso. Aish.
“Ano yan ha? bakit may dugo ka?” sabay tingin sa paper bag ko “At ano ulit yan? Bakit may picture frame ka?!”-Mama.
“Aish, wag ka ng magtanong. Matutulog na ako”-ako.
“Hep! Hep! Hoy Martin hindi kita pinalaki na magnanakaw ha! nagkulang ba ako sayo? Kami ng Daddy mo? Sana humingi ka na lang sa amin ng pera pambili niyan. Wait!” biglang nanlaki yung mga mata niya saka nagpunta sa pintuan at sinara yun, pati yung mga bintana. What the hell?
“Ma!” nakakainis naman to.
“Nasundan ka ban g mga pulis? Waaaaaaah! Magtago ka anak! Dun ka sa kwarto namin ng Daddy mo!!”-Mama.
“Pwede ba umayos ka Ma! First, hindi ako nagnakaw okay kaya walang pulis or someone na pupunta dito para hulihin ako.” Mukha naman siyang nahimasmasan. Tsk tsk.
“Eh ano yan? Bakit may sugat ka? At yang frame saan galing?!”-Mama.
“Ka-kay Clarence.”
“Clarence? Galing ka sa kanila ng ganitong dis oras ng gabi? And bakit ka may sugat ha?”-Mama.
BINABASA MO ANG
Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]
Teen FictionI just changed the title to avoid confusion with other stories having the same title. This is "I LOVE YOU, KUYA?" Story of Clarence Valdez and Andrei Valdez Sabi nila, ang maINLOVE ang pinakamasarap na feeling sa mundo. Pero paano pag INLOVE ka nga...