TDOF

75 2 1
                                    

Habang nanginginig ang mga balikat ko dulot ng paghagulgol dahil naaalala ko na naman ang mga pangyayari noon na kahit ano pa ang ginawa kong paglimot sa kaniya, hindi ko pa rin magawa.
        
Paano ba naman madaling kalimutan ang relasiyon na limang taon kong iningatan at pinahalagahan?
        
Sino ba naman ang makakalimot sa taong nagpabago sa buhay kong puno ng pagkukulang?
        
Siya na naging dahilan kung bakit nabuo ako ulit at siya na bigla na lang pumasok sa buhay ko ngunit bigla ring naglaho.
        
Masakit. Sobrang sakit. Dahil ngayon wala man lang akong masasandalan sa mga oras na gusto ko ng karamay dahil lugmok na lugmok na ako.
        
At ang tangi ko na lang magagawa ay balikan ang mga alaala naming dalawa na sana...
        
Hindi ko na lang siya nakilala.
        
“Ayos ka lang ba?”
        
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Hindi alintana ang mga luhang patuloy pa rin sa pagbagsak. Napatingin ako sa nakalahad nitong kamay na mayroong puting panyo.
        
Hindi ko sinagot ang lalaking mapangahas na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. Kinuha ko na lang ang nakalahad na panyo nito.
        
Maaaring naramdaman nito kung gaano kamiserable ang hitsura ko ngayon.
        
“Magiging maayos din ang lahat. Magiging buo ka rin ulit. Dahil hindi Niya ipararanas ito sa ’yo kung hindi mo kaya.”
         
Pikit matang akong napatingala sa kalangitan.

Napabuntong-hininga ako at unti-unting minulat ang mga mata. Nais ko na sanang magpasalamat dito ngunit pagtingin ko sa kaniya nawala na ito.
        
Mapait akong natawa sa sarili.
        
“Lahat na lang madaling naglalaho. Lahat na lang biglang nawawala.”
        
Napapailing na lamang ako at napatayo. Dinadama ang hanging humahambalos sa aking katawan at napatingin sa mga nagkikislapang bituin.
         
Ayaw ko nang umiyak pero hindi ko mapigilan.
         
“Kung puwede lang magkunwaring hindi ako nasasaktan, matagal na kitang kinalimutan. Kaso kahit magkunwari ako, ganoon pa rin ang nararamdaman ko.”

The Discretion of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon