epilogue

27 0 0
                                    

3 years later...

Mag-isang nagpapahangin si Bryle sa veranda ng kanilang bahay. Habang hawak sa kaliwang kamay ang baso na may lamang wine.

Mahigit tatlong taon na rin nang mangyari ang lahat. Hindi siya makapaniwala na nakayanan niyang mabuhay sa kabila ng mga nangyaring nagpagimbal sa buhay niya noon.

Napatingala siya sa kalangitan at doon nakita niya ang dalawang bituin na mas lalong makinang kaysa sa lahat. Iniisip niyang mga mahal niya sa buhay ang dalawang iyon.

"Alam kong nasa mabuti na kayong kalagayan. Mahal na mahal ko kayo," nangilid ang luha sa kaniyang mga mata.

Napabuntong-hininga siya at napalingon sa kaniyang likuran nang marinig niya maliit na tinig ng isang bata. Mas lalong napangiti si Bryle nang mapansin na hindi lang ito nag-iisa.

"Hello, Daddy! Let's go na po kasi Lola and Lolo waiting for us," nilapitan niya ang kaniyang mag-ina.

Hinalikan niya ang kaniyang asawa at kinuha rito ang kanilang anak.

"My princess is beautiful today!" Binalingan niya ang asawa. "You're beautiful, too. Let's go?"

Tumango lamang ito at umalis na sila para pumunta sa sementeryo. Pagdating nila roon, inilapag nila ang kanilang mga dala. Pagkatapos umupo silang tatlo ng kaniyang asawa at anak sa inilatag nilang banig.

Nagsindi sila ng kandila at kina-usap ang puntod ng mga magulang ni Bryle na namatay sa paglubog ng barko habang papunta ito pabalik ng America.

"Bryle, tingnan mo si baby Jhanine. Nakatingala sa 'yo," saad ni Jhanna at tumawa dahil sa cute na cute nilang anak.

Natawa na rin si Bryle at kinandong ito. Humarap siya sa kaniyang asawa na tuwang-tuwa sa mga nakikita niya. Masaya siya dahil kahit hindi ito tunay na anak ni Bryle, tinuring niya pa rin itong parang tunay niyang anak.

"I love you," tiningnan niya si Bryle nang nagsalita ito.

"I love you more," lumapit siya rito.

Naghalikan silang dalawa ngunit natigilan agad nang marinig nilang nagsalita si baby Jhanine. Natawa sila pareho dahil nakatingin ito sa kanila.

"I love you, baby!" Sabay nilang saad sa kanilang nag-iisang anak.








Minsan may mga pagkakataong mali ang nagiging desisyon mo sa buhay. Hindi iyon maiiwasan lalo na at tao lamang tayo. Nagkakamali at magkakamali tayo. Hindi iyon natatapos, pero ang dapat mo lamang na gawin ay itama ito sa paraang alam mong magiging mabuti ang kinalabasan nito. Minsan, nakakabulag din ang magmahal kaya huwag mong hayaan ang sariling pumikit nang pumikit para makita mo na mali pala ang daang tinatahak mo. At ang mahalaga sa lahat kapag nagkamali ka dapat may natututuhan ka sa bawat pagkakamali mo para sa darating na pagkakamali mo, alam mo na kung paano itatama ito.





🖤 WAKAS🖤


The Discretion of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon