three

17 0 0
                                    

“Salamat talaga Bryle, a?” pagpapasalamat ko sa kaniya nang palabas na kami ng coffee shop. Tapos na ang shift namin.
         
Na-late nga kasi ako kanina at hindi siya umalis sa trabaho hangga't hindi pa ako dumadating kahit hindi na niya shift. Mabait talaga si Bryle iyon ang nagustuhan ko sa ugali niya. That’s why we’re still friends until now.
         
“Ayos lang ’yon, Jhanna. Don’t mention it. Sino pa ba ang magtutulungan kung ’di tayo tayo lang hindi ba?”natatawa pa niyang sabi pero lagi niya rin sinasabi na desisyon niya iyon.
         
Dahil gusto ko talagang ipaabot ang pasasalamat ko kay Bryle. Bigla ko siyang niyakap. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko.
         
“Ano ba’ng maibibigay ko para masuklian ang kabutihan mo sa akin? Humiling ka nang kahit ano, ibibigay ko sa abot ng aking makakaya.” Nakayakap pa rin ako sa kaniya habang binibigkas ko ang mga salitang iyon. “Tell me, how will I repay your kindness?”
         
I just want to make him feel that I am grateful to have him as my friend. Kahit na mayroon kaming pinagdaanan noon na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito nakalilimutan.
         
Hindi lang kasi ito ang unang beses na ginawa niya ito. Siya ang sumasalba sa akin palagi. Kapag nadatnan ka kasi ng manager na wala ka sa oras ng iyong trabaho, may warning ka pa pero kapag umulit ka sa pangalawang pagkakataon, mawawalan ka na ng trabaho. That’s their rules and I have nothing to do about it.

Ito lang kaya ang trabaho na gusto ko. Minahal ko na ito. Itong trabahongi'to ang bumubuhay sa akin. Maliban sa fashion designer na gusto kong kunin, isa rin ito sa gusto ko. Hindi na nga ako humihingi sa magulang ko pangtustos sa araw-araw kong gastusin dahil gusto kong mabuhay sa sariling sikap.
         
Narinig kong tumikhim si Bryle bago nagsalita. Aalis na sana ako pero nakayakap na rin siya sa akin nang mahigpit. I don’t know but its weird that I feel safe with his arms. Its like I am longing for it for a very long time.
         
“Let’s have a dinner, then?”
         
Alam kong matagal niyang pinag-isipan iyon pero nahihiya lang siya. Natawa ako sa inaasta ng lalaking ito. Ayon lang naman pala, sabay lang kaming kakain, tapos.
         
Naudlot lang ang pag-uusap namin nang may magsalita sa likuran ko. Kaya bigla ko na lang naitulak si Bryle. I know it’s kind of rude. Nakita ko kung paano nag-iba ang emosyon niya. Kahit hindi niya sinasabi alam kong nasaktan ko siya. I know him very well. Matagal na kaming magkilala kaya alam ko kung ano ang totoo at kung ano ang hindi totoo sa kaniya.
         
I feel sorry for him. Pero wala akong magawa at wala rin naman kaming ginagawang masama pero ito ako at natahimik sa isang tabi, na parang mayroong ginawang hindi kaaya-aya. This is the second time na makita niya kaming magkasama ni Bryle. I just hope he won’t think something that is not right.

“Babe? Yayayain lang sana kitang mag-date pero mukhang may lakad kayo,” nararamdaman kong pilit ang pagngiti niya nang sabihin niya iyon. Kinabahan ako bigla. Parang alam ko na ang patutunguhan nito.
         
Narinig niya pala? Hindi ko man lang namalayan ang pagdating niya. Akala ko ba buong araw siyang wala?
         
Hinawakan ko ang kamay ni Liam. Pero marahas niyang hinawi iyon kaya nagulat ako.
         
“It’s okay, babe! You can have a dinner with him. Sa susunod na lang,” mariing sambit niya habang kay Bryle nakatingin. Mabilis siyang tumalikod at naglakad na palayo sa amin.
         
Hindi man lang niya hinintay kung ano ang desisyon ko. Napatingin ako kay Bryle. Nahihiya.

“Marami pa namang next time. Mas mahalaga ang araw na ito sa inyo. Happy monthsarry sa inyong dalawa,” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Bryle.

I almost forgot this special day of us. I am so stupid to forget our monthsary. Stupid, kasi mabuti pa ang ibang tao hindi nakalimot. Kaya kahit na gusto kong sumabay kay Bryle kumain, minabuti kong sundan si Liam. Mabilis akong tumakbo at hinabol siya. Isasara na sana niya ang pinto ng kotse mabuti at nakasigaw ako.
         
“Babe!?” nilingon naman niya agad ako, “Happy monthsary!” nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko iyon pero ngumiti siya. Kaya nabuhayan ako ng loob.

          “Akala ko nakalimutan mo na. You made me scared, babe. Happy monthsary rin,” tugon niya at hinalikan ako sa noo.

          Binuksan niya ang kotse at pinapasok niya ako sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi ko pa nakikita ang lugar na tinatahak namin ngayon ni Liam.
         
Lumipas ang kalahating oras bago namin narating ang lugar kung saan niya ako dinala. Malamig na hangin ang bumungad sa amin sa makulimlim na gabi. Agad akong lumabas nang makarating na kami at namangha sa magandang tanawin. Nasa bundok pala kami. Nakikita ko ngayon ang mga City lights na nagmumula sa bayan. Ibat ibang kulay ang mga ito. Kumikislap na parang mga bituin sa kalangitan.
          
Napalingon ako kay Liam nang tumabi siya sa akin at niyakap ako sa likuran.
          
“Nagustuhan mo ba?” tanong niya sa akin at tanging tango lang ang naisagot ko dahil namamangha pa rin ako.
         
Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Kasi buong buhay ko nasa bahay, paaralan at trabaho lang ako. Never kong na-experience gumala with someone else na ganito kalayo. I am beyond thankful to him for bringing me here. All the negative thoughts in my mind, burado na lahat ng iyon.
         
“Ang ganda hindi ba? Pero mas maganda ka pa rin, babe. Ikaw pa rin ang gusto kong makita araw-araw,” sabi niya at hinalikan ang kaliwang pisngi ko.
         
“Thank you for this day, babe. You complete my day. I love you!” Matapang kong saad.

I don’t received I love you, too, in return.
       
Bagkus, iba ang isinagot niya. Dapat na ba akong mabahala? Pero baka nakalimutan niya lang. Don’t overthink all the things about him. Hindi ko dapat pinapangunahan ang mga bagay bagay. This is our day so, lets just be happy even just for tonight.

Just for tonight.
         
“Salamat din, babe. Pero wait...” bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin.
      
Dumiretso siya sa likod ng kotse niya at may kinuha sa compartment. Bumalik siya na may dala-dalang isang pulang rosas at wine. Umupo siya sa damuhan at inutusan akong maupo rin.
          
    And without a word, without even saying that magic word, basta niya na lang ibinigay ang pulang rosas sa akin. The sweetness of yours that I am missing was already gone. Pero kinuha ko na lang ito at nagpasalamat. Boys are boys. Liam will always be Liam. Nagbuhos siya ng wine sa baso at ibinigay ang isa sa akin. Napatingin ako kay Liam pero siya nakayuko at nakatingin lang sa baso.
         
You have changed a lot. Hindi na ikaw iyong Liam na palaging may bagong mga biro. Kahit korni napapatawa mo ako roon. Iyong mga paghalik mo sa kamay ko palagi, kahit minsan hindi na nangyari. Pati pagsabi mo ng ‘I love you’, wala na rin. I badly miss him, the real one. My one and only, my babe.

Gusto kong isigaw iyon pero natatakakot ako. Ayaw kong buksan ang maaaring dahilan ng pagtatapos ng lahat. Magwawakas sa ugnayang mayroon kami ngayon. Hindi pa ako handa. Hindi ko pa kaya ang magiging resulta kapag sinubukan kong mag-usisa.
         
Mas lalong maraming nagbago simula noong gabing iyon. Napapansin ko na rin ang pagkatahimik niya kahit hindi naman siya ganiyan dati. Marami siyang kuwento pero mukhang sinasarili na niya.  Kaya napapatanong na lang ako.
          
Deserved ko ba ito? Mahal pa nga ba niya talaga ako? What if, noong bumalik siya may rason pero hindi dahil mahal niya ako? Kung hindi dahil naaawa lang siya sa akin sa pangungulit na balikan ako. Alam kong masamang mag-isp ng ganoon pero masisisi niyo ba ako? Paulit-ulit na niya akong sinaktan at niloko.
         
Bakit ba kapag nagmahal ka, sasaktan ka lang? At ang taong mahal mo pa ang mananakit sa iyo. Minsan, ang unfair lang ng buhay.
         
Malalim ang buntong-hiningang pinakawalan ko.
         

Napatingin ako sa nagkikislapang mga ilaw. Para silang mga bituin na kumikinang. Pero katulad nga ng bituin, maglalaho, magbabago, mawawala rin ang kinang kapag lumipas na ang panahon. Panahong maliwanag pa ang buhay mo pero sa pag-ikot ng mundo. Unti-unti kang kakainin ng dilim. Hanggang sa wala ka ng makitang pagkinang. Mapupunta ka sa kawalan na tanging karamay mo lang ay ang iyong sarili.

Hindi kami nagtagal sa lugar na iyon. Umalis kami agad nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
         
Kung minamalas ka nga naman. Paano kung iyon na pala ang huling beses na magkakasama kami? Paano kung huling gabi na iyon ng pagkikita namin? Lahat ng bagay ay hindi ko maiwasang mag-overthink lalo na kung tungkol sa kaniya.
          
Hinatid niya ako sa bahay. Aayain ko na sanang pumasok sa loob pero sabi niya may gagawin na naman daw siya bukas.  Same reasons like before. Pero ito pa rin ako, nagpapakatanga. Kahit nararamdaman nang may kulang. May nagbago at hindi na gaya nang dati. Kahit na alam kong may mali.
          
I will still accept him over and over again.

   I guess.



The Discretion of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon