Chap.2: UMAMIN NA

1.2K 42 11
                                    

Terrence POV

"At bigla namang darating si Madam Vice kasama ang kanyang mga alipores."

"Dahan dahan nyang tatanggalin ang kanyang sunglasses... Titingin sa camera... at ngingiti nang pagkaganda-ganda.."

Napangiti naman ako nang gawin naman ni Vice ang sinabi ni Billy. Kasalukuyan akong nasa sala ng condo ko at nanunuod ng Showtime. Kakatapos lang ng practice namin kaya heto ako't nagtatanghalian habang pinapanuod ang Juliet ng buhay ko.

"Ay ang ganda mo dyan girl!" singit naman ni Anne na ang tinutukoy ay ang anggulo ni Vice ngayon sa camera.

Nakatitig lang si Vice sa camera at nakangiti ng pagkalapad lapad. Lumalapad din tuloy yung ngiti ko. Pakiramdam ko kasi sakin lang sya nakatingin. Sht tol! pwedeng kiligin? :D

"Inlove na inlove yung ngiti ah." sabi naman ni Karylle.

Di naman pinansin ni Vice ang sinabi nila Karylle at patuloy lang sa pagtitig sa akin ay sa camera pala habang di parin inaalis yung mga ngiti nya.

Agad kong kinuha sa lapag ng coffee table yung phone ko. Piniktyuran ko yung TV screen kung saan nakaclose up parin ang maganda nyang mukha.

Nang makuha ko na ang first shot ay agad kong pinindot ang front camera.

Tumalikod ako sa TV at nagtake ng selfie na kasama sya sa screen.

"Wag kayong magulo. May nanunuod." pang-aasar naman ni Vhong. Si Vice naman ay natatawa lang pero hindi parin inaalis yung posisyon nya kanina pa. Di ba to nangangalay?! :D

"Oo nga. Nagpapacute eh. Mag-Hi ka naman." pangangantyaw ni Teddy sabay tapik sa balikat ni Vice.

"Uy guys wala ah..." pagbe-baby talk ni Vice. Hahaha shet lang gustong gusto kong nagbibaby talk sya eh, pero dapat sakin lang -_-

"Hindi eh. May nanunuod eh."

Pinagtutulungan nang asarin ng showtime hosts si Vice. Nagtatawanan naman ang madlang people.

"Wala nga guys..... may practice!"

Seven Reasons (A ViRence Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon