TilaLuha 1

6 0 0
                                    


CHAPTER 1

"And the Award for the Most Phenomenal Boyband of 2023 goes to... Sound Break!"

Hindi maipaliwanag ang gulat at pagkamangha na nararamdaman ng limang miyembro ng Sound Break nang marinig ang anunsyo ng host ng Music Awards night na dinaluhan nila.

Kahit na marami na ang nagsasabi na malamang na manalo sila mula pa nang manominate sila ay hindi sila nag expect na mananalo. Maraming magagaling na Ppop Group ang unti unting nagsisi usbong at alam nilang kahit pa sila binansagang Ppop Kings ay hindi garantiya na mananalo sila ng award.

"Sige na, umakyat na kayo sa stage," naluluha at nakangiting udyok sa kanila ng mga staff na kasama nila.

"Let's have a round of applause for our Most Phenomenal Boyband of 2023 – Sound Break!" muling anunsyo ng host habang umaakyat sila ng stage. Hindi magkamayaw ang palakpak ng mga kapwa artists, staff at audience na naroon.

Hindi pa rin sila makapaniwala at kapwa sila naluluha nang inabot sa kanila ang trophy. Ngunit malaki ang ngiti nilang tinanggap ito.

"May we have a few words, boys?" nakangiting inabot sa kanila ng host ang mikropono. Nagkatinginan muna sila limang bago nag senyasan sina Stell, Josh, Justin at Ken na itulak si Pablo na magsalita. Kahit na pasimple nyang inirapan ang mga kagrupo ay nakangiti pa rin niyang tinanggap ang mic at tumikhim para mawala ang tila pagbabara sa lalamunan niya bago magsalita.

"First of all, I would like to thank everyone who believed and helped us achieve this award. To our staff and assistants, thank you for always taking care of us... To our respective families, this award is to honor you..."

Hindi na napigil ni Pablo ang bahagyang pagpiyok at pangiliran ng luha habang nagsasalita.

"To my group – Stell, Josh, Justin and Ken, we made it guys!" nakangiting, nilingon niya ang apat na kanya kanyang thumbs up sa kanya. "And of course, the last but not the least... We are very grateful to our fans for bringing us here, for supporting us and believing in us. We will never reach our dreams without you. Maraming maraming salamat, A'tin. Hindi lang para sa amin kundi para sa ATIN ang karangalang ito."

Masigabong palakpakan ang naging sagot ng mga tao sa maikling speech ng Lider ng grupo na si Pablo. Lumapit siya sa mga kasamahan at hawak kamay silang sabay sabay na nag bow at kumaway sa mga tao bago bumaba ng stage.

HIndi na napigilan ng lima na mapaluha sa tuwa. Halos limang taon din nilang pinagpaguran ang lahat ng ito. At ngayon, unti unti nang nagbubunga ang lahat ng mga sakripisyo at paghihirap nila.

Nakikilala na ang grupo nila at heto nga nagka award pa sila kahit pa hindi nila inaasahan. Ngunit hindi pa ito ang katapusan kundi nagsisimula palang.

"Cheers!" malalim na ang gabi nang matapos ang Awards Night pero dumiretso muna silang lima sa condo ni Pablo para mag celebrate. May after party sana pero dahil alam nilang pagod na ang mga staff nila at gusto din nila ng private celebration ay nag schedule na lang sila ng celebration party kasama ng mga staff at personnel nila sa ibang araw.

"Wow grabe! Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang may ganito na tayong award. Sulit lahat ng pagod di ba?" Masayang sabi ni Stell habang tinititigan ang trophy.

"Oo nga, to think na muntik na tayong mag disband noon. Nakakatuwang isipin na na appreciate na ng iba ang music natin, right guys?" malaki din ang ngiti ni Josh.

"And we have to thank Pablo for that. Our beloved leader and composer!" natatawang sagot naman ni Justin na inirapan lang ni Pablo while trying to to hold back his smile.

Sound Break PlaylistWhere stories live. Discover now