Episode 14

28 5 2
                                    


-Nagising si Ely na nakikitang gising pa si Hero at nag iisa itong umiinom.-

-Kaya nilapitan nya ito.-

E: Ohh!! Bakit gising ka pa? Tapos nag iinom ka pa.

H: Ahh!! Wala tita,pampa antok lang.

E: may problema ba?

H: siguro,hindi na ko mahal ni George,tita.

E: bakit mo naman nasabi yan?

H: kase...nagpunta kami ni Minmin dun,kahit anong pagmamakaawa nung bata,hindi namin sya napilit na sumama pabalik dito.

E: mahal ka ni George,Hero.
Alam mo kase,hindi lang nya pa kayang tanggapin na nagkaanak ka Kay Jisoo.

H: ehh! Hindi ko naman anak yang batang yan.

E: ano? Ano bang sinasabi mo?

H: anak yan ni Jisoo sa lalakeng nakilala nya sa Canada.Iniwan sya.iniwan sila.

E: kung ganon,bakit mo tinanggap yung bata?

H: Naaawa kase ako sa bata,tita.

E: sa anong dahilan? Nasan na ba si Jisoo?

H: Iniwan sakin ang bata at humiling na alagaan ko,namin ni George ang bata.,kase kailangan nyang lumayo.

E: lumayo para?

H: May sakit kase si Jisoo,tita.At kailangan nyang magpa-opera.Sabi nya babalikan nya si Minmin,kapag nag success ang kanyang operasyon.Pero kapag hindi,ibibigay na nya sa amin ni George ang bata.

E: alam na ba ni George ito?

H: mukhang ayaw namang malaman pa ni George.

E: alam mo,naiintindihan kita,at Mahirap ang maipit ka sa ganyang sitwasyon.Pero isipin mo din muna ang asawa mo.Mas bigyan mo kase sya ng oras at panahon,hindi puro sa bata.

-At magising si minmin-

Mm: daddy...

-Dala ng kalasingan ni Hero ay nasabi nya ang buong katotohanan Kay Tita ely.-

Can't Stop Falling in Love with You-JiyoonstoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon