Chapter I

12 2 0
                                    

Ako si Christina A. Pascual, labing anim na gulang.

Isa akong manunulat sa isang kilalang website na kung tawagin ay Wattpad. Marami talaga ang naadik dito dahil sa rami ng magagandang kwentong pagpipilian, hindi lang yun, maaari mo rin maging kaibigan ang mga author nito at magkaroon ng maraming kakilala.

At isa ako sa mga patunay sa mga nahihilig dito. Bago matulog, pagkagising at kapag wala akong ginagawa, ito ang inaatupag ko.

Tulad ngayon.
Ini-on ko na ang cp ko at binuksan ang Wattpad app ko. Isang ngiti ang ginuhit ng labi ko ng makita ang dagdag na reads, votes at mga comment nilang nakakatuwa sa gawa ko. Nakakataba ng puso.

Habang nakangiti kong binabasa ang mga comment nila ay malakas na pagkalampag naman ang ginawa ng kuya sa pinto ng kwarto ko.

Tsk. Hindi na naman maganda ang gising niya.

"Hoy Tin! Gumising kana diyan! Wala kana naman bang balak lumabas ng kwarto mo?! Hindi porket bakasyon ay magpapahinga ka! Tumulong ka dito!" litanya nang kuya kong mainitin ang ulo.

Hindi ko naman kinakalimutan ang responsibilidad ko sa bahay na to, tumutulong ako at gumagawa. Talagang hindi lang maganda ang timpla ng mood ni kuya, minu-minuto.

"Lalabas na po sir." pang-aasar ko pa dito at narinig ko naman ang isang kalabog sa labas at ang malutong na mura ni kuya.

Dali-dali kong inayos ang higaan ko pati na rin ang sarili ko at agad na lumabas ng kwarto. Nadatnan ko ang kuya na nagbabalat ng bawang at sibuyas sa lamesa.

Tinungo ko muna ang lababo para maghilamos ng mukha.

"Anong ulam kuya?" tinanong ko ito habang tinutuyo ng bimpo ang mukha ko.

"Kanin." sagot naman niya kaya napatawa ako saglit.

Lutang na naman siya.

"Kanin? Nauulam na pala ang kanin ngayon kuya?" pabiro kong sabi sa kanya pero hindi niya na ako inimik.

Pumasok naman ang isa ko pang kuya. Tatlo kami at nag-iisa akong babae. Bunso rin. Si kuya Seph ang panganay at si kuya Ren ang pangalawa, -ang kakapasok lang.

Galing siya sa labas ng bahay, siya kasi ang naglilinis ng bakuran at nagdadamo pa nito. Uminom lang ito saglit at naghilamos rin. Pawisan na rin kasi siya.

"Magandang morning k'ya!" bati ko sa kanya kaya naman nginitian niya ako at ginulo ang buhok ko.

"Baliw." patawa pa nitong sabi at lumabas rin.

Bakit ba walang koneksyon ang sinasagot nila sa akin?

Hinayaan ko na lang ang hindi pagpansin ni kuya Seph at kinuha na ang walis tambo. Pupunta na sana ako ng sala ng magsalita bigla si kuya.

"Akin na yung cellphone mo." nagulat naman ako sa sinabi ni kuya kaya napakunot ang noo ko. "Naghahanap ng pwedeng mabiling cellphone yung barkada ko. Kailangan niya na daw agad kaya ibebenta ko na yan."

"Bakit naman kuya ? Ayaw ko nga!" napataas naman ang boses ko kaya napatigil din si kuya sa ginagawa niya. "Wala namang ganyanan kuya."

"Eh ano kung ayaw mo? Basta ibigay mo yan sa akin." matigas na sabi nito sa akin.

Nakakaasar na siya!

"Kuya naman. Wag naman yung cellphone ko ang pagkakitaan mo!" naiinis na sabi ko sa kanya at nagsisimula nang mangilid ang mga luha ko.

"Wala ka naman natutulong dito sa bahay! Yan lagi inaatupag mo at pinagkakagastusan. Wag mo akong galitan Christina, makakatikim ka sa akin!"

Writer's EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon