Sinigang.
Wah finally today is Saturday and naalala ko nga palang nangako ako kay tyjer na lulutuan ko sya ng sinigang para bayad sa paghatid at pag patulog sakin sa kanyang condo.
Pero naalala kong wala akong contact sakanya, ang tanga lia ba't di mo hiningi. Oh biscu knows him baka alam nya ang number nya. Tinawagan ko si biscu at sumagot naman ito kaagad.
"Hey girl, what do you need?"
"Alam mo ba number ni tyjer?" Tanong ko kaagad.
"Oh look who's interested now." Natatawa nyang saad sa phone.
"Oh shut up, just give me his number, i badly need it." I said at umirap kahit hindi naman nya nakikita.
"Okay i know that hindi mo naman sasabihin yung reason so yeah bibigay ko nalang."
Binigay nya naman to kaagad. Hinanda ko ang sarili kong kausapin sya.
Sinagot nya ito kaagad.
"Uhm hi?" Nag simula naman syang magsalita kaagad.
"Is that you zor-i mean lia?" Tanong nya.
It's weird that nagkakamali sya sa pangalan ko.
"Yes it's me lia." I said hindi ko alam kung bakit ako nakangiti, parang tanga.
"Uhm is there something you need?" Tanong nya.
"Uhm diba pinangako ko sayong ngayon kita ipagluluto ng sinigang?" Tanong ko.
"Oh shookt oo nga pala but can you wait there in my house? Wala kasi ako ngayon sa bahay i will send the address nalang. Uhm may kailangan ka bang ipabiling ingredients?"
"Uh yeah i will send na lang din." Saad ko.
"Okay, uhm wait me there ah." Saad nya.
"Okay, bye na." Pinatay ko na ang tawag at naghanda na para umalis.
Umalis na ako ng bahay para mapaandar ang sasakyan ko since pwede ko namang gamitin ang car sa weekend.
Sinunod ko ang address na binigay nya sakin.
Nakarating naman ako ng maayos. Napansin kong nakasera nga ang bahay nya, hindi ito yung tinulugan ko, siguro hindi sya dun palagi nag sstay.
Nagulat ako ng may narinig akong andar ng sasakayan, mc laren wow, binuksan nya ang window. I saw a guy in there and hindi ako pwedeng magkamali. It's tyjer.
Pinarking nya muna ang sasakyan bago bumaba at dumiretso sakin bitbit ang mga pinamili.
Nang malapit na sya, nangamoy ang amoy palengke.
"Uhm what's that smell? Galing ka ba sa palengke?" Tanong ko. I'm not that maarte naman so it's okay.
"Oh sorry, galing kasi ako sa palengke dun na ako bumili, my mom told me na mas fresh daw ang mga kailangan sa sinigang pag sa palengke bumili." Mahaba nyang paliwanag atsaka inamoy ang sarili, bigla syang lumayo sakin.
"You don't need naman na pumunta sa palengke, kahit hindi fresh pwede namang lutuin." I said.
"Uhm tara na sa loob? Mag sshower muna ako habang nagluluto ka." Saad nya.
"Oh sure." Tumango tango ako.
Maglalakad na sana sya paalis pero bumalik sya. "And uhm pwedeng bang mag dinner ka rito? Para naman may kasabay ako kumain." Saad nya, i saw his eyes begging for it.
Ano pa bang magagawa ko.
"Sige." Saad ko. Pero bago sya umalis tinitigan nya muna ako and that melt me. Please stop tyjer i'm falling.
"Uhm luto na ko ha." Awkward akong umiwas ng tingin.
"Oh s-sorry." Binigyan nya ako ng space para dumaan dahil nga nakaharang sya.
Pumasok na ko at hinanda ang mga lulutuin. I start cooking and while cooking naramdaman kong nay tao sa likod ko kaya tumingin ako kaagad.
Habang pinapakulo ang sinigang humarap muna ako sakanya. "Wow di na amoy palengke, amoy baby." Ko. "Kidding." Saad ko at natawa. Natawa rin naman sya.
"By the way ang bango ng niluluto mo ah, nakakagutom." Saad nya at ngumiti.
"Yeah luto ko na to eh." Saad ko at kinindatan sya. Oh my ba't mo yun ginawa humarap ako kaagad sa niluluto ko para makaiwas.
"You look so cute." Saad nya alam kong nakangiti sya. "Alam mo, familliar yang amoy ng sinigang mo it's like it's someones recipe." Saad nya, humarap ako sakanya.
"You know that someone?" Tanong ko habang nakakunot ang noo, ginagate keep ko ang recipe ko sa sinigang tapos may katulad pala ako? What the fuck.
"Yes, she's standing in front of me." Saad nya at tumingin sakin.
"What do you mean?" Nagtataka kong tanong, he's so magulo.
"Uh n-nothing mag prepare na ba akong ng plates?" Binalewa nya ang tanong ko.
Binalewa ko na lang din ito. "Okay, luto na rin to." Saad ko at humarap sa niluluto ko.
Nilagay ko na sa lamesa ang niluto at pumunta na sa harap nya. "Oh shookt the water." Ba't to nagpapanic?
"Hey stop panicking come on let's eat." I said.
Bumalik sya sa lamesa at nag start na kaming kumain.
"Uhm ano nga pala pinagkakaabalahan mo this past few days." Tanong nya.
"Uhm as usual my college life, how about you?" Tanong ko.
"Ganun din plus yung business namin." Saad nya.
Natapos kaming kumain puro kami tawanan at kwentuhan. Nag prisinta syang mag hugas ng plato kaya bago ako umuwi nag ayos nalang ako ng lamesa at pinagmasdan ang bahay nya.
Napansin kong may frame ng batang nasa wallpaper nya. Siguro favorite picture nya to.
"Uhm can i ask you a question?"
"Yes, ano yon?" Tanong nya.
"Sino yung batang nasa wallpaper at yung frame mo?" Tanong ko.
Tinigil nya ang pag huhugas at tumingin sakin.
Tumitig sya sakin. "It's the girl that's very special to me, my first best friend, my first love but i lost her and i'm willing to suffer to take her back. I miss her so so much. Ang lapit lapit na nya sakin eh pero parang di ko sya maabot." He's getting emotional but he tried to smile, eyes can't lie, tyjer.
Hindi nya na napigilan at tumulo na nga ng tuluyan ang luha nya. Hindi ko na natiis at lumapit ako sakanya para mayakap sya.
"Kung sino man sya, i hope bumalik na sya sayo." Saad ko at hinagod ang likod nya.
"Bumalik sya lia, pero hindi sakin." Saad nya.
Sana bumalik na sya sayo tyjer kahit masakit sakin, kasi hulog na hulog na ko sayo eh, kaso may hinihintay ka lang palang bumalik.
YOU ARE READING
I'll Wait For You.
RomanceOne day lia met tyjer dahil sa naganap na party sa bahay ng kaibigan ni tyjer nagkatinginan silang dalawa, ang iniisip ni lia ay kanilang first time mag meet ngunit para kay tyjer ito ay ang kanyang first love na kanyang hinintay ngunit hindi na bum...