Effort.
Nagising ako ng may maamoy akong amoy parang nasusunog? Puta nasusunog!?
Dali Dali akong tumakbo sa kusina at nakita ko si tyjer na nahihirapan sa niluluto nyang hotdog.
Natawa ako ng malakas at halos maluha na 'ko.
Lumapit ako sakanya. "Ano ka ba! hindi naman na kailangan magluto! Nag abala ka pa!" Saad ko habang natatawa pa rin.
"Can you just help me here instead of laughing?" Saad nya na parang naglalabas na ng sama ng loob.
Nagpatuloy ako sa pagtawa ngunit tinulungan ko na sya. Paiyak na e.
"Tsk sunog na nga, natawa pa rin." Posibleng mali ang pagkakarinig ko.
"Hoy? Pinaparinggan mo ba 'ko?" Nilingon ko sya at tinaasan ng kilay.
"Natamaan." Inirapan pa ko ng gago.
May regla ata 'to.
"Hey, next time kapag magluluto ka, wag mo masyadong lakasan yung apoy and wag mo tipidin yung mantika sa hotdog. Duh masusunog talaga yan!" Pagsasaway ko sakanya.
"Sino nagsabi sayong magluluto ako ulit ng hotdog?" Saad nya na para talagang naglalabas ng sama ng loob.
May pumasok naman sa isip kong pang asar.
"Oh edi nag effort ka pala at finorce mo ang sarili mong lutuan ako? Crush mo ko 'no? Ih anu ba, i'm too young for this!" Pang aasar ko.
Lumapit sya sakin kaya nabangga ang likod ko sa sink.
"Yo miss ang galing mo manghula ha. Manghuhula ka ba dati sa past life mo? Hulaan mo nga future natin." That was fucking smooth.
Agad akong namula. "You look like kamatis." Natawa sya at pinisil ang pisngi ko.
"Shoo alis! Nagugutom na 'ko, sunog naman kasi yung luto." Itinulak ko sya at inirapan pero deep inside tunaw na tuna-no lia you're not!
"Wow, sya na nga ang nilutuan, sya pa ang nagrereklamo." Saad nya.
"You! Order some food i'm craving sa mcdo! I'm fucking hungry." Saad ko na nanggigigil na sakanya.
"No, you need to teach me how to cook sinigang, uulamin natin yon, kahit pangit ang lasa." Puta- nagbibiro ba sya? Gutom na yung tao tapos magpapaturo syang magluto ng sinigang?
"Wala tayong ingredients." Pagpapalusot ko.
May kinuha sya sa ref and there i saw the ingredients of sinigang. "Here." Saad nya at ngumiti ng nakakaasar.
Nakakainis! Nagugutom na ako.
"Fine fine!"
Ok hingang malalim liana zorah.
"Alis dyan, ako na maghihiwa sa mga yan, ikaw ang magluluto." Saad ko at inirapan sya.
Naiinis ako e!
"O galit na galit miss maam." Saad nya gamit ang nakakalokong tunog.
Natapos ko ng hiwain lahat at nakita ko syang pinapanood lang kung pano kumilos ang mga kamay ko.
"Hey you! Start cooking na." Saad ko.
"Wait!" May inabot syang band aid.
"No need, please just cook, gutom na ako."
"Please just put it sa wound mo." Saad nya, begging.
Inilagay ko ito at ng matapos, nakita ko syang nagtitipa sa phone.
"Magluto ka na nga! Puro ka cellphone!" Inirapan ko na naman sya. Hilong hilo na ko kakairap!
"Para ko namang nanay to." Saad nya at tumawa pa nga.
Mukha ba kong nanay sakanya!?
"Dali na!" Pagmamadali ko sakanya.
"Ok first open the gas, yung sakto lang." Saad ko ng maigi at nasundan nya naman ito ng maayos.
"Then put some water. Pagkatapos ng water you put the pork." Saad ko at sinunod nya naman ito.
"Alis dyan ako ang magtitimpla, just watch, kung kailangan ilista, ilista mo." Saad ko. Nakita ko naman syang naglabas ng phone at nagtipa habang pinapanood ang pagtitimpla ko.
"Wag mo muna ilagay mga gulay, pagkatapos ng 20 minutes, ilagay mo na. Bilangan mo! Lilinisin ko ang kwarto ko." Saad ko sakanya at iniwan sya.
Nang tignan ko ang oras at nakitang tapos na ang 20 minutes, pinuntahan ko sya at nakitang inilalagay ang gulay.
Nakasuot sya ng khaki t-shirt yun ang gamit nya sa bar at yung sweat pants na suot nya ay naiwan lang ng pinsan ko nung nandito sila, buti at kasya sakanya. Sarap titigan ng likod.
"Hey nalagay mo na?" Tanong ko sakanya. Medyo malayo pa ang pagitan namin kaya pasigaw ang pagkakatanong ko.
"Yes." Saad nya at ngumiti. Napangiti lang din tuloy ako.
At nung papalapit ako sakanya, napakamalas talaga at nadulas pa nga ako! Nahulog ako! Pero hindi sa sahig kay tyje- no tangina naman lia.
Nasalo ako kaagad ni tyjer kaya hindi ako nahulog. Tumingin ako sakanya at may parang gumagalaw na paru paro sa tiyan ko ng magkatitigan kami. Tumayo na ako, umiwas ng tingin at napalunok, ganun din ang ginawa nya.
Chineck ko ang niluluto nya at nakita kong kumukulo na ito kaya naghanda na ko ng kakainan namin.
"Uh p-patayin mo na yan, then ihain mo na." Saad ko.
"Uh here." May iniabot syang paper bag ng mcdo saakin. Huh?
"What's this? For what?" Tanong ko.
"Sabi mo kasi kanina,, you're craving uh uhm mcdo so i brought some for you." That melt me, because he look so shy saying those words to me.
Kahit pala masungit tong si mr. Tegros may mabait din pala syang side.
"Thank you!" Sa sobrang saya ay hindi ko na mapigilang yakapin sya.
I froze, sya din, nang marealize ang ginawa ko.
Naubo naman ako sa ginawa, kaya umiwas ako ng tingin at umupo na.
Kumain na kaming dalawa.
"Uh are you free next Saturday?" Naubo naman ako sa tanong nya, kaya inabutan nya ko ng tubig.
Wala naman akong gagawin sa Saturday since tapos na ang mga kailangan kong gawin.
"Yes, why?"
"Uh birthday kasi ng friend ko, and sa rules naming magkakaibigan may partner dapat na kasama or else i dadare kami. I hate daring. If okay lang naman sayo na sumama sakin. Pwede mo pang pag isipan yan, sa Saturday pa naman, in-advance ko lang para mapagisipan mo." Saad nya.
Nabulunan ako sakanyang sinabi. Did he just invited me to be his partner?
YOU ARE READING
I'll Wait For You.
RomanceOne day lia met tyjer dahil sa naganap na party sa bahay ng kaibigan ni tyjer nagkatinginan silang dalawa, ang iniisip ni lia ay kanilang first time mag meet ngunit para kay tyjer ito ay ang kanyang first love na kanyang hinintay ngunit hindi na bum...