SLOW MO?
Napaka presko ng paligid ... animo nag bubunyi ang mga halaman sa pagkakabasa nito dahil sa ulan... katatapos lang kasi ng tag-init. Habang nalilibang sa nakikita si Katie, siya namang daan ni Nikko na may hawak na dahon ng saging panangga sa ulan...
Totoo ba ang slow mo... haizt kala ko ba sa pelikula lang un or sa pocket book na nababasa ko parang ang tagal parang ilang minuto na dumaan sa tapat ng bintana nila si Nikko SLOW MO..... un ba ang tawag dun ung kita mo lahat ng detalye ng paghakbang niya... pati ang patak ng ulan sa kanyang mukha.. ang saglit na paglingon na may pagtango parang ang tagal.... parang nasa alapaaap na si Katie.....
Hoy Kat dyan ka pala .... kita tayo sa church mamaya ha. ani ni Nikko na napalingon saglit kay Katie pero patuloy pa din sa pag lakad .
Ha.. animoy nagising sa pagkakaidlip Oo sige mamaya sana wala ng ulan...
Kaasar.. bakit ko nararamdaman to. bakit parang may kaba, may kilig na nadadama ako pag nakikita ko ngayon si Nikko.
Crush ko ba siya? Saan parte naman kaya? huuuuuuuuuuuuu grabe ha... pano ko nag ka crush dun.... asar na tugon ni Katie sa sarili.
Hmmm in fairness naman kay Nikkong....(tawag niya kay nikko pag nagaasaran sila) maganda ang height sa edad nilang 15 angat sa karaniwan ang height nito. Ang pag ka tsinito nito ang kadalasang napapasin ng mga kaklase nila dito cute daw ...... tseee ewan ko sa kanila. ...
Katie ilakad mo naman ako kay Nikko .... i build up mo ko tutal lagi mo naman kasabay umuwi eh diba parehas lang kayo ng way. Eh kung ikaw na lang kaya no... kahit takbuhin mo pa... gawin mo pa kong tulay tantanan mo nga ko Mildred. Saka ano naman nagustuhan mo dun kay Nikkong kingkong na yun.
Ay kailangan pa talagang itanong natatawang tugon ni Mildred. Di ko kasi magetz kong anong nagustuhan mo dun kay kingkong ay nikko pala "si Katie habang abalang nagbabasa ng pocketbook.
Cute kaya siya , saka mabait, sige na... Kat... please.... ani ni mildred
Ok ok pero papahiramin mo ko ng 5 pocket book nakangiting sagot ni Katie
Oh sure ... pocket book lang pala eh... hi hi hi hi hi hi