SOCC final TRAINING
Nakakaantok pa pero need bumangon maaga kasi may training ang SOCC ngayon as incoming officer di pwedeng malate para walang punishment at siyempre bukod sa punishment pag nalate ang malupit pa dito ay ung demeritt.
Eto kasabay na naman niya to si kingkong, no choice naman siya sabagay marami naman silang sabay sabay lagi pero dati di naman siya concious ngayon parang may kakaiba.
Ilang taon na bang lagi naman silang sabay sa pagpasok since elementary naman. Kawasa ilang bloke lang naman ang layo ng bahay nito sa kanila. Sa bandang dulo nga lang sila Nikko.
Panakaw na minamasdan niya ito sa sout nitong patig na na uniforme bilang officer napakisig nitong tingan. Maganda talagang magdala ng damit tong si kingkong nangingiting bulong ni Katie sa sarili. Luma na ung patig nya pero ganda paring tingnan. Ay ewan.
Tiningnan nya ba ko... parang nakita ko na nakatingin din siya sakin. ahm baka sa isang kasama namin talaga naman napapraning na naman ako.
SA SCHOOL
Naka formation na ang lahat. bukod ang babae at ang lalake dahil may drill na gagawin. at dito ibabase on what position ka mailalagay as officer.
Pinapila na sila Katie after ng ilang warm up exercise ang first drill gugulong sila mula sa tapat nang flagpole hanggang sa tapat ng isang officer na maglilista kong nakapasa ka sa nasabing drill. Mga 15 hakbang siguro kung susukatin ang layo.
Pang lima si Katie sa line. One down and roll ,(sigaw ng officer as signal na dadapa na at gugulong ang nasa unang linya) Two down and roll, Three down and roll ... pang apat na.... ng bilang may kumalabit sa braso ni Kat si Nikko... mahihilo ka katie ha bulong nito 3 ikot lang hilo ka na ok. ...
Ha ? ano? anong mahihilo? nalilitong sagot ni Katie.
Basta pag sinabi kong mahihilo ka tatlong ikot lang mahihilo ka na ok. Ako na ang bahala after that . walang ekpresiyon pero madiing sabi ni Nikko .
Pero bakit ganun bakit naman pumayag din akong diktahan nitong si kingkong... kung sabihin ba nitong tumalon ako sa bangin tatalun ako. haist at saka parang sure na sure naman tong kingkong nato na susunod ako.
4 down and roll.....
Ako na.... bulong ni Katie .. mahihilo daw ako.. haist... eh di mahihilo ...
5 down and roll .....
Nakatatlong ikot lang si Kat di pa naman siya hilo pero need niya mag pretend na hilo daw siya tumigil siya sa pag roll at nanatiling nakayuko ang ulo at bahagyang itinaas ang kanang kamay na tila senyas ng di nakaya.
siyang lapit ni Nikko.... at ni Lourdes isa pang officer na gaya ni Nikko para alalayan si Katie dinala si Katie sa pinaka camp tent nila para magpahinga with the medics.
Adik ka Nikko pag di ako natanggap sa pagkaofficer lagot ka sakin. bahagyang nakapikit dahil may nakatinging ibang officer sa kanila habang pinapaamoy ni nikko ng white flower si Katie.
Ngiting ngiti naman si Nikko na may pabulong na sambit. akong bahala sayo sagot kita.
Ayun maghapon nanood lamang si Katie sa ibat ibang activity at drills ng mga kasamahan. Andun ung nagsipagapang ang mga ito sa damuhan , nag bilad sa initan.at ang pag tulay sa lubid. naaawa siya sa mga kasamahan at nakokonsensiya na din dahil siya masarap na nagmemeryenda dun. at pabalik balik lang dun si kingkong to check kunwari if ok lang siya.
**************************
Uwian na... natapos din ang training day. Kamusta naman naupo lang naman ako maghapon. haist mamaya sakin to si Nikko. bulong ni Katie sa sarili.
Nikko anong naisipan mo at pinagawa mo sakin un ha.? si Katie habang hangos na paghakbang laki ng hakbang kasi ni kingkong isang hakbang ata nito 2 katumbas sa kanya.
Ha ha ha ha ha ok naman ah at least di ka nahirapan. Saka alam din naman ni Cor un. sagot ni Nikko.
Anong alam ni Cor? (Cor short na tawag nila sa kanilang Cor Comander)
Tinanong ko si Cor kung Ok lang ung naisip ko kasi sabi ko ayaw kitang mahirapan. kasi dati kako sabay tayo ng training kaso di ba nga tumigil ka. saka nagpalit tayo ng commandant kaya di ka naretain. pero dapat talaga officer ka na diba.
AYAW KITANG MAHIRAPAN gumuhit sa utak ni Katie... bakit ayaw niya ko ng mahirapan... siyempre kachokaran ganun... ka berks.... ano kaba KAT KAT tantanan mo ngang bigyan ng meaning ang mga bagay bagay. wala naman siyang lakas magtanong kung bakit parang di rin naman siya handang pakinggan ang sagot dahil di niya alam ang magiging reaksiyon niya kung sasagutin nga ni nikko bakit ayaw nya siyang mahirapan.
Bakit nga ba? takot ba siya sa sarili nya. ... tama takot siyang di niya marendahan ang sarili nya baka magkamali siya... di pa pwede wala pa sa tamang panahon para magboyfriend siya ang bata bata pa niya ang pangako niya sa sarili nya pag 18 na siya saka siya mag boyfriend.
Boyfriend agad? nababaliw ka na KAT kala ko ba SLOW MOTION ang nakikita mo kay Nikko bat parang FUTURE na ata . di ka lang pinahirapan KAT wagas ka naman magbigay ng meaning.
Ayan na naman kaasar ungmga tingin niya. Di naman siya nagsasalita bat ganun... ung mata nya parang nangungusap. parang may sinasabi. Haist salamat. bulong ni Kat sa sarili malapit na ang bahay nila. Ligtas nauli siya sa kaba.
O pano Guys dito na ako Ingatz kayo diyan. ... kaway sa iba pang mga kasama nila ni Nikko sa pag uwi. Di na niya binangit angpangalan ni Nikko pero bakit ganun parang kahit si Nikko alam nya un na ang totoo kay Nikko siya nagpapaalam. Ay ewan Kat... baliw kana ... baliw na baliw ka na....
(hi hi hi baliw na nga ata si Kat kat ... itanong na kasi para di na nakikipagusap sa sarili. kso late na 2 am na eh tulog na muna hope you wont miss guyz the next page.. okies cookies......comments and likes is highly appreciated muaah )