Prologue

54 3 5
                                    

Prologue


Donovan and Zane battled fiercely in the chaotic war zone. Donovan was winning, but suddenly, a blade pierced his hand, causing intense pain. He looked down, shocked, to see the same blade lodged in his chest. His gaze met the eyes of his attacker—an unexpected and special person.

The world had become messed up, but facing this particular someone in a fight was beyond Donovan's expectations. Stunned and hurt, he stopped fighting back, letting the person he once held dear continue the assault.

At that moment, Donovan wondered why he should keep fighting. He was already dying, and the idea of battling someone so significant seemed pointless. The sounds of the battlefield faded as Donovan resigned to his fate, and embraced the unavoidable.



Napakasinungaling!


Akala mo naman talaga napakabait! Kwento mo yan, eh. Syempre main character ka dyan!


Natapos ko nang basahin ang libro—ilang ulit, pero hindi ko pa rin alam kung paano ako makakabalik sa mundo ng Epiphany. Ang alam ko lang, playing victim talaga itong si Donovan sa libro!


He said Zane was a special person to him? Na pumatay sa kanya? Ha! Siya nga itong naglagay sa kritikal na kondisyon kay Zane or Clayton. At ni minsan, hindi siya nagbitaw ng magandang salita patungkol kay Zane, tapos sasabihin niyang importante sa kanya si Zane?


Kalokohan.


Ininom ko ang baso ng tubig na nakapatong sa side table. Mag-3 AM na ng madaling araw pero hindi pa rin ako nakakatulog.


Mag-iisang linggo na rin akong walang tulog. Bisita sa ospital kina Clayton at Ami, tapos hanap ng paraan kung paano ako makakabalik sa libro. Iyon lang kasi ang naiisip kong dahilan para mailigtas ang best friend at boyfriend ko.


It makes no sense to me that Clayton and Ami crashed their cars at the same time—in different places, but simultaneously.


Si Ami, bumangga sa pader ng convenience store. Si Clayton naman, may nakabanggang truck. Ang weird pa, nangyari ang aksidente sa oras na nagising ako.


I'm pretty sure that was 2:17 PM. Dahil orasan ang una kong nakita nang magising ako. Kaya naman nung sinabi sa akin ng pulis ang oras kung kailan naganap ang aksidente, alam kong may koneksyon talaga ito sa Epiphany.


Ang pinakauna kong ginawa ay hanapin ang author ng librong Epiphany. But the author was so mysterious. Ginugol ko ang ilang araw ko sa paghahanap online, however, I failed to get at least the real first name of the author. Mayroon siyang mga fanpages sa iba't ibang platform pero pen name niya lang at hindi ko talaga makita ang impormasyon sa totoo niyang pangalan.


Nakapagtanong na rin ako sa mga kilala kong fan na fan niya pero hindi rin nila alam. In fact, they are curious as well kasi ang pen name lang nito ay - KD. People are not even sure if the author's a girl or a boy.


10 AM na ako nagising. Mabilis akong nag-ayos para bumisita uli sa hospital. Nasa iisang hospital lang naka-admit sina Clayton at Ami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EPIPHANY 2: The TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon