#Unedited
#READ AT YOUR OWN RISK!Friend request
Hindi ako nakapagsalita dahil sa sobrang hiya kaya wala sa sariling hinila ko si Jeca palabas.
"Kaya pala ayaw sumama ah!" pang-aasar ni Jeca sa'kin ng tuluyan kaming makalayo sa cottage.
Sinundot sundot nya ang tagiliran ko kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Baby pala ah! Hi Baby Lesya!" Asar nya pa kaya mabilis na tinakpan ko ang bibig nya.
Nasa loob pa sila Ace at Yurkie pero hindi malabo na marinig nila ang malakas na bunganga ni Jeca.
"Hindi mali, single pa pala talaga sya." Mababang sabi ko sa kanya.
Hindi naman sya nagreact ng sabihin ko iyon.
"Sabi na eh, single pa talaga sya ikaw lang naman itong gumagawa ng kwento." Nakangising sagot nya.
"Pero naniwala ka naman sa sinabi ko."
"Hindi ako naniwala sumang-ayon nalang ako kasi mukhang paiyak kana nun."
Nakangusong tinampal ko sya sa braso.
"Nakakainis ka naman!"
"Huwag na mainis ang baby na yan!" Humalakhak sya bigla kaya mas lalong ako napanguso.
Kinikilig ako but at the same time nahihiya rin na baka marinig ni Ace ang mga pang-aasar na Jeca baka kung ano pang isipin sa'kin.
Mayabang pa naman iyon baka sabihin patay na patay ako sa kanya. Oo nga't crush ko sya pero hanggang dun lang 'yon.
"Tara kain tayo ginugutom ako." Biglang yaya nya kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod.
Nakita kong parehong nakaupo si Yurkie at Sir Ace sa isang mahabang bamboo chair at ng mapansin ako nito ay mabilis syang nag angat ng tingin.
Hindi sya nakangiti hindi rin mukhang galit pero ang malalalim at magaganda nyang mata para bang napakaraming sinasabi.
"I think I have to go now." Mababang sabi nya at tumayo.
Hindi nya inalis ang mga mata sa'kin.
Hindi ko man aminin pero nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi nya..
Aalis na sya at sigurado akong pag lumabas na sya iba na ang trato nya sa'kin. Dahil sa labas Teacher sya at ako estudyante lang nya.
Binawi ko ang tingin ko at ibinaling nalang ka Jeca na kumakain ngayon. Nagkunwari nalang akong walang narinig mula sa kanya.
Lumapit ako kay Jeca at kung kanina ay natatakam ako sa pagkain ngayon tila nawalan ako ng gana.
Ramdam ko parin ang nanunusok na tingin sa'kin ni Sir Ace pero pinilit ko ang sarili kong huwag magpa apekto sa kanya baka madulas pa ako at masabi kong huwag na muna syang umalis.
Ano ka ba Lesya don't be selfish! Teacher sya at marami syang ginagawa kung mag sstay sya dito kasama nyo masasayang ang oras nya!
YOU ARE READING
I Crush You Sir
Teen FictionI crush you Sir! Lesya is that type of girl who is difficult to win over. She will not just be attracted to someone who does not have the standards she is looking for in a man. When he met the man who would temporarily replace them as their teacher...