Shot 1

31 2 0
                                    

Excuse me sa mga wrong grammar  ni author.Daming typos...

Thanks to yuesai78 for making my lovely cover. Thanks very much.

***

Inhale...exhale..inhale.. exhale.

Finally after 5 years nakabalik na rin sa wakas. How I miss this place. Philippines. Yes, Philippines I'm back.

Pumunta na ako sa luggage area ng airport kungg saan mo makukuha ang mga bagahe mo. Nang lumabas na yung maleta ko kinuha ko kaagad eto at saka lumabas. Nakakahilo kasing pagmasdan ang madaming tao na pakalat kalat or maybe epekto lang ito ng mahabang byahe.

Dumampi kaagad ang maiinit na simoy ng hangin sa balat ko na alagang selca at kutis na takaw tingin. Sa pinas na talaga ako at walang duda. Yung tipung mag aala e-el nino ang balat mo at yung feeling mo na pati mga eye balls mo ay matutunaw dahil sa tindi ng init. Kaya naman sinuot ko ang shades ko na kakabili ko lang sa duty free.

Palingon-lingon ako dito sa labas ng airport baka sakali makita ko sila. Look to the left, look to the right. No. Look to the front wala din. I looked at my back at hinanap ko sila at nag mukha akong tanga. Look up kaya sabay shake-shake-shake? Mehehe. Mas lalong wala akong may nakita na anino nila.

"Sweetie!" rinig kong sigaw

Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses na yun.

"Over here by-girl" isang boses ulit na very familiar sa akin.

Sa di kalayuan. May nakita akong may kumakaway at isang parang papel na tinataas sa ere? At sina mum, dada and kuya ang mga iyon. At ano naman yang hawak ni kuya? Kumaway din ako sa kanila habang papalapit. Noong una d ko pa masyado mabasa ang nakasulat sa malaking papel na hawak ni kuya. Nang malapit na ako sa kanila doon ko lang na nakita ng maayos at ang nakasulat ay

"WELCOME BACK TO PHILIPPINES SWEETIE-BABY GIRL PURPLE VASHTI FEAGANS"

Natawa na lang ako sa nabasa ko. Meh ganun pang nalalaman si kuya ha.

"Mummy! dada! kuya!" bati ko sa kanila ng makarating na ako sa kinaroroonan nila.

"Oh sweetie, look at you now. Ang ganda ganda mo na." sabi ni mummy na sini scan ako mula ulo hanngang paa at niyakap ako.

"Mana lang sayo mum" sabi ko at gumanti din ng yakap. Rinig kung tumawa sila sa sinabi ko which was not funny, really.

"Our baby girl has grown up prettier than her mum" Sabi ni dada sabay yakap sakin. Tumawa na lang si mummy sa sinabi ni daddy or what I so called Dada.

Now alam niyo na kung bakit ganun na lang ang nakalagay sa malaking papel "sweetie-baby girl". My mum calls me sweetie and my Dada and kuya calls me baby girl or by-girl for short which usually tinatawag sa akin ni kuya.

"Dalaga na nga pandak parin" Napalingon naman ako at napasimangot doon sa sinabi ni kuya Vinx.

"Ang sama mo kuya. Naku pag ako tumangkad at mas matangkad pa sayo aapakan talaga kita."

"Madaming bote pa ng cheriffer ang kailangan mong inumin by-girl..hahahahhaa." Grabe talaga makalait tong si kuya.

"Payakap nga. Namiss din pala kita by-girl." Wow lang, ngayon niya lamang narealize na namiss niya din ako which means kung d kami nagkita ay di niya ako namimiss.

"Well, I don't miss you" sabi ko.

"Naku tampururut mo naman by-girl."

Pagkatapos namin mag family reunion sa labas mismo ng airport ay umuwi na kami ng bahay. Doon na lang daw kami mag lunch kasi naghanda daw talaga si mummy ng pagkain.

Nang makarating na kami sa bahay. Dumiretso kaagad kami sa dining area. At lahat naka ready na. Nag kwentuhan kami habang kumakain. Namiss ko din ito, sitting, eating, and talking with your family.

"So kamusta naman sina tita Lara at tito Alex mo doon?" tanong ni mama.

Sina tito at tita ang naging magulang ko when I was there in New Zealand. As soon as I graduated in elementary dito sa pinas ay lumipad ako papuntang New Zealand kasama sina Dada na kapatid ni Tito, mum at kuya. Parang bakasyon din. Wala silang anak kaya para na ding anak ang turing nila sa akin. Doon ako nag high school at nagtapos. During my graduation hindi nakapunta sila dada and kuya dahil sa business matter which was not really a big deal para sa akin. I understand naman. Si mummy lang ang nakapunta. After that I stayed ther for 6 months more since noong December pa ang graduation. To cut the story short, parang hiniram lang ako nila tita kasi wala silang anak. Ok naman sa akin kasi I treat them both as my second parents.

"Ayon, umiiyak minsan si tita kasi nga daw mami miss nya daw talaga ako. Sabi naman nila maybe next year ay magbabakasyon sila dito" sagot ko.

"Me and your kuya were so sorry because we didn't make it on your graduation" Sabi ni dada.

"Da, diba sabi ko ok lang. Saka matagal na yun eh. Pero kailangan sa graduation ko sa Uni nandon kayong lahat."

"Yun oh. Of course baby girl" Si kuya.

Nagpatuloy pa ang usapan namin tungkol sa pag-aaral ko doon. Mga experiences and stuffs. We were just catching up to each other. Pagkatapos namin mag tanghalin, nagpaalam si kuya na babalik na sya sa trabaho.

"Sweetie, will you be okay if aalis kami ng dada mo? We are going to meet our old friends. At saganoon makapagpahinga ka na din."

"Yep! I'm good. And hindi na ako bata para bantayan pa. Hope mag enjoy kayo" Sabi ko naman at ngumiti kay mummy.

"Allright, We're heading off now. If you need anything tell us or if something happened call us right away. Ok?" Hinalikan ako ni dada ganun din si mummy at saka umalis.

Pinanood ko silang lumabas ng bahay. One thing that I like about my parents ay kahit tumatanda sila their sweetness never fades. Gaya ngayon, nakaakbay si dada kay mummy at yung kanang kamay naman ni mummy ay nakayakap sa likod ni dada. Ang sweet lang diba? Kami ni kuya sanay na kami sa kasweetan ng parents namin. Even if they kissed in front of us ay ok lang. We don't put malice out of it.

"hayyyyyy" (yawn)

Kailangan ko na talagang magpahinga. Parang naje-jetlag ako. Hindi pa naman ako nakatulog ng maayos.

Umakyat na ako sa taas dala ang maleta ko at pumasok sa kwarto. Pagkapasok ko sumalampak kaagad ako sa kama ko. Sa sobrang bigat ng katawan ko ay di ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Writer's Note:

Yay!!... Finally natapos na din ang first chap. Yeah, I know there's not much exciting stuffs in this chap. The next chap will be a lot better and more characters will be introduce to you. And also you will know more about our dearest Purple Vashti Feagans. Do you guys like her name? Hehehe. Anyway, I'm happy na may nag basa ng kwento ko kahit di ko man kayo kilala but I'm thankful to you guys for opening  and reading my story.

Pls dont forget to vote and comment. :)

lovelots- YuraErominah





Captured In A MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon