Shot 3: Lindisfarne University

10 0 0
                                    

Kent's POV

"oh anong nangyari sayo Kent? bakit pula na yang puti mong tshirt?" tanong El pagkapasok ko ng bahay.

"tss.. gawa to ng babae kanina sa KFC" walang modo kong sagot.

"Ano? babae?" bigla namang lumapit si Kerby pagkarinig ng babae. pambihira.

"oh ang mata Kerb naghuhugis puso na oh."

"walang basagan ng trip El. Nagsimula ka na naman e."

Ayan  na naman ang dalawa sa kanilang bangayan. Papaakyat na sana ako ng bigla akong tinawag ni Kerby.

"Teka Kent, maganda ba siya Kent ha?" sinasabi ko na nga ba e.

"di ko alam, di ko na mukhaan."

"Aish. Sabihin mo na lang kung ano itsura niya."

"pota, sinabi na ngang di ko namukhaan e." 

Kanina pa ako nanglalagkit at gusto ng maligo tapos etong si Kerby pinapatagal ang usapan e. Bwesit. Bad trip na nga doon sa babaeng dachshund pati dito badtrip din dahil kay Kerby. Umakyat na ko sa kwarto ko at naligo. Walangyang babae yun, pasalamat siya at di ko siya namukhaan. 

Pagkatapos kong maligo ay humiga ako sa kama ko.Walang masyadong magawa ngayong araw. matutulog na lang ako. Pipikit na sana ako ng makita ko ang camera ko. Kinuha ko eto at tiningnan ang mga letrato na nakunan ko na gagamitin namin  para sa project namin.

Dahil sa inaantok ako di ko natingnan ng mabuti ang pictures na nakunaan ko. Pero bigla na lang ako napabangon at parang nawala bigla ang antok ko ng mahagip ng mga mata ko ang isang letrato.

Bakit meron ako neto?

Patuloy kong pinagmasdan ang picture na to na ko di ko na napansing nakangiti na din pala ako.

taena, bakit ganito na lang ang epekto nito sa akin? parang natanggal neto ang pagka badtrip ko.

Purples's POV

"WOW!" yan ang unang salitang lumabas sa bibig ko pagkapasok n pagkapsok ko sa school na papasukan ko ang Lindisfarne University (pronounce as lin-dis-farn). It is one of the prestigious universities here in the Philippines. Sobrang laki neto, malawak at malinis pa . 

This is more than what I've expected. This is a perfect school for me sa isip ko.

Biglang nasira ang pagmomoment ko ng makarinig ako ng mga bulong-bulungan.

"Girls look, mukhang may new scholar na naman tayo ah"

"ay oo nga, di ko siya nakita dati eh.

"Nagtaka kapa, di naman siya maganda para kapansin pansin"

"oo nga ano? mga mahihirap nga talaga mga desperada maging  scholar para lang makapasok sa school natin. "

"tama, mga feelingera"

Hindi pala sila nag bubulungan kundi nagpaparinig. 

Teka? ako ba ang tinutukoy nila? kung ako nga.. sabi ko sa isp ko biglang napatingin sa sarili.Mukha ba akong scholar at mahirap?

Napailing na lang ako sa mga narinig ko at pinagpatuloy ang paglalakad papuntang Registar Office ng school, which I don't no where to be honest. Sa sobrang laki neto paano ko to mahahanap?

"needa comp'ny?"

"ay palakang duling" nabigla ako ng may biglang tumalon sa harapan ko at tumambad ang cute na lalaki.

"ahehehe.. is that a compliment?" nahihiyang sabi niya sabay himas ng kanyang batok. 

"hehehe. sorry nabigla lang kasi ako e."  sabi ko sabay yuko

Captured In A MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon