Prologue

235 11 15
                                    

Enjoy reading, Sweeties

R-18

Noah

I clutched my neck when I felt so hot inside my body as if I was going to get sick and seemed to feel in my throat the strength of the liquor I drank just now.

"'Yang si Noah kahihiwalay lang sa nobya, dapat d'yan, binibigyan na agad ng babae para 'di malungkot," dinig kong sabi ni Conall.

Binigyan ko ng kakaibang titig si Conall dahil sa sinabi niya dahilan kung bakit natawa siya.

"Wala bang single at ready to mingle rito? Sayang naman ang nalalapit nang maupo bilang Mayor ng Palanan," tumatawa pa nitong saad kaya naman binato ko ang una kong nahawakang gamit kay Conall dahil talaga lasing na siya.

I was more embarrassed. Kung ano-ano na ang inilalabas ni Conall lalo pa't may mga iba kaming kasama ngayon. Hindi lang circle of friends namin ang narito, but our friends' friends are also with us.

"Itong si Dada ay single pa, Sir Noah kaso masyado pang bata para sa 'y—"

"Anong bata? Pwede na 'yan! Hindi naman 'yan minor, 'di ba?" tumatawang saad pa ni Conall dahilan kung bakit nakitawa na rin ang iba pa naming mga kasama.

Nakita kong nahihiyang yumuko si Dada kaya naman napabuntong hininga ako, magkatabi pa naman kaming dalawa ni Dada. Kilala ko siya, kaibigan siya ni Abilene at taga-rito lang sa isla ng Palanan kaya mas lalo akong nahihiya sa inaasal ni Conall ngayon. Inaayos ko ang image ko lalo't ako ang inatasan ni Dad na siyang pumalit sa kan'ya.

Hindi ko siya pwedeng biguin lalo't malaki ang pagmamahal niya sa Palanan.

Sure naman ang pagkapanalo ko dahil mukhang wala akong makakalaban. Hindi na rin ninanais pa ng mga mamamayan na may iba pang mamuno rito maliban sa pamilyang Tan. Ibig lang sabihin ay gusto nila ang pamumuno ng aking angkan.

Kailangan kong humingi ng paumanhin kay Dada lalo't baka kung ano pa ang isipin nito.

Matagal na rin namang on and off ang relasyon namin ni Leila. Masyado nang malabo ang relasyon naming dalawa na parehas na kaming pagod at parehas na rin na ipinagpapatuloy ang 'di na dapat na ituloy dahil naghihinayang kami sa tagal ng relasyon naming dalawa at mauuwi lang sa hiwalayan.

I love her... I really do but she's not my priority right now.

"Oo nga naman, Noah! Si Dada na lang yata ang pwede na ito rito lalo't siya na lang naman ang single," sabat ni Hanzo at talagang sinakyan pa ang trip ni Conall na asarin ako.

Talagang makakatikim sila sa akin mamaya lalo't mukhang tinatakot nila si Dada. Nakayuko na lang kasi ito at kita ko na tila naiilang siya dahil maging ang mga kaibigan niya ay inaasar na rin siya.

"Tama na," may diing saad ko at tumayo na kahit na naramdaman kong tila nahilo ako. Hindi naman ganoon karami ang nainom ko ngunit pakiramdam ko ay umikot ang buong paligid.

Hindi ko nga alam kung bakit nakihalubilo pa kami kila Dada. Sila lang namang magkakaibigan ang maingay kanina malapit sa pwesto kung saan kami umiinom nila Conall. Nagkataon lang na siraulo si Conall at talagang lumipat pa rito sa pwesto nila Dada dahil nandito naman daw sila Grace. Si Grace ay ka-batch namin nila Conall at kasalukuyang professor sa isang unibersidad dito sa Palanan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Embracing His Universe - On HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon