6. Ang Bago Kong Kalaro

6.2K 75 1
                                    

"Miguel, gumising ka na. Halika na rito. Mag-agahan na tayo." Rinig kong tawag sa akin ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.

Sa totoo lang, kanina pa ako gising. Ni hindi nga ata ako nakatulog kagabi dahil sa pag-iyak ko. Dalawang araw ko ng hindi pinapansin ang Kuya Nelson ko dahil sa sinabi nito sa akin. Ako lang pala sa pamilya ang hindi nakakaalam na ikakasal na ito. Nilihim niya sa akin ang totoo dahil alam niyang masasaktan ako. At ito na nga ang nangyayari ngayon.

Kaya din siya umuwi nang biglaan ay dahil aayusin nila ng mapapangasawa niya ang kanilang kasal. At dito nila balak sa Pilipinas na gawin iyon.

Sobra akong nasasaktan ngayon. Akala ko ay pang habang buhay ng hindi magkakaroon ng nobyo ang Kuya ko. Akala ko'y masaya na siya sa ginagawa namin.

Kunsabagay, hindi ko rin naman siya mapipigilan kung gustuhin man niyang magkaroon ng kasintahan. Lalaki siya at may pangangailan rin ito na hindi ko kayang tuguan at sa babae lamang niya iyon makukuha.

Pero ang sakit lang kasi sa parte ko na pinaglihiman niya ako. Ang akala ko'y alam ko na ang lahat sa kanya. 'Yun pala'y hindi niya sinasabi sa akin ang lahat.

"Miguelito?! Ano ba? Halika na rito. Kumain na tayo."

Kahit pa ayokong kumain, bumangon na rin ako para sabayan sina Mama. Magtataka kasi iyon kung bakit ilang araw na akong parang lantang gulay.

Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko si Mama na nasa harap ng pinto.

"Good morning, Ma." Walang gana kong bati rito. Dumiretso ako sa hapag kainan.

"Ikaw talagang bata ka. Hindi ka man lang ba nagugutom? Kagabi ay hindi ka na nga kumain e." Angil sa akin ni Mama na nakasunod sa likuran ko.

Naabutan ko roon sina Papa at Uncle George na kumakain na. Naupo ako sa harap ni Uncle. Ngumiti ito sa akin. Nginitian ko rin siya.

"Ano bang nangyayari sa iyo, Miguel? Ilang araw ko ng napapansin na para kang malungkot. Dahil ba ito sa Kuya mo?" Tanong sa akin ni Mama nang makaupo ito. Nilagyan niya na rin ako ng pagkain sa plato.

Hindi ako sumagot sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako at nagsimula nang kumain ng tahimik.

"Anak, ganun talaga. Hindi na bumabata ang Kuya Nelson mo. Kailangan niya nang humanap ng mapapangasawa niya. Tanggapin mo nalang na hindi na ikaw ang babygirl ng Kuya mo." Tumingin ako kay Papa at sinamaan siya ng tingin. Tumawa lang ito.

"Oo nga, Migs. Tama ang Papa mo. Hayaan mo, ako nalang muna ang tatayong Kuya sa'yo habang narito ako." Dagdag naman ni Uncle. Napatingin ako sa kanya at kinindatan ako. Muli ko siyang nginitian.

"Huwag ka ng magtampo sa Kuya mo. Maging masaya ka nalang sa kanya at sa magiging asawa niya. Buntis na rin kasi ang Ate Sophie mo kaya napagdesisyunan nilang magpakasal na." Sabi pa ni Mama. Muli akong napabuntonng hininga.

Isang taon na pala ang nakalipas noong makilala ni Kuya Nelson si Ate Sophie sa Saudi. Empleyado si Ate Sophie sa isang restaurant na madalas na kainan ng mga katrabaho ni Kuya. Doon sila nagkakilala.

Hindi sa akin sinabi ni Kuya na may girlfriend na siya dahil alam niyang magagalit ako. Pero noong kwinento niya sa akin ang lahat, halata sa mukha ni Kuya ang saya at galak kapag binabanggit niya ang mapapangasawa niya. Mahal na mahal ni Kuya si Ate Sophie.

Wala na rin naman akong magagawa. Siguro nga ay tama sila na tanggapin ko nalang ang lahat. Magiging masaya na lang ako sa bagong kapalaran ni Kuya.

MATAPOS naming kumain, dumiretso na si Mama sa grocery store. Si Papa naman ay pumasok na sa trabaho niya. Si Uncle at ako lang ang natira sa bahay. Si Kuya kasi ay maaga raw na umalis dahil may aasikasuhin ito sa kanilang Agency.

Uncle George (ANG PAGBABALIK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon