Sa wakas! Pwede na rin kaming umuwi!

Kakatapos palang kasi naming mag group study sa library ng school, nakakapagod!

Actually half day lang naman talaga yung pasok namin,pero wala  naman kasi kaming gagawin na hapon kaya ginagamit nalang namin yung time na yun para tapusin ang mga assignments namin. Alam naman yun ng mga family namin , pati na din ng mga  teachers, gandang ganda nga ng imahe ng section namin e! Proud ba naman si principal!

Kasalukuyan akong nandito sa waiting shed para mag antay ng bus pauwi. Hindi raw kasi ako masusundo ni daddy dahil gabi na siya makakauwi, kaya ayun mag c commute muna ako!

Habang naghihintay ay biglang may tatlong lalaki ang dumating, mukhang magaantay din sila kagaya ko.

Malakas na tawanan ang maririnig mo sakanila na animo'y ito na ang huli nilang araw kaya tinudo na nila ang pagtawa.hyy namiss ko tuloy sina ence, kung nandito silang lima ganiyan din sana kami.

Yumuko nalang ako at saka pinaglaruan ang maliliit na mga bato sa may sahig gamit ang aking mga paa.

Ang tagal naman!

Napansin ko na bigla nalang naging tahimik, kaya napalingon ako sa gilid ko kung saan naroon ang magkakaibigan, ngunit laking gulat ko ng makita ko silang gulat na gulat na nakatingin saakin.

Hala mukha ba akong multo?

Alanganin ko silang nginitian at saka tumingin sa harap.

Napakunot naman ang noo ko ng makita ang parang pamilyar na lalaki na naglalakad papunta sa kinaroroonan ko.

Ng makalapit na siya ay nakilala ko na! Si pres!

Seryuso siyang naglalakad at saka pumunta sa may gilid ko.Sasakay din siya ng bus? Diba mayaman sila?

"Mag ko-commute ka din?" tinanong ko parin siya kahit alam ko na ang magiging sagot. Shempre! Ang awkward naman kung hindi ko siya kakausapin! Kaklase  ko kaya siya, at tsaka hindi magandang umakto lang ako ng parang wala lang kung ang totoo ay kakilala ko naman siya!

Napatingin siya saakin, mukhang ngayon niya lang ako napansin."Isn't obvious?"

Ang sungit talaga!

Nahihiyang napayuko na lamang ako. Hindi kasi ako sanay na ginaganito ako, wala pa kasing kahit sino ang nagtatangkang bumara saakin ng ganito.

Tapos siya?!

"H— hi, pwedeng mahingi ang number m—mo?" ani niya saka iwas tingin.Parang kamatis na din yung pisnge niya sa sobrang pamumula.

Awie ang cute naman!

Kaso hindi ko pwedeng ibigay ang number ko, sabi kasi ni daddy pwede yung gamitin ng iba sa panloloko. Hindi ko naman sinasabi na manloloko siya, ang totoo nga e mukha siyang mabait na mahiyain, kaso shempre just like what daddy said 'dont trust anyone'.

Bahagya siyang yumuko, siguro kinakain na siya ng kahihiyan. Yung mga kaibigan naman niya'y panay kuha ng litrato saamin.

E??!!

"Ahm okey lang kung ayaw—" pinutol ko na ang sanay sasabihin niya.

Matamis na ngumiti ako sakaniya. "Pwedeng magpalitan nalang tayo ng social media account?" Kinuha ko ang phone ko at saka iniabot sakaniya."Search mo name mo, para ma add kita." Gulat na gulat naman siya, pati yung mga kaibigan niya. Parang bang napaka imposible na nangyayari ito.

Natataranta na kinuha niya ang phone ko at saka nag type roon at mabilis na binigay pabalik iyon saakin.

"Leonyl Kiovin Ramirez." teka bakit parang pamilyar ang pangalan niya?inadd ko na siya at saka ngumiti ulit."accept mo nalang ako ah!"

Dumating na yung bus na sasakyan nila kaya nag paalam na siya saakin, kumaway naman ako sakaniya habang nakangiti. Pagkaalis ng bus  ay nabalot ng katahimikan ang paligid, bakit parang ang bigat!

Bahagya ko siyang nilingon at napakunot din kaagad ang noo ko ng makita siyang masamang  nakatingin sakaniyang cellphone habang nag ta-type ng kung ano roon.

Nagulat nalang ako ng biglang nag vibrate ang phone ko, ng tingnan ko ito ay laking gulat ko ng makitang tumatawag siya.

Ciandray.

Nakangiting sinagot ko naman iyon, bahagya kong tiningnan ang katabi kong nakatingin din pala saakin habang nasa tenga rin ang phone niya.

Bakit siya nakatingin saken?!

Ipinagpasawalang bahala ko nalamang iyon, kahit kailan talaga tong lalaking toh!

Ibinaling ko nalang ang atensiyon ko sa may harap."uy! napatawag ka? di kana busy?" Napaghahalataan na naka vitamins ako palagi sa sobrang sigla ko!

"Let's meet up." Hindi ko alam kong saan nanggaling yung boses, kay ciandray ba o kay pres, narinig ko kasi siyang nagsabi nun habang may kausap din siya phone niya.

"Teka anong sabi mo? Hindi ko kasi marinig,sorry!" Kung mamamatay man ang mga sinungaling, siguro nauna na ako.

"Mag kita tayo, ngayon na." Ano toh? Napaka bossy ah!

"Ah sige, send ka location mo, pupuntahan kita." Ani ko, natahimik nalang siya bigla.

Hyst kinakabahan ang disney princess niyo guys!

"Hello? Naririnig mo ba? Sabi ko send mo saken location mo para mapun—" hindi na natapos ang sanay sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.

"Your already here.....with me." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Dahan dahan akong tumingin sa gilid ko at nakita ko si pres na seryusong nakatingin saakin.

Nawala kaagad ang ngiti sa labi ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko, kulang nalang ay lumabas na ito at makipagkarera sa mga sasakyan!

Hindi, hindi tama ang iniisip mo! Gaga imposibble! Napaka imposibble talaga!

Binaba niya ang kaniyang cellphone ngunit hindi parin maalis ang tingin saakin. Napaatras nalang ako ng biglang lumakad siya papalapit sa kinaroroonan ko!

Tangina!

Napakurap kurap naman ako ng makita ang espasyo ng pagitan naming dalawa. Nasa halos 1 inches nalang  ang lapit niya saakin!

Ikakamatay ko yata ang tingin niya,puno ito ng galit, oo galit at wala ng iba.

Galit? Anong ikinagagalit niya?

"Huy lumayo ka nga! Baka may makakita saatin kung ano nanaman ang isipin nila!" Oo surething na tutuksuhin nanaman kami kung magkataon!

"Do i look like have a intrusive?" Seryusong ani niya habang nakatingin parin sa mga mata ko.

"A—anong trip mo!" Nakakatangina naman kasi!

"Let's breakup." ani niya saka lumayo saakin.Kasabay naman nito ang  pag dating ng bus na sasakayan niya pauwi, pumasok kaagad siya sa loob nito, ni hindi man lang ako nililingon.

Nang makaalis na ang bus ay naiwan akong tulala't mag-isa. Hindi parin ma proseso ng utak ko ang mga nangyari.

S—siya pala!

Tangina kaya naman pala hindi na ako nirereplayan dahil siya pala yun!

Bakit hindi ko nahalata?

Ganito na ba ako ka tanga?

Hindi ko alam kung anong emosyon ang nararamdaman ko, masakit, gulat, naguguluhan, at naiinis!

Pati ba naman feelings ko nag ka mekus mekus na!

Hindi pa man dumadating ang bus na sasakayan ko ay umalis na ako sa lugar na iyon. Oo maglalakad nalang ako! Mukhang uulan, pero wala akong pakialam! Gusto ko ng mahaba habang oras para makapagisip!

_______________________________________________________________________

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Words Written In The Universe (Cicle Of Friends Series#1) Where stories live. Discover now