"Uyy bakit ang aga mo ngayon avy?" Clarity asked me.

It's already 7 a.m at 1 hour nalang before ng first subject namin nung dumating sina kiel.

Saglit ko munang tiningnan si trev at nahihiyang nag iwas tingin.

"M-maaga kasi akong natulog, kaya maaga din akong nagising" napatango naman sila sa sinabi ko.

"Maaga yan kasi... "

Mabilis pa kay sonic akong napabaling ng tingin kay trev.

Palihim ko siyang kinurot sa bewang kaya napangiwi siya.

Buti nga sayo!!

"You know what ang weird niyong dalawa" aniya ni yshara habang nakatingin saamin.

Oh no another  misunderstanding nanaman ba toh??!

Pero mas weird itong isa na nasa harap ko.

Tiningnan ko si ence na nakatingin sakaniyang phone na para bang ang laki ng kasalanan nito sakanya.

"Weird talaga" natatawang aniya ni trev.

Gulat na napatingin ang apat kay trev, at saka saakin.

"Guys don't tell m–" hindi pa natatapos ang sanay sasabihin ni ence ng biglang lumapit si Nine saamin, yung kaibigan ni south.

"Ence let's talk" seryusong aniya.

Hinawakan ni ence ang kamay ni clarity at pinisil pisil iyon. Sign na kinakabahan siya.

"W–wala naman na tayong dapat pag usapan nine" nakayukong aniya.

Nine darkly stare at ence.

"What did you just called me?" Tanong niyang naka taas ang isang kilay.

"N–nine" saad ni ence.

Teka anong meron?

Nine darkly stared at ence and immediately grabbed her hand.

Gigil na nagpumiglas  si ence habang kami ay gulat na nakatingin sakanilang dalawa.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako nine!"

Huli ko ang pagpula ng pisnge ni  ence ng may  ibinulong sakanya si nine. Wala na siyang nagawa kundi ang mag patangay kay nine kung saan man siya nito balak dalhin.

"Sus purkit magkakaibigan kayong apat e naghahanap din kayo ng lalaking magkakaibigan din, ano yan friendship goals?" Natatawang aniya ni trev.

Kung nakakamatay lang ang pag tingin ng masama e kanina pa naka handusay dito si trev.

Napapaisip tuloy ako kung ano pa ang alam ni trev, kasi base sa nakikita ko ngayon ay  parang may something din si clarity at yshara sa mga kaibigan ni south.

Or another misunderstanding nanaman toh?

Gusto ko nalang matawa ng makita ang reaksiyon ni kiel ng hindi siya pansinin ni kia.

Confident na confident na naglalakad si kia na para bang hindi niya kinukulit si kiel para  i crushback  siya!!

Marahas na umalon ang lalagukan niya sa sobrang inis. Gusto ko sana siyang asarin kaso baka ako lang ang pag buntongan niya ng galit, so mamaya nalang siguro.

"Dun muna ako sa library, may kukunin lang" pagpapaalam ni kiel.

Sa library ba?

O sakaniya?

Ang ma pride at masungit na si kiel ay nagiging attention seeker pag dating kay kia.

Hanga na talaga ako sa nagagawa ng love!!!

Words Written In The Universe (Cicle Of Friends Series#1) Where stories live. Discover now