RW: 14

44 5 0
                                    

                        Avhril POV'

Kinaumagahan, alas singko palang ng umaga ay gising na ako. Balak kung pumunta ng maaga sa paaralan ngayon dahil kailangan pa naming review-hin  ang research na ginawa noong isang araw dahil ngayong alas nuyebe na ang deadline at kailangan rin naming maghanda sa research defense na gaganapin next week.

It's been a week since Nally confessed to me about her feelings towards Shiro. I feel bad for her because Shiro is so numb, para itong pader na kasing kapal at tigas sa kamanhiran.

How dare him to hurt Nally's feeling. Parang crush pa lang busted na.

Sabi ko naman kasi kay kupido kapag papana siya ng tao dapat nasa tamang anggulo para sapol wala ng problema.

Pero tadhana nga naman. Mukhang marami silang pagdadaanan.

"Avhril hija, bakit ang aga mo ngayon" nakita ko si Tito Kaizen sa mesa na may hawak na newspaper. Habang ang asawa niya naman ay busy sa pagluluto. Wala si Mommy ngayon dahil may operasyon siyang gagawin.

Kailangan niyang agahan para makapaghanda sila.

Magiisang taon narin simula nong bumalik si Mom sa pagiging doctor. Masaya ako kahit papano pero nagalala rin ako.

Nakikita ko kasi itong wala sa sarili at minsan naabutan ko itong tahimik na umiiyak. Siguro dala parin niya ang pagkawala ni Daddy  na hanggang ngayon wala parin kaming trace.

Fifty-fifty pa kung buhay pa siya o nowhere to be found lang.

"Magrereview po kami sa research na ginawa namin Tito" tumango siya at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Hija mag almusal ka muna" ngumiti ako at umiling lang kay Tita sa kanyang paanyaya.

Kailangan ko talagang magmadali ngayon lalo na't dumating na ang mga group mates ko.

Nang makalabas ako sa gate ng bahay ay agad akong pumara ng bus.

Mabuti nalang at hindi gaanong masikip ngayong araw. At makakahinga ako ng maluwag.

Sinuot ko ang headphones na dala at pinatugtog ang kantang " Ghost" by Justin Bieber.

Nakatingin lang ako sa labas at nilibang ang sarili sa mga nagtataasang puno.

Kinunan ko ng litrato ang nadaraanan naming dagat at sakto lang na nagbukang liwayway.

Pagkatapos ay kinuha ko ang baon na sandwich.

Kahit papano ay may laman ang tiyan ko at hindi ako aantukin tuwing makikinig sa discussion.

Tumingin ako sa wrist watch at alas singko tres palang ng umaga. Bumaba ako sa sinakyang bus at pumasok sa paaralan.

Kailangan kong maging aktibo sa class ngayon lalo na't malapit na ang graduation gusto kung kahit papano ay may maibigay akong maliit na regalo kay Mommy sa pagaalaga niya sakin at sa pagiging matatag. Gusto ko rin na pagbalik ni Dad kung sakali ay may maipagmalaki ako sa kanya.

Hindi ko alam kung kailan mangyayari yun but i'm still hoping. Nais ko ring may maipagmamayabang  ako kay Kyro kung babalik na siya.

Napaisip ako nitong mga nakaraan maayos lang kaya siya sa buhay niya sa abroad, at kung may plano pa kaya siyang balikan ako.

Hays! Sana hindi niya na ako biguin sa pangalawang pagkakataon.

"Avhi, nandiyan ka na pala. Paano ba yan magsimula na tayo guys, nandito na ang lider natin" ani ni Calli na sobrang lakas ng boses.

Walang pakialam ang mga kasamahan ko kung nasaan kami ngayon, sobrang ingay nila at kahit magkatabi lang ay nagsisigawan pa.

Sabi nga nila, nais nilang sulitin ang pagiingay dito sa library kasi wala pang librarian na sisita sa kanila.

Remember WhenWhere stories live. Discover now