Jungkook #1

261 11 2
                                    

Late akong nagising kaninang umaga dahil sira na pala ang alarm clock kong sampung taon ko nang ginagamit. Hindi na ako nakabili ng bago bukod kasi sa wala akong budget pambili ng bagong alarm clock eh mas madami din akong kailangang bagay na mas mahalaga pang bilhin.

Wala na akong magulang. Ulilang lubos. Si papa, namatay nung 12 years old pa lang ako. Car accident. Si Mama ko? Ewan, 'di ko alam. Hindi ko pa sya nakikita eh. That would be enough. Nagmo-monologue na naman ako ang aga-aga.

So, yun nga, late akong nagising. Alas otso ang klase ko hanggang alas nwebe at nakarating ako sa school ng bandang alas diez. Pumunta na lang muna ako ng cafeteria, hindi kasi ako nag-agahan dahil nagmamadali ako at klase ko pa ng 10:30. Pumipili na ako ng kakainin ko at sandwich and coffee ang napili ko. Papunta na akong counter ng pagtingin ko sa pitaka ko 'e 20 pesos na lang pala ang natira. 12 pesos ang sandwich at 5 pesos ang kape sa vending machine. So bali, 3 pesos na lang ang matitira sa akin. Ano namang gagawin ko sa tres pesos?

Hindi ko na lang binili ang sandwich at sa halip ay nagkape na lang ako. Bahala na, ang importante may laman ang tiyan kaysa wala. Umalis na lang rin ako sa cafeteria at pumatungong classroom ko sa 4thfloor.

Ang aga ko ng 15 minutes. May mga studyante pa sa room na papasukan ko sa next subject. Naghintay na lang ako sa labas. Wala akong kaibigang tatawagan o teteksan dahil unang-una, wala naman akong cellphone at pangalawa, wala rin akong kaibigan. Loner kumbaga. Forever alone. Pero wala namang nambubully sa 'kin o nang-aaway. Naku! Subukan lang nila. Masamang magalit ang silent na tao.

Nakadungaw ako sa quadrangle ng school. Ba't parang ang daming studyante ang nakikita ko ngayon? Nakakapanibago. May nakita akong upuan sa labas ng room kaya't agad akong umupo, nag-iisip. Kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho dahil paano na ang pang-araw-araw kong pangangailangan? Ang pagkain ko, sa mga projects ko at sa lahat-lahat.

Naisipan kong maghahanap ako ng part-time job mamayang dismissal ko. Tumayo ako, pumunta malapit sa hagdan at dumungaw sa kalangitan. Naiisip ko, nakikita kaya ako ni Papa ngayon? Ang kalagayan ko. Nahihirapan kaya siyang makita na nahihirapan ako sa buhay ko ngayon. Ako ang nagpapaaral sa sarili ko't lahat-lahat.

"Pa, kumusta ka na dyan sa langit? Maganda ba dyan? Sabi nila 'pag nasa langit ka na raw, wala ka nang poproblemahin pa. Masaya raw parati, walang gulo, at peaceful." sabi ko na lang sa sarili ko. "Pa, pag nalulungkot ka dyan at kailangan mo ng kasama. Nandito lang ako. Handang sumama sa iyo." matapos kong sabihin 'yun, agad na lumakas ang hangin. "Dejoke lang pa, hindi ka naman po mabiro. 'Wag po kayong mag-alala sa 'kin. Kayo ko na po ang sarili ko at mas kakayanin ko. Hindi ko po kayo bibiguin, tutuparin ko po ang pangako ko sa inyo. Magtatapos po ako ng pag-aaral at maghahanap ng magandang trabaho. I miss you, pa. Miss na miss na po talaga kita." Agad namang tumulo ang luha ko, mabilis ko itong pinunasan dahil baka may makakita sa akin. Ayokong kaawan ako dahil parang iniisip na rin nila na mahina ako. Ayokong pag-isipan nila ako ng ganun dahil hindi naman ako mahina, malakas ako. Sobrang lakas.

Lumabas na ang mga estudyante sa room kaya't agad naman akong pumasok. Mga sampung katao pa ang naririto. Wala pa ang instructor namin sa Algebra kaya't nagmukmok na lang ako sa isang tabi.

Nakuha ang attention ko ng mga nagtitiliang mga estudyante sa baba. Sobrang ingay, masakit sa tenga. May dalawang blockmates akong babae na tila nagmamadaling lumabas. Na-curious ako't nagtanong.

"Ah mga miss. Anong meron?"

"May artista na galing sa ibang bansa ang mag-aaral dito girl! Ang swerte ng school natin dahil ito pa ang napili!" -Girl #1

"Like omg girl! Nakakakilig. Pampadagdag inspiration. Araw-araw na akong papasok. Araw-araw na rin akong magpapaganda para naman mapansin niya ako. Hihihi!" Napahagikhik naman si Girl #2

"Hoy ang chaka mo kaya! Wag ka ngang ilusyonada, ako ang papansinin niya nu!" -Girl #1

"Para patas, tayo na lang dalawa. Hihihi!" -Girl #2

"Ay sige girl, gusto ko 'yan! Hihihi!" -Girl #1

Tatanungin ko pa sana kung sino ang artistang dumating kaya lang nakita ko na ang dalawang babae na nagmamadaling pumanaog sa hagdan. Napa-face palm na lang ako.

Dumating na ang instructor namin sa Algebra. Isa siya sa kinatatakutang teacher dito sa university namin. Hinding-hindi magdadalawang isip na bigyan ka ng mababang marka lalo na kung makikita ka niyang pachill-chill lang. Hindi din uubra sa kanya ang mga SIP students. Yes, SIP. As in SIPSIP.

Nagsimula na siyang magdiscuss. As usual, ganun pa rin ang daloy ng klase. Tahimik. Lahat nakikinig.

"Okay class. Find X and Y." -Ms. Dimakatarungan

Basic pa ang topic namin ngayon dahil ng magsimula ang klase, ngayon pa siya sumulpot. Nag-extend ng summer vacation, taray ni dimakatarungan oh. At oo, MISS pa 'yan dahil hindi pa daw niya nahahanap ang Mr. Right niya. Edi wow po!

May tumayo at nagsimulang magsalita. Ang inaakala kong sagot niya sa tanong ni Ma'am ay hugot. Hindi ko na lang isi-share sa inyo dahil nakalimutan ko na at hindi naman ako nakakarelate sa mga X-X na 'yan!

Wala na akong klase. Tapos na ang klase ko ngayong araw. Alas tres na at maghahanap ako ng part-time job tutal maaga pa naman. Umuwi na muna ako sa bahay at nagbihis. Dinala ko rin ang mga kakailanganing papel para kung saka-sakaling makakuha ako ng trabaho 'e nakahanda na ang lahat. Sana talaga makahanap na ako ng trabaho ngayon dahil wala na akong pera pambili ng pagkain. Hay buhay!

Vote and comment ✖

Jungkook's Personal Maid (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon