Jungkook #2

162 13 6
                                    

Hindi masyadong maganda ang paghahanap ko ng trabaho kahapon. Ay wait, scratch that! TALAGANG HINDI MASYADO DAHIL HINDI NAMAN TALAGA MAGANDA. Grr! Ganito kasi 'yun.

Flashback.

Malayo-layo na rin ang inabot ko mula sa bahay. Medyo masakit na ang paa ko dahil kanina pa ako palakad-lakad. Nagugutom na rin ako. 'Yung kape lang kasi ang naging laman ng tiyan ko simula kaninang umaga. 15 pesos na lang ang natitira sa pera ko at halata namang hindi na ito kasya talaga.

Nasa may panghuling kanto na ako ng street at may nakita akong bakla na tingin ng tingin sa akin. Agad ko namang tiningnan ang suot ko dahil baka bukas ang zipper ko o baka may butas ang damit ko pero wala naman. The last time I checked, ito ang maayos-ayos na damit ko na bagay panglakad. Nang matingnan ko, wala naman.

Naco-conscious na ako. Tinignan ko ang bakla. Nakasuot siya ng salamin, may nakapulupot na scarf sa leeg niya, kulay black na v-neck shirt, short shorts na kulay yellow, at naka-vans na sapatos na halata namang mumurahin lang. Ang ikinagulat ko ay ang paglapit nya sa akin.

"Hi bhe!"

Huh? Teka, hindi ko sya kilala. Wala akong niisang kaibigan. Forever alone po ako.

"Po?"

"Alam mo, maganda ka sana 'e bingi ka nga lang." At napa-roll eyes pa.

"Alam mo, gwapo ka sana 'e bakla ka nga lang." Ha! Ano ka ngayon bruhang bakla.

"Ay kaderder! Neverminds na lang. Bago ka ba dito bhe?"

"Oh." Tipid kong sagot sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Naghahanap ka ba ng aliw? O ng trabaho?"

"Naghahanap ng trabaho."

"Ang tipid mo namang sumagot bhe."

Ano ba, fota nakakarinding tawagin niya akong bhe. Ews!

"Please be direct to the point na po. Ano pong kailangann niyo?"

"Kung naghahanap ka ng trabaho, I can offered you something."

Well, obviously, trying hard ang baklang 'to mag-english. Offered? Wow. Pfft! Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Aba aba!

"Maganda naman ang iyong katawan pati na rin ang iyong mukha. Bagay na bagay itong trabaho na io-offer ko sayo. Makakakita ka ng malaki kahit sa isang gabi lang. Pwede kitang gawing prosti sa bahay-aliwan ko. Pwede ka na nga ring magsimula ngayong gabi. Basta may hati ako sa pera na kikitain mo ha? Medyo baduy kang manamit pero okay lang 'yan, gaganda ka ngayong gabi sa susuotin mong bra at panty na may feathers na design. Bagong bili ko pa 'yun sa divisoria 'nung isang araw. Bagay na bagay 'yun sayo bhe! Tsaka sasayaw ka lang naman ng sexy. Magsusuot ka rin ng face mask para medyo thrill. Naku! Nai-imagine ko na, marami ang kikitain mo ngayong gabi. Maraming lalaki ang gugustuhing maka-table ka at maka-sipping. Ano bhe, is it dill or no dill?"

Agad na nagpagting ang tenga ko sa narinig. Pagtingin ko sa likod ng baklang nasa harap ko ay isang bahay-aliwan, 6:30 pm pa lang pero madami ng pumapasok sa bahay-aliwan. Mostly, mga lalaki. Halo-halo, may menor de edad, may mukhang may asawa na tsaka mga matatanda. Hindi ko kayang masikmura ang pagmumukha nila.

Oo kailangan ko ng trabaho pero gusto ko naman 'yung disente. Ayoko ng ganito, nakakasuka! Ibinalik ko ang tingin sa baklang kaharap ko. Abot tenga ang ngiti, bungal naman.

"ANONG AKALA MO SA'KIN, POKPOK?! Unang-una, disenteng trabaho ang hanap ko. Pangalawa, hindi ko kayang masikmura ang pagmumukha ng mga taong 'yun. Tapos papasuotin mo pa ako ng bra't panty, hindi naman kaya ako magka-pulmonya nyan?! Hindi ako pinalaking maganda ng tatay ko para lang maging prosti ng isang cheap na lugar. Kung magiging prosti man lang din ako, gusto ko naman dun sa may class hindi katulad dito. Tsaka anong dill? Tangina, ang tigas mong mag-english. Napapaghalataan kang trying hard. English-english, wrong grammar naman! Tse!!"

Umalis na ako dahil baka masapak ko pa pagmumukha ng baklang 'yun. Gabi na rin, kailangan ko ng umuwi dahil malayo-layo pa dito ang bahay ko at maglalakad lang ako. Pero pumahabol ng sigaw ang bobitang bakla.

"Bhe, kahit 10% na lang ang ihati mo sa 'kin okay lang. Pumayag ka na kasi, sige na bhe sayang 'yung bra at panty."

"Hayuf kang bobitang bakla ka! Ikaw na lang ang magsuot ng binili mong bra't panty para hindi sayang tsaka ikaw na rin sumayaw sa stage. Kadiri mo sigurong tingnan! Laki pa naman ng tiyan mo, gago u!"

Sigaw ko pabalik sa bakla at binilisan ko ang paglakad ko dahil lumalalim na ang gabi.

End of flashback.

Hindi ko ma-imagine ang sarili ko nagsasayaw at nakasuot ng bra at panty lang. Naku! Baka bangungutin ako ni Papa ko. A big no no no!

Back to reality. Nandito ako ngayon sa Dean's office dahil pinatawag ako ng dean namin. Ano kayang kailangan ni Dean sa'kin. Hmm. Kanina pa ako naghihintay dito dahil may aasikasuhin daw muna siya sandali. Bumukas ang pinto at iniluwa si Sir Yun.

"Goodmorning again, Ms. Park. I'm sorry for waiting. Anyway, how are you?"

"I'm good, Sir. Umm, sir. Is there something wrong regarding my academics? What is this urgent meeting with you?"

"Okay, let's be straighforward. Ms. Park, I'm sorry to tell you this but you have to pay the half of tuition fee as soon as possible. The school had changed its system. Dalawang estudyante lang kayo ang scholar dito. Ikaw at si Ms. Pascual. I already met Ms. Pascual yesterday and she'll pay this week. Pinatawag din kita kahapon kaya lang you were not around. Tapos na daw ang klase mo. I'm very sorry to tell you about this, Ms. Park."

Hindi pa nga ako tapos sa isa kong problema, may dadagdag na agad. Saan naman ako makakakuha ng 20k? Ni almusal ko nga wala akong mabili. Wala na namang laman ang tiyan ko ngayon. Medyo nahihilo na ako.

"Sir, I can't promise to pay the half of my tuition this week. I'm having a financial problem right now and I'm finding a part-time job to provide my needs. What are my other choices? Are there even?"

"I'm not saying that you have to pay within this week. Your deadline of paying will be on the day before your midterm examination and that will be next month. Hindi naman kita minamadaling bayaran kaagad ang tuition mo. May ilang araw pa na makakahanap ka ng trabaho. I'm just reminding you, Ms. Park."

"Sir, what if I will not be able to pay the fee. What will happen to me?"

"It's sad to say but your scholarship will be stop. Mapipilitan kaming paalisin ka sa skwelahan na 'to. It's hard for us too because mawawalan kami ng isang matalino at magaling na estudyante but that's the only choice we have. Pwede ka namang humingi ng tulong sa mga relatives mo and I'm sure naman na tutulungan ka nila gaya ng ginawa ni Ms. Pascual."

Ang hirap ng sitwasyon ko. Ayokong tumigil sa pag-aaral. Paano na lang ang kinabukasan ko? Paano na ang pangako ko kay papa? Ang hirap, ang hirap hirap. Wala akong relatives na mahihingan ng tulong dahil wala ako nun. Wala na akong ibang mahihingan.

"Sir, I don't have any relatives that can support my educational and financial needs. You see, I only have myself now. Ulila na po ako. Hindi po ba iyon pwedeng i-consider ng sistema ng paaralang ito? Sir, ayoko pong umalis. Ayoko pong matigil ang pag-aaral ko."

"I'm really sorry, Ms. Park pero hindi pwede. Now if you don't have any further questions, you may go. Have a good day!"

Good day? Wala na. Sira na ang araw ako. Ang malas, sobrang malas. Pagkatalikod ko, mabilis na tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Ang hirap ng mag-isa. Naibulong ko na lang sa sarili ko.

Vote and comment ✖

Jungkook's Personal Maid (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon