CHAPTER 1-THE WEDDING

17 0 0
                                    

Animoy bubuyog na manaka nakang nag bubulung - bulungan ang maraming bisita. Halos lahat ay nakatuon ang pansin sa malaking pinto ng simbahang iyon.
Nagaabang ang lahat sa susunod na papasok.

Samantala, si  Isaac Abrego naman ay makailang  beses ng sumilip sa kanyang relo. Halos bawat galaw ng kamay ng relo ay tinitingnan nya. Na para bang alam nya kung anong oras, minuto o segundo ang takdang pag dating ng kanyang Bride.

Ang dating excited, happy at lively na aura nya ay nabalot na rin inis, pag dududa, at pag kadismaya. 

Lalong lalo na habang pinag mamasdan nya ang kumusyon ng mga tao sa paligid.

Wala na sa ayos ang karamihang bisita bakas ang inip, inis o galit lalo na sa kanyang Step Mother. Ang mga bata ay hindi na pigilang maglaro na lamang. Ang iba'y gusto ng umuwi ngunit dahil sa hiya at pakiusap ni Aling Joanna Ginto nanay ng Bride ay pinagbigyan silang mag gugol pa ng kaunting oras.

Si Father Pio naman ay halos maubos na rin ang isang litro nitong tubig sa pag hihintay.

" Dude mukhang sa lahat ng taong kasali sa ganap na ito Bride lang ata ang di nakakaalam na ngayon ang kasal ah. Nainform mo ba sya? " Pabirong banat ni Duke sabay ngiwi.

Si Duke, sarcastic at saksakan ng kulit. Alam nyang naiinip na rin ito kanina pa.Kaya kahit nais nyang mainis sa mapang asar na tanong nito ay sinakyan nya na lang.

"Sa pag kakaalam ko pamilya nya ang pumili ng araw na ito Bro. Baka nawawala lang yung kabila nyang sapatos ...hinahanap pa kaya na late ng kaunti, " Wala sa loob na bawing biro  ni  Isaac.

"Hahaha shenggggg.....! Cinderella lang? "Sabay ang mahinang tawa.

"Pero paano kung......siya mismo ang nawala?" dagdag pa ni Duke.

Hindi naka imik si Isaac. Iyon din kasi naglalaro sa isip nya kanina pa. Tanong na hindi nya kayang sagutin.Ang totoo ayaw nyang tanggapin na posibleng ito nga ang mangyari.

Tulad nya ay kanina pa din naman balisa si Maximo Ginto ang tatay ng kanyang Bride. Tinanong nya na ito kung nasan ang anak nito ngunit wala din itong masagot.
Abala na rin ito sa pagtawag sa kung kaninoman upang alamin kung nasan ang anak.

"Isaac hanggang kailan tayo mag hihintay dalawang oras na ang nakakalipas nakakahiya sa mga bisita." Reklamo ni Vernice ang kanyang Step Mother.

"Kung hindi mo kayang pauwiin sila ako ang gagawa!"

"Vernice ilagay mo ang sarili mo sa dapat mong kalagyan...Kasal ito ni Isaac. Siya ang may karapatang magdisisyon."
Putol ni Gilmore Abrego ang tatay ni Isaac. Gulat na napahanga si Isaac ng kanyang ama.Sa unang pagkakataon ay nakuha nitong manindigan sa asawang diktador alang-alang sa kanya. 

Hinawakan ni Gilmore ang kamay ng asawa para pabalikin ito sa inuupuan nito.

Pilit itong pinapakalma  upang hindi na maging dahilan pa ng anumang tensyon sa pagitan ng dalawa lalo pat mahalaga para sa anak nya ang araw na ito.

"Anak mo sya Gilmore pero ang kahihiyan nya ay kahihiyan mo rin at ng pamilya..at kasama ako dun!" Nakapamulagat ang mga mata nitong itinitig sa matandang lalaki.

Hindi nito alintana ang ibang taong malapit sa kanya na biglang nagtinginan sanhi ng ingay nya.

Mas mataas na ang boses nito kumpara kanina. Iwinasiwas nito ang kamay para hindi mahawakan ng asawa.

Pagdaka'y mabilis itong pumunta sa harapan at kinuha ang microphone.

Walang nagawa si Isaac at Gilmore para pigilan ang babae. Kung kanina'y natatakot si Isaac sa isipang hindi dumating ang Bride ngayo'y mas natatakot sya sa sasabihin nito.

Hate Divide , Love UniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon