---
1. Ang mga DESPERADA, parang BDO, THEY FIND WAYS.
---
2. Kung alam kong SASAKTAN mo lang ako, sana sinabi mo para NAGSAPAKAN na lang tayo!
---
3. Ang malalandi, parang PANTAL, kapag KINAKAMOT, lalong KUMAKATI.
---
4. Ang pag-ibig, minsan parang si MAYWEATHER. Yayakapin ka, sasaktan ka tapos tatakbuhan ka.
---
5. Mahal mo siya. Mahal ka niya. PERO MAHAL ANG TUITION FEE. KAYA MAG-ARAL KA MUNA HA?
---
6. Sana, hindi lang merong K to 12 program, dapat meron ding "Aral Muna Bago Landi Program."
---
7. Penpen de sarapen, FOREVER mo, WALA PA RIN.
---
8. Binigyan ka ng matinong pangalan ng magulang mo, tapos sa FB, ang pangalan mo, Bhoxzs?!
---
9. Kung may subject na KALANDIAN, for sure, WINDANG ang DepEd sa dami ng running for VALEDICTORIAN!
---
10. Gusto raw niya ng wild na jowa. BIGYAN NG LEON!
---
11. Kapag sinabi niyang panget ka, sapakin mo na agad! Kita na nga, sasabihin pa!
---
12. Kapag sumuka ang babae sa inuman, sa LIKOD ang himas, hindi sa DIBDIB.
---
13. Kung sa langit, maraming FALLING STAR, dito sa lupa, maraming FEELING STAR.
---
14. Tatay mo siguro si Jollibee. Masyado kang PABIDA eh!
---
15. Minsan ka na nga lang maakbayan, holdap pa.
---
16. Taray! Pati ulam, naka-Retrica. Yung tuyo, naging fish fillet.
---
17. Ang ganda mo ay parang YOSI. Kailangan ng FILTER.
---
18. I need space daw. ITAPON YAN SA MARS!
---
19. TRUTH hurts for a WHILE, but LIE hurts FOREVER.
---
20. Bakit kapag nag-wacky ang POGI, cute, pero kapag PANGET, nakakata-cute? #AsanAngHustisya?!
BINABASA MO ANG
#MAYPINANGHUHUGUTAN1
HumorISA PO ITONG KOLEKSYON NG MGA QUOTES NA MAGPAPAUNTOG SA INYONG MGA ULO SA MGA REALIZATIONS AT ARAL NG BUHAY. PERO ISA LANG ANG MAIPAPAYO KO BAGO MAGBASA NITO: PALAWAKIN ANG KAISIPAN, PAIRALIN ANG COMMON SENSE AT PAHABAIN ANG PASENSYA. - (P.S: BATO-B...