PAHINGA

46 0 0
                                    

Tampulan ng Lahat

Hanggang saan mo makakaya ang panglilibak na pinadarama?
Hanggang saan mo dadalhin ang bigat?
Hanggang sa balikat ba ay sumuko na?
Hanggang saan ka dadalhin ng pagtitiis?
Hanggang hininga ba ay maputol na?

Sa sobrang daming katungan na nais mo magkaron ng kasagutan.
Hindi muna alam kung saan pupunta para sagot agad ay makuha.

Ang sakit sa dibdib, mga luhang ayaw paawat sa sobrang sakit na dinidibdib.

Pero ano nga ba ang magagawa kung sa mata nila ayaw mong ipakitang mahina ka.

Oo okey lang maging mahina, dahil tao lang tayo.
Pero paano mo ipapakita yun kung ikaw din ang dahilan ng lakas ng mga taong umaasa sayo.

Walang katumbas na sakit at pagod ang mga boses na paulit- ulit na bumubulong na sumuko kana.

Ano ba ang pahinga?
Katumbas ba ito nang paghinto ng hininga
Para lubusan nang makaranas ng walang katumbas na pahinga?
Kung ang pagkawala ng buhay ang susi sa pahinga
Pwede bang wag na muna huminga para makapagpahinga?

#Pahinga?

TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon