...continuation . . .
Napatakbo s’ya at pumunta sa Ospital kung saan dinala ang lalaking naaksidente. Pagdating n’ya sa Ospital ay nasa Emergency Room na dinala ung lalaki. Pumunta s’ya sa ER pero hindi s’ya pinayagan na pumasok ditto dahil bawal. Napaupo na lang s’ya sa may waiting area at napataghoy nalang at humapis. Sising-sisi s’ya sa sarili, “Kung ‘di sana ako naging masungit sa kanya kanina ‘di sana nangyari ito. Panginoon, tulungan n’yo po sana s’ya sa kalagayan n’ya ngayon. Iligtas n’yo po s’ya Panginoon.” Wika ni Precious sa sarili.
May naalala si Precious. May iniabot na sobre si Febrer bago mangyari ang aksidente, binasa n’ya ang kalatas na dito’y nakapaloob, humahapis pa rin s’ya habang binabasa ang kalatas:Minamahal kong Precious,
Hi! Kahit na bihira mo lang akong kausapin, ‘di parin ako magsasawang kulitin ka hanggang sa mapasagot kita. Malawig na kasi kitang iniirog ehh pero hanggang ngayon ‘di mo pa rin tinutugunan ang mga katanungan ko. Gusto ko sana na imbitahan ka sa lugar kung saan tayo unang nagkita kahit na isang gabi lang, for a dinner with me. Sana pumunta ka, gusto ko kasing matugunan na lahat nang mga katanungan na gumugulo sa aking panimdim. Pangako, pagkatapos ng gabing ito, hinding hindi na kita kukulitin.
Nagmamahal,
Febrer Star Valentine
Pumunta agad s’ya sa baybayin kung saan sila unang nagkita. Humahapis pa rin s’ya habang naglalakad patungo sa baybayin. Nang makarating s’ya malapit sa may baybayin, may natanaw s’yang isang kubo na may ilaw at nilapitan n’ya ito. Sobrang ganda ng kubo, napapalibutan ito ng mga burok na kurtina, iba’t ibang uri nng mga palamuti, mga rosas at iba pang bulaklak.lumapit s’ya sa may mesang may iba’t ibang putahe na kanyang paborito at may nakitang kapiraso ng pulang papel, binasa n’ya ang nakasulat. Dahil sa kapighatian, napaupo nalang s’ya sa may isang silyang may balantok na bubong. Yumuko at humapis, ang kanyang mga luha ay bumalisbis sa kanyang mga pisngi.. . .