. . .
Pumunta agad s’ya sa baybayin kung saan sila unang nagkita. Humahapis pa rin s’ya habang naglalakad patungo sa baybayin. Nang makarating s’ya malapit sa may baybayin, may natanaw s’yang isang kubo na may ilaw at nilapitan n’ya ito. Sobrang ganda ng kubo, napapalibutan ito ng mga burok na kurtina, iba’t ibang uri nng mga palamuti, mga rosas at iba pang bulaklak.lumapit s’ya sa may mesang may iba’t ibang putahe na kanyang paborito at may nakitang kapiraso ng pulang papel, binasa n’ya ang nakasulat. Dahil sa kapighatian, napaupo nalang s’ya sa may isang silyang may balantok na bubong. Yumuko at humapis, ang kanyang mga luha ay bumalisbis sa kanyang mga pisngi.Ang hindi alam ni Precious ay may isa pang sorpresang inihanda si Febrer. “SURPRISE!” wika ng mga kaibigan n’ya at ni Febrer na kinontsaba ni Tonio. Lumabas sila mula sa may likod ng kubo. “Oohhh! Bakit ka umiiyak, may nangyari ba?” wika ni Gabriel, kaibigan ni Febrer. “Hindi n’yo ba nabalitaan ang nangyari kay Febrer?” tugon ni Precious. Nagtaka ang lahat, “Haaa?! Kay Febrer, ehh nandito naman s’ya kanina pa.” wika ni Gabriel. Nagsitabihan ang lahat at lumapit si Febrer kay Precious, napayakap si Precious ng mahigpit at tumaghoy. “Oohhh bakit?” wika ni Febrer, “Akala ko kasi mawawala ka na sa buhay ko. Pasens’ya na sa lahat lahat nang ginawa kong pahirap sayo. Ang totoo mahal din kita. Sa tuwing kinakausap mo kasi ako, nawawalan ako ng itutugon, kaya lumilisan nalang ako.” Tugon ni Precious. “Totoo bang mahal mo ‘ko?” tanong ni Febrer, “Of course! Why not?” tugon ni Precious. “Nagustuhan mo ba itong surprise ko?” wika ni Febrer, “Oo naman pero ‘wag na ‘wag mo nang uulitin ang ganitong surpresa. Yung surprise na kunwari may naaksidente tapos prank lang pala lahat.” Tugon ni Precious. Nagtaka ang lahat at si Febrer, “Haah? Eehh wala naman kaming ginagawang prank na ganun!” pagtataka ni Febrer. “Ehh ano yung aksidente kanina?” tanong ni Precious.
(To be continued...)