Episode 15

40 8 2
                                    


Habang natutulog si Jessi ay nagising ito sa kalampag ng pinto...

Si Red lasing,at sa malamang nalasing ito sa mansyon nila Neil...

Agad bumangon si Jessi at magkaroon sya ng konting takot.

"Bitawan mo ko,wag mo Kong hahawakan."anya pa ni Red ng makita ang papalapit na si Jessi para Sana alalayan sya.

"Lasing ka,ano bang Ginagawa mo?"tanong ni Jessi.

"Wala Kang pakialam kahit anong gawin ko sa buhay ko,hindi kita asawa."anan pa ni Red na dinuro si Jessi.

"A-ano bang sinasabi mo?"anan nito at sinara ang pinto dahil baka mapuntahan pa sila ng lola nito.

"Hindi mo ko mahal Jessi,bakit? Mahal naman kita,kahit...kahit ayaw mo sa akin."anan ni red. Na nasisinok pa.

"Magpahinga ka na,"anya ni Jessi na hindi na lang iniintindi ang sinasabi ni red.

"Kaya ba ayaw mo Kong mahalin,dahil mahal mo pa ang ex.mo,Sabihin mo lang.Para di ko na ipagpilitan sayo ang sarili ko."anya pa ni Red Pero hinihiga na ang sarili sa kama.

Pariwara pa nga ang kanyang paghiga,at inayos pa ni Jessi ang mga para nya.

"Pede ba wag Kang maingay,baka marinig ka ng lola mo."saway pa ni Jessi...

"Jessi,mahalin mo naman ako,pakiusap..."sa narinig ni Jessi...garalgal na ang boses ni red para na itong umiiyak...

"Mahal na mahal kita,Jessi.Sana mahalin mo din ako."anan ni red...

Sa mga sandaling iyon,hindi malaman ni Jessi ay lumambot na lang bigla ang puso nya Kay Red...hinaplos nya ang mukha nito.

"Hindi kita mamahalin ngayon,hayaan mo munang nabayaran ko ang utang ni tatay sayo,mamahalin kita sa Tamang panahon,Sana makapaghintay ka sa panahon na Yun.Ayoko kaseng mahalin ka dahil sa may utang ang pamilya ko sayo.Mamahalin kita ng wala ng alinlangan,red." Iyon lamang ang sinambit ni Jessi sa sarili nya at saka ito kumuha ng unan at sa couch na natulog.

Tulog na din kase si Red...at tahimik na ang paligid...

Sweet Temptation-Yoonmin story [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon