Episode 43

39 6 2
                                    

Pinapunta ni Ciara sa mansyon si Jessi,para dun mag dinner kasama si Neil,walang alam si Jessi na huhulihin pala sya ng mga ito...

"Ano bang meron at dito mo ko inayang kumain?"anang pagtataka na tanong ni Jasmine.

"Basta,alam mo naman kase na namiss kita,kaya di na tayo nakakapag bonding,tapos malapit ka ng ikasal."paglalambing ni Ciara.

At nagtungo ang mga ito sa Dining table...ang daming pagkain na nakahain...kilala ni Ciara si Jessi,alam nyang maiinis si Jessi Pag nakitang maraming pagkain...

"Bakit ang dami mo naman atang hinanda?"reklamo ni Jessi.

Duon pa lang 1point nang si Jessi ito para Kay Ciara.

"Ano ka ba pinaluto ko yan,kase Alam Kong paborito mo ang mga yan."anan pa ni Ciara at...

Sa puntong iyon,paborito talaga ng tunay na Jessi ang pinahanda ni Ciara at...

"Pero Alam mo naman na,ayoko ng mga baboy,saka paborito ko ay chicken at ISDA di ba."anan ni Jessi.

Sa puntong ito,may 1point na sa paghihinala si Ciara.

"Ay,oo nga pala,Pero wag Kang mag alala,susunod na yung manok.Tara na,nga pala pinapunta ko na din si Red."anan ni Ciara na nakangiti pa.

"Akala ko ba bonding natin ito...bakit pinapunta mo si Red?"anan ni jasmine.

"May usapan sila ni Neil eh!"si Ciara,

Napapansin ni jasmine na parang may
Hindi Tama sa mga kilos ni Ciara kaya naman...

"Eto pansit,paborito mo din ito,Jessi.Naalala ko kase yung High school tayo,ito ang palagi mong inoorder."anan ni Ciara.

Kumuha naman ng pansit si jasmine at nilagay sa Plato,paborito nga nya din ang pansit Pero kung may halo itong hipon,hindi sya makakain dahil allergy sya sa hipon.

At Yun ang di alam ni Jasmine,Kay Jessi dahil paborito ni Jessi ang hipon sa pansit...

Hindi napansin ni jasmine na may hipon sa pansit kaya kumain sya...

Maya-maya ay...nangangati na sya at namumula na ito...

"J-jessi...A-anong nangyare sayo? Bakit namumula ka?"tanong pa ni Ciara...

Sa puntong ito ay May 2points na sa hinala si Ciara Kay Jessi.

Sweet Temptation-Yoonmin story [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon