What did I get myself into?

1.4K 44 20
                                    


"What the hell are you talking about Mom?!"


"Language princess. And please seat down,will you?"


"How could you do this to me? I'm your own daughter for God's sake! I'm not going to marry him! No fucking way!"


Paghihisterika ko sabay turo sa puncho pilatong printeng nakaupo sa tapat ko. Ni hindi man lang niya ako sinuportahan. My God! Dapat nagreklamu din siya. We're strangers to each other tapos ikakasal? That's absurb!


Alam kong nakakakuha na ako ng atensiyon sa ibang mga kumakain dito sa isang exclusive high class restaurant pero wala akong paki!

Kadarating ko lang bansa kahapon. Nagkaroon daw kasi ng mild stroke si dad kaya napauwi ako ng wala sa oras. Pero ang totoo pala ay may iba silang plano sakin sa pag-uwi ko. At heto nga yun ang ipakasal ako hindi ko kilalang lalaki. Ang dahilan, para daw may katuwang ako sa pamamahala ng aming hotel and resorts. Ang lalaki daw kasing to ay tagapagmana ng isang multi-million company related to our busines. Alam nilang wala akong interes sa business namin. Pero hindi naman sa ganun, I mean not now, maybe in the future. I'm still 20 for crying out loud! Nag-eenjoy pa ako sa pagiging photographer.


"Ares Clemente take your seat and lets plan the date of your wedding."
ma-utoridad na utos ni daddy.


Kung hindi lang siguro kasal ko ang pinag-uusapan dito ay mabilis ko ng sinunod ang kanyang utos. Kapag binanggit na ni dad ang buo kong pangalan ay talagang galit na siya.


"NO, Please dad, I don't want to marry that stranger." pagmamakaawa ko kay dad.



Pero tila baliwala lang sa kanya. Mukhang desidido na ito sa kanyang desisyon na ipakasal ako.

Kinabahan na ako ng husto. Kung hindi ko malulusutan' to ngayon ay uuwi akong may singsing sa aking isang daliri.

Damn it! I need a plan! I need a fucking effective plan!


Then the craziest idea of my whole life popped out. And probably the most idiotic one.


"Dad, I cant marry him because I'm already married and my HUSBAND was with me when I came back here." seryoso kong sabi.


Nakita kong namula ang mukha ni dad sa galit. While my mom is in shocked. Pero ang lalaking kaharap ko ay tinaasan lang ako ng isang kilay. What the!



"Sinong walang kwentang lalaki ang pinakasalan mo! Kung pinakasalan ka niya na walang paalam samin na mga magulang mo that man is unrespectful! He don't deserve you! And certainly he doesn't deserve to be part of this family! Now tell me Ares Clemente who is this man?!" napataas na ngayon ang boses ni dad sa sobrang galit.


Para naman akong nauubusan ng hangin sa dibdib dahil sa kaba at takot dahil sa nasaksihang reaksiyon mula kay daddy.


Hindi ko na alam ang gagawin. God,please help me.


"Excuse me. Is there any problem---"


My stupidity took over me.


Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakapikit. I'm freaking stealing kiss right now. Hinahalikan ko sa labi ang bagong dating na lalaki. And of course he's not responding, he's in shocked.


Then, suddenly he's moving his damn soft lips. And cliche thing happens, my heart skipped a beat. Its like--dejavu?

Bigla niya pinulupot ang isa niyang braso saking bewang at maingat akong hinila palapit sa kanya. Nagdikit ang aming mga katawan. Ramdam ko ang pag-init ng aking mga pisnge. Dang! My parents are just in front of us and we're--making out! Jeez, what did he do to me? I was just planning to give my husband a normal kiss but--- Oh my God! This is even more absurd and stupid!

I used all my strength just to end the kiss.


Shit! Shit!


Deritso akong nakatingin kina daddy at umaktong normal lang ang ginawa namin ng HUSBAND ko. Hindi ko makuhang tingnan ang katabi ko. Ayokong makita ang reaksiyon niya. Dahil ang totoo, malakas pa rin ang tambol ng aking puso. At halos nanginginig pa rin ang aking mga tuhod. Pakiramdam ko nga para akong yelo na natutunaw. I can still smell and taste his mint mouth wash in my own mouth. His lips were soft.


Dang! Get hold of yourself Ares!


Naramdaman ko ang pagdaop ng kanyang palad sa isa kong palad. Mas lalong lumakas ang tambol ng aking dibdib. Kaya bago pa akong tuluyang mawala sa sarili ay pinakalma ko ang aking sarili. Alam kong isa na namang problema ang ginawa ko pero bahala na talaga. Importante ang malusutan ko si dad ngayon.



"Dad, Mom, he is my husband. I can't marry that guy." seryoso kong sabi at nilipat ang tingin sa katapat kong lalaki who is currently smirking at me.

Uminit naman ang dugo ko sa ginawa niya pero ng pisilin ng katabi ko ang aking kamay na hawak niya ay binaliwala ko na lang.


"Well, what will I say? Congrats maybe?" sabi niya pero may kasamang makahulugang ngesi.


Anong problema ng lalaking 'to? Can't he see I'm saving his useless ass?!


"Hmm..just wondering babe---"


Babe my ass! inuubos talaga ng lalaking 'to ang pasensiya ko.



"--where are the wedding rings guys? I assumed you can buy a pair, right Ford?" nang-uuyam na tanong niya kay Ford---


Wait, who?


Automatic, napatingin ako sa katabi ko at ganun na lang ang panlalaki ng aking mga mata ng mapagtanto ko kung sino ang lalaking ninakawan ko ng halik at iprinisintang asawa ko sa aking mga magulang.


DANG! Shit really happens.


I'm holding the hand of none other than the Ford guy. Yes, the one and only Ford, whom I met at the bar when I was 16, the guy I stole a kiss from four years ago.


What did I get myself into?




~ O ~ ~ O ~~ O ~~ O ~~ O ~~ O ~~ O ~~ O ~~ O ~~ O ~~ O ~~ O ~~ O ~

WOHOOO! *HAPPY DANCE*

WAHHH! After 50 years posted na ang season 2 ng MISS KISS STEALER!!!!

But take note unedited 'to. Typos alert!

Pasensiya sa mga disappointed, ito lang nakaya :(

Miss KISS Stealer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon