Chapter 3
✦ . ⁺ . ✦ . ⁺ . ✦Gabi na nang makarating kami sa bahay ng mga Fajardo. Buhat buhat ni Gabe si Riri habang papasok ng mansion dahil nakatulog ito sa biyahe. Agad naman kaming sinalubong ni Aling Rosie upang kuhain si Riri kay Gabe at dinala sa kuwarto niya. Nakasalubong nila si Tita Bridgette, hindi niya man lang binalingan ng tingin si Riri at dumeritso kay Gabe. Hinagkan niya ito at kinumusta. I smiled at her when we she glanced at me and she smiled back.
“How are you, my dear?” tanong niya kay Gabe. Twice a year lang talaga kung umuwi si Tita sa Pilipinas, tuwing birthday ni Lincoln at Gabe lang talaga.
“I’m fine, Ma. How was your trip pala? You didn’t inform me that you’re going home. Sana ay ako ang nagsundo sa’yo,” sagot ni Gabe sa mama niya.
I excused myself so they can have their privacy. Lumabas ako at pumunta sa garden at umupo sa isa sa mga picnic chair. I was minding my own business when I heard Lincoln’s voice. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakita. Hindi ko marinig ang mga sinasabi niya kasi medyo malayo siya sa akin pero sigurado akong may kausap siya sa cellphone. Hinayaan ko siya at tinext si Pew na uuwi na ako mamaya-maya.
Wala akong magawa kaya nag-umpisa na lang akong magmemorize ng mga notes ko sa school. I was starting to doze off when I heard Lincoln cleared his throat. Inangat ko ang tingin ko and I saw him sitting on the chair in front of me.
“Sorry dahil ginabi ka na. Tara, ihatid na kita pauwi,” sabi niya. Tumango naman ako dahil wala naman akong magagawa. Magpapaalam na sana ako nang sinenyasan ako ni Lincoln na ‘wag na. Nilingon ko naman ang veranda at nakita na nakaupo at nag-uusap roon sila Tita Bridgette at Gabe. Naintindihan ko naman ang nais ipahiwatig ni Lincoln kaya sumunod na ako sa kaniya.
“I’ll tell the two na hinatid na kita para hindi sila mag-alala sa’yo,” ani niya. Tumango naman ako at ngumiti bilang pasasalamat. Sumakay na kami sa sasakyan niya at bumiyahe.
“Next month na ang graduation niyo ni Gabe, ‘di ba? What are you planning to do after?” tanong ni Lincoln sa’kin.
“Hindi ko pa alam pero balak kong maghanap ng trabaho kahit sa maliit na business lang for experience,” sagot ko sa kaniya.
“Eh? Puwede namang sa kompanya namin,” sagot niya. Bumaling ako sa kaniya at ngumiti.
“Talaga ba? Hindi ba parang inaabuso ko na kayo non?” tanong ko.
“Hindi ah. Bakit naman ganon ang tingin mo? Kung sabagay nga ay kami ang may utang na loob sa’yo dahil sa pagtutulong mo kay Riri,” ani niya. Hindi na ako sumagot sa kaniya.
Classmate kami ni Gabe sa college kaya kami nagkakilala. Nasa iisang circle of friends din kami kaya medyo close rin kami. Nang nalaman niyang kailangan ko ng extrang pera para sa graduation fees ko ay inalok niya akong maging yaya ng bunso niyang kapatid. Noong summer at tuwing kailangan lang naman kaya pumayag na ako. Mabait na bata si Riri kaya hindi ako nahirapang alagaan siya. Hindi siya malikot kaya nakakagawa ako ng mga school activities ko kahit na nagbabantay ako sa kaniya. Wala talagang full-time yaya si Riri dahil hindi naman niya raw ito kailangan. Noong summer lang sila naghanap dahil na-diagnose ito ng sakit sa puso kaya kailangang may magbantay sa kaniya. Tuwing weekdays naman ay ang nag-aalaga sa kaniya ay si Aling Rosie sa kaniya. Siya ang naghahatid at nagbabantay kay Riri sa school dahil tuwing Tuesday, Wedesday, at Thursday lang naman ang pasok niya.
YOU ARE READING
Us Again
RomanceCosette Lazuli Zepelli and Gabriel Ezril Fajardo are friends. Cosette met his family when he offered her to babysit her sister for extra income. But what happens when one of them falls in love with the other? Will they have a happy ending, or does f...