Chapter 1
✦ . ⁺ . ✦ . ⁺ . ✦Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin ako makatulog. Kanina pa ako pa gulong-gulong sa kama ko pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok. It’s been awhile since I had a good night’s sleep. Gusto ko na talagang matulog dahil ilang linggo na akong puyat na puyat. Napatingin ako sa bote na nasa ibabaw ng bedside table ko at napailing. “Hindi,” iyan ang pumasok sa isip ko. Inalis ko ang tingin ko roon at tumayo. Naglakad ako papuntang terrace at umupo roon, nag -isip ako ng kung ano anong bagay para malibang ang sarili ko.
Nang umihip ang malamig na hangin ay bigla akong nakaramdam ng antok. Napaisip naman ako dahil dito. “Baka kailangan ko ng palitan ang bentilador sa kwarto, may kalumaan na rin kasi iyon,” pagkakausap ko sa sarili ko habang naglalakad pabalik sa kwarto ko. Nang makapasok ako ay pinakiramdaman ko kung masyado bang mainit ang kwarto ko. “Hindi naman ah. ‘E bakit ganon? Nababaliw na yata ako,” bulong ko sa sarili ko. Humilata na lang ako sa kama at hinayaan ang sariling lamunin ng antok.
“ATE!” malakas na sigaw ni Pew habang inaalog ang balikat ko. “Ate ano ba! Wake up!” sigaw niya habang patuloy na hinaharass ako. Hindi pa siya nakuntento at pinaghahampas ako nang malakas gamit ang unan. Bumangon ako at umupo sa kama. “What? What do you want?” I asked him lazily. Wala akong ganang bumangon dahil kulang na kulang ang tulog ko. Sabado ngayon kaya wala akong balak bumangon nang maaga.
“Kuya Lincoln’s looking for you. He’s outside,” ani niya. Tiningnan ko ang orasan. Alas sais pa lang ng umaga. I immediately got up from bed and go straight to the bathroom. I brushed my teeth and did my morning routine. I also changed my pajamas and wore decent clothes. Hindi naman siguro siya pupunta nang ganto kaaga kung hindi importante ang punta niya. Dali-dali akong lumabas sa kwarto at tinungo ang sala. Nadatnan ko si Pew pero wala si Lincoln.
“Where’s Lincoln? You didn’t invite him in?” I asked Pew who was busy with his laptop. “He’s on the patio. I invited him in but he declined. I also offered him coffee but he said he was good. Ang sabi niya’y hindi naman daw siya magtatagal at may pupuntahan daw kayo,” sabi ni Pew. I checked my phone and saw Lincoln’s message. He texted me last night saying that he’ll pick me up today because his sister won’t go to her doctor’s appointment without me. Why did I forget that today is Riri’s check-up day?
Dali-dali ko namang tinungo ang patio. “Good morning, Lincoln. I’m sorry ngayon ko lang kasi nabasa ‘yung text mo,” sabi ko na nahihiya. “No worries. You should eat breakfast before we go,” ani niya. “It’s fine. May malapit na coffee shop sa clinic, I’ll just grab coffee there. Magpapaalam muna ako kay Pew,” tumango na lamang siya bilang sagot. I got back inside at nagpaalam kay Pew.
“Ikaw muna ang bahala kay Winkle. Tawagan mo ako kung may problema kayo rito, okay?” Tumango naman siya bilang sagot. Pagkatapos kong magpaalam ay lumabas na ako. Hindi ko nakita si Lincoln sa patio kaya dumeritso na ako sa labas. Nakasandal siya sa sasakyan niya while texting. Nang napansin niya ako ay pumunta siya sa may passenger seat at pinagbuksan ako ng pinto. I said ‘thank you’ before closing the door. Mabilis naman siyang umikot para pumunta sa driver’s seat at umalis na kami.
Tahimik kaming dalawa habang nasa biyahe patungo sakanila. We got stuck in the traffic. Napansin niya sigurong masyado kaming tahimik kaya tinanong niya ako kung gusto ko bang makinig ng kanta, I declined dahil nahihiya ako. He turned on the radio at kantang Araw-Araw ng Ben & Ben ang pinapatugtog.
Hindi ko namalayang sumasabay na ako sa kanta. Tumikhim ako nang mahina para pigilan ang sarili kong sumabay sa kanta. Narining ko namang mahinang tumawa si Lincoln kaya tumigil ako sa pagkanta.
YOU ARE READING
Us Again
RomanceCosette Lazuli Zepelli and Gabriel Ezril Fajardo are friends. Cosette met his family when he offered her to babysit her sister for extra income. But what happens when one of them falls in love with the other? Will they have a happy ending, or does f...