𝘊𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳 1

4 1 0
                                    

Kriiiiiiiiiiiiing...

Andito ako ngayon sa harap ng gate ng bago kong School. Minsan hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang lumipat samantalang maganda naman doon sa dati, malayo lang pero higit na mas maganda naman doon kaysa dito. bahala na huling dalawang taon nalang naman at makakaalis na rin naman na ako sa lugar na 'to.

Pag pasok ko ng school gate ay madami agad akong nakasalubong na mga studyanteng nag ki-kwentuhan, mga dating magkakakilala at mga matagal ng magkasama sa dati nilang former class. Good thing na nalaman ko na agad ang classroom ko bago pa mag pasukan, sa dami ng mga nakasalubong at nakikita ko wala na din akong balak libutin ang school na 'to, Kaya dumiretso lang ako paakyat sa classroom at doon naupo sa dulo.

Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na din ang isang Teacher na mukhang bata pa, pero makikita mo sa mukha ang pagiging istrikta, Ewan ko kung makakasundo ko s'ya. Pag tapos n'yang ilapag ang mga gamit sa teachers table  at nag salita na din ito.

“ Good morning class ” unang bungad nito at tumingin sa paligid na parang may hinahanap at ng mapaunta sakin ang Mata n'ya ay bigla itong ngumiti at nagpatuloy sa pagsasalita. “ sa mga hindi pa sakin nakaka kilala, ako ang class adviser n'yo ngayong taon at ako din ang magiging values teacher nyo, Kaya sana ay magpakabait kayo. ” Sabi nito habang nakatingin sakin, “ ako si Mrs. Reina Barameda. ” pag papatuloy nito. Lahat ay nakinig sa klase ni Mrs. Barameda at walang kahit sinong magsalita pero mapapansin na halos lahat ng mga kaklase ko ay magkakakilala na.

Lumipas ang ilang oras ay nagpalit palit ang mga teachers, hanggang sa dumating na ang math teacher namin, at katulad ng ibang teacher na pumasok ay nilapag lang din n'ya ang mga gamit sa mesa at saka nagsalita.

“ Before anything we start i want you to introduced yourself one by one. ” my subject teacher said. “yeah, i know you've done this too many before my subject but i still want you to do this.” pagpapatuloy n'ya. “lets start with you” turo n'ya sa classmate ko na abalang nakikipag kwentuhan sa katabi nito.

“ako po ba ma'am?” tanong nito na s'ya namang tinanguan ng guro naming nasa harapan. “my name is Denmark Trinidad, 17 years old and studying here at Biñan National High School for four years, repeater po ako ng third year ma'am.”  tuloy tuloy na sabi nito.

“i see, kaya pala parang pamilyar ka na sakin.” komento ng teacher namin. “okay, ikaw naman.” turo nito sa katabi ni Denmark na nagpatuloy hanggang sa umabot ito sa katabi ko.

“Good morning ma'am, good morning classmates, i am Bryan Madrigal and i am also repeater like our classmate Denmark pero n'ong second year ako umulit kasi tumigil po ako”, mahaba at tuloy tuloy na litanya nito.

“ang dami n'yo na palang nag ma masteral ng high school dito”, pabirong sabi ng guro namin. “Sige na, you may take your seat.” utos pa nito sa katabi ko.

“ikaw naman,” turo nito sa akin. “bago ka lang ba dito?” dagdag tanong pa n'ya na tinanungan ko lang. “i see, sige introduce yourself and where do you came from,” utos nito sakin.

Agad naman akong tumayo at inayos ang uniporme  ko. “Good morning, i am Andrew James Ian Fernando Buenavista, 15 years of age and currently living here on Laguna." Pagpapakillala ko, mapait na gumuhit saking mga labi ang isang ngiti pag tapos maalala ang dahilan kung bakit ako ngayon napunta dito at napilitang pumasok sa pampublikong paaralan.

                                                   

Two years ago...



Nandito ako ngayon nakaupo sa teresa ng abandonadong lugar, may hawak ng libro at hinihintay tumunog ang bell. isang buwan na rin mula ng nag umpisa ang klase pero wala parin akong kaibigan, madami ngang nakakakilala pero hindi ko naman gusto ang mga interes nila.

“Aian!! Andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap akala ko tuloy umuwi ka.” maliban pala sa kanya.

si Mariz Angela 2nd year high school, 15 years old, maganda si Angela may maputing balat, buhok na kayang takpan ang buong likuran at may taas na 5'4, masasabi kong mabait rin naman s'ya kahit paano pero masyado n'yang ginugulo ang mundo ko simula ng nakilala n'ya ako.

“Problema?, bukod sa pera.” malamig na tugon ko sa kanya habang hindi inaalis ang tingin sa librong binabasa ko.

“binabasa mo nanaman yan, hindi ka ba nagsasawa?” sabi nito pagtapos umupo sa tabi ko at isandal ang ulo nito sa balikat ko.

“bawal yan.” sabi ko habang ginagalaw ang balikat ko pilit na inaalis ang ulo n'ya. “masyado kang PDA Mariz, mamaya may makakita pa sa'tin isyu yan, ayoko ng gan'on.” sabi ko dahilan para matawa pa ang lintik.

“wag ka ngang makulit” tingin ko talaga nakasimangot nanaman 'to. “pinagod mo ako kakahanap sayo, 'di ba sabi mo sasamahan mo ako sa school ng kakambal ko?” naglalambing na tugon nito habang unti unting pinupulupot ang mga braso sa bewang ko.

Napabuntong hininga ako at binaba ang librong balak ko sanang tapusin buong araw, “ano ba kasing gagawin natin d'on?” tanong ko at tuluyang hinarap ang best friend kong kanina pa may toyo, oo, best friend ko na daw s'ya kasi sabi n'ya, king ina, hindi ako binigyan ng choices.

“gusto ko kasing makilala mo s'ya para naman hindi lang kami ni kuya ang kilala mo.” sagot nito sakin at inalis na ang pagkakayakap sakin. “kasi 'di ba wala kang friends, gusto ko lang na magkaroon ka ng kakilala.” tuloy tuloy na sabi nito habang tinatakpan ng sariling buhok ang mukha. Napaka isip bata talaga.

Napangiti ako ng konti dahil sa sinabi nito, “sige, bukas pag sinisipag ako.” sagot ko habang inaabot sa kanya ang librong kanina ay binabasa ko.

Nagtatakang tumingin ito sakin habang kinuha sa kamay ko ang libro, “anong gagawin ko dito?” nakasimangot na tanong n'ya sakin.

Natawa ako ng malakas sa naisip kong sagot sa tanong n'ya, “kausapin mo, nasagot yan.” sagot ko na naging dahilan para mas lalong sumama ang mukha nito, “tanungin mo na rin kung kailan ka liligawan ng crush mo.” natatawang dagdag ko pa at naglakad na ako pababa mula sa teresa dahil narinig ko na ang tunog ng bell.

“ang gago talaga ng mga sagutan mo!!” galit na sigaw nito habang padabog na naglalakad pasunod sakin.

The Heartless KingWhere stories live. Discover now