Butterfly ft. Justin

353 7 0
                                    

“Jade, how many times ko bang sasabihin sa ‘yo na I hate butterfly designs nga!” naiinis na saad ko kay Jade nang makita ko ang design sa office ko.

“I'm sorry po, Ma'am. Ipapatanggal ko nalang po mamaya,” sambit ng secretary ko.

FLASHBACK

“Love, kunan mo nga ako dito.” utos ko kay Justin.

“Wait lang, love,” sagot niya. Pero nong nainip ako kakahintay ay nilapitan ko ito.

“Love, ang ganda. Kulay puti, favorite color mo,” saad niya habang nakangiti.

Dumapo sa kan'ya ang isang puting paro-paro. Napakaganda nito at first time kong makakita ng gano'n.

“Give me your camera, ikaw nalang kunan ko.” saad ko sa kan'ya at kinuha ang camera na nakasabit sa kan'ya.

“1 2 3... Smile!” utos ko at nakangiti rin ako.

Bigla nalang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung paano ko ito pahihintuin.

“Mom, why are you crying?” tanong ng anak ko.

Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

“Is that daddy? He's so pogi!” manghang saad niya.

Napatango nalang ako at niyakap ko rin siya. Unti-unti kong binaba ang camera na hawak ko. Ang camera kung saan nirecord namin ang hindi ko akalain na huling pagsasama na pala namin.

“Mommy, don't cry na po.” saad ng anak ko saka pinunasan ang mukha ko.

In just a snap may lumipad na paro-paro papasok, nakalimutan ko palang isara ang bintana ng kwarto namin. Familiar yung paro-paro na 'yon.

Same sa nakita namin sa garden. “Please no, wala sanang mawala sa amin,” bulong ko.

Pero sa hindi ko inaasahang pangyayari bigla akong nagpanic. Nagtatakbo ako palabas. I think hindi pa ako fully nakakarecover. Bumabalik ang lahat kapag nakakakita ako ng paro-paro.

[Flashback]

Justin died because of a butterfly. Sinundan niya ito nang sinundan hanggang sa mahulog siya sa bangin nang dahil lng sa gusto niyang kunan ito sa magandang anggulo.

Kung kaya't nang mawala si Justin ay ganoon na lamang ang naging galit ko sa mga paro-paro. Dahil iniisip kong nang dahil do'n ay nawala siya, nawala ang taong pinakamamahal ko.
[End of Flashback]

Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa may nabangga ako. Napaka-familiar ng hugis ng mukha at tindig ng katawan.

“Justin...” saad ko.

“Nope. Agustin,” saad niya.

Pero bakit? Bakit kamukhang-kamukha niya ang pinakamamahal ko few years ago? Mas bumata lang siya ng konti kung titingnan. Does reincarnation really exist?

SB19 SCENARIOSWhere stories live. Discover now