Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang nagmumukmok, 'di ko mapigilan ang nararamdaman ko.
—Flashback—
"Josh, bilisan mo naman!" Pinuntahan ko siya sa bahay niya pero kakagising pa lang niya, kailangan ko pa siyang hintayin.
"Oo, sandali lang!" sigaw nito mula sa banyo.
Habang nagtitingin tingin ako ng mga litrato nila ng family niya, may isang pamilyar na litrato akong nakita. Iyon yung picture namin ni Josh noong mga bata pa kami. Hindi ko mapigilan hindi magtingin-tingin kasi sobrang gaganda ng mga gamit niya dito. May tumawag sa kaniya, pero agad ding pinatay kaya hindi ko nakita yung pangalan. Binuksan ko ulit 'yon, laking gulat ko nang makita ko ang picture ko roon. Saktong pagtingin ko ay kakalabas lang din ni Josh ng banyo at nakita ako.
"What are you doing?" natatarantang sabi niya at agad ding hinablot ang cellphone. Dali-dali akong lumabas upang makapagsuot na siya ng damit.
Argh!! Nakakahiya!! Pero bakit? Bakit niya ako ginawang wallpaper?
"Tara na." sambit niya. Pero 'di ko napigilan ang sarili ko sa pagtatanong.
"J-josh, b-bakit yung wall—" naputol yung sasabihin ko nang magsalita siya.
"Ah w-wala." Tumalikod siya pagkatapos niyang magsalita.
"Josh, may hindi ka ba sinasabi sa'kin?" Humarap naman siya para sumagot.
"Oo, tama ang iniisip mo."
Napakamot nalang siya sa batok."Sa totoo niyan, sasabihin ko sana sa 'yo 'yan mamaya at kung pwede bang manligaw. Kaso naunahan mo na ako," he awkwardly laugh.
"Don't worry, hindi naman ako nagmamadali. Maghihintay ako hanggang puwede na," saad niya.
"Yes, Josh. Pumapayag na ako," Sagot ko.
Naks, speedt. Sa wakas, umamin rin siya, akala ko mali lang yung mga hinala ko.
"Talaga?!" Agad-agad niya akong niyakap dahil sa labis na tuwang kan'yang nadarama.
"Huwag mo 'kong sakalin," natawa lang siya sa sinabi ko at mas hinigpitan ang yakap.
"Josh, bakit?" Naluluha akong tumingin sa kan'ya.
"Lasing ako that time. Hindi ko nga siya kilala," dahil sa sinabi niyang iyon ay nabigyan ko siya ng malakas na sampal.
"Josh hindi ako tsnga! Ex mo siya 'di ba?"
Hindi siya kumibo. Alam kong ginusto niya iyon."Josh, akala ko... akala ko ikaw na." Napapakagat nalang ako sa labi ko para hindi umiiyak ng malala.
"I was suppose to answer you today. Unfortunately, I received the news."
"Congratulations, invite mo 'ko sa kasal niyo ah?" pagbibiro ko.
"I'm so sorry,"
"Okay na, Josh, wala na tayong magagawa,"
"The sunset is beautiful isn't it?"
Saktong maghihintay dapat kami ng paglubog ng araw.
Agad-agad siyang tumakbo paalis habang umiiyak. Ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay nagsibagsakan na.
End of flashback
Years passed by.
He's now with his girl. He already found his the one, and me? I'm still feeling the pain, pero hindi na yung dahil sa pagmamahal ko sa kan'ya but because of our friendship na natuldokan. Parehong may pagtingin, ngunit dito natin masasalamin na hindi lahat ng may magandang simula ay nauuwi sa happy ending.
YOU ARE READING
SB19 SCENARIOS
FanfictionThis is only a Fanfiction. Don't take it seriously. I hope you enjoy reading those scenarios. Sana ay napasaya kayo ng aking mga fanfiction. Nawa'y napakilig kayo kahit sa inyong mga imahinasiyon lamang.