• THE CHECKER 1

183 11 0
                                    

THE CHECKER | BLOODY TALE V.1
A Horror Short Stories Present | 1

Taong 1894, Abril sais, araw ng martes ay makikita ang dalawang babae na matiyagang nag-abang ng bus sa harapan ng north drug store.

"Izza nakikita mo ba ang taong 'yon?" She said. Itinuro pa nito ang nilalang na nakatayo sa kabilang kalsada.

Nababasa na rin ng ulan ang paa ni izza dahil sa lakas ng tilamsik ng tubig na nagmumula sa kalsada.

Napakamot na lamang sa kanyang ulo ang katabi nitong babae. Wala siyang pakialam kahit sino pa man ang naroroon ngunit hindi niya malaman kung ano ang nangyayari sa kanyang kaibigan. Hindi ito mapakali sa kanyang kinalalagyan.

"Baliw! Basurahan 'yan, anong pinagsasabi mong tao?"

Naiinis na saad ni criche sa kaibigan nito, kanina pa nababalisa ang kaibigan niya dahil sa nakikita nito. Pal

Maliban kasi sa basurahan at poste ay wala ng ibang makikita sa kabilang kalsada kaya't nagtataka si criche sa sinasabi ng kanyang kaibigan. Palagi naman gano'n ang kanyang kaibigan.

"Duh! Ayon nga siya! Wait?what?nasaan na siya?"

Nawala bigla ang nilalang na nakatayo sa kabilang kalsada kaya't natawa na lamang si criche. Marahil tinatakot lamang siya ng kanyang kaibigan.

"See?sabi ko sa'yo wa-"

Hindi pa man natatapos ang nais nitong sabihin nang biglang lumusot sa leeg ni criche ang makalawang na bakal.

"Cri-!!"

"Hindi maaari!'

"Bes! P-paano!"

Takbo!

Nandiyan na siya.

Nagtatago sa dilim at naghihintay ng mabibiktima.

Bumulwak ang dugo nito mula sa kanyang leeg dahilan upang tumalsik sa mukha ni izza ang mapula nitong likido.

Bumagsak ang katawan ni criche sa kalsada at bumungad kay izza ang halimaw, makapal ang balahibong bumabalot sa katawan nito.

Hindi maipaliwanag ni izza kung anong uri ng halimaw ang kaharap niya. Kalahating tao na may kalahating hayop ang halimaw na nasa harapan niya. Madilim noon kaya't hindi nito masyadong maaninag ang nilalang na iyon.

Wala siyang alam tungkol sa mga halimaw. Dahil nasanay si izza sa mga k'wento k'wento na wala namang kabuluhan.

Tatakbo na sana.

Ngunit 'di magawa.

Pinipigilan ng takot.

Saka mag-iisip ng 'di tama.

Bago pa man makaalis sa kanyang p'westo ay bigla na lang tumalsik ang kanang braso ni izza, kinalmot ng halimaw ang mukha ng dalaga hanggang sa tagpasin ng halimaw ang ulo nito.

Tumalsik ang dugo ng dalaga sa mukha ng halimaw.

Umalingawngaw ang sigaw ng halimaw na iyon.

Napakatalim ng mga kuku nito gayun ding mabilis itong sumasabay sa hangin. Tila ba sa bawat paghampas ng hangin sa paligid ay bigla na lamang lumilitaw ang halimaw.

Sa talim ng mga kuku nito ay walang makakatakas kahit na maliliit na insekto'y hindi makakaligtas.

Nagpagulong-gulong sa kalsada ang pugot na ulo ni izza. Umuulan noon kaya't walang bakas ng dugo ang naiwan sa kalsada dahil ang dugong nanggaling sa biktima nito ay sumasama sa agos ng tubig.

Ang malansang dugo ay sumasama sa maruming tubig na ibinabagsak sa mga imburnal.

Nagkalat na ang dilim, simula na naman ng hunting season. Kaya't ang mga hayop sa gubat ay naliligaw sa mundo ng mga tao.

Tuwing hunting season ay maraming mga kababalaghan ang nangyayari sa bayan. Ayon sa kanilang mga paniniwala ay marahil nabubulabog ng mga mangangaso ang tahanan ng mga halimaw na hindi dapat gambalain.

Kahit nasa modernong panahon na tayo ay hindi pa rin natin maiwasan na matakot at magpaniwala sa mga ganitong bagay.

Hindi ito basta-basta na k'wento, dahil karamihan sa k'wentong bayan na ating naririnig ay totoong nangyari.

Kung nauuso lamang noon ang social media o mga telepono ay marahil maraming mga ebedinsyang ipapakita ang mga taong nakakakita ng mga halimaw,aswang o mga maligno.

Hindi mahirap paniwalaan ang tungkol do'n, ngunit mahirap maniwala sa mga taong nakakasalamuha't nakakasama natin.

Ito ang umpisa ng pagbubukas ng aklat ni tiyu pedreng. Ito ang unang kabanata ng kanyang itim na aklat, ang pitong baraha ng tarot.

Continuation...

Bloody Tale 1 (Short Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon