• Pasindi 1.3

22 2 0
                                    

PASINDI | BLOODY TALE V.1
A Horror Short Stories Present | 3

Noong unang panahon kung kailan hindi pa nauuso ang mga telepuno o ano mang mga teknolohiya ay buhay na buhay ang mga kababalaghan at mga katatakutan. Ang mga nakakikilabot at nakapangdidiring mga k'wento ay inyong masusubaybayan sa tagpong ito. Huwag ng palampasin ang mga kaganapan sa naturang salaysay ng isang biktima na noon ay paslit pa lamang.

March 15 1944 During Japanese Time, sa panahong ito ay masyadong mahigpit ang pamamalakad ng emperyo ng japan sa pilipinas. Sa mga syudad ay talaga namang makikita ang kamay na bakal ng mga hapon sa mga pilipino, sa mga malalayong probinsya ay gano'n rin ang pamamalakad.

Sa baryo ng santa ana kung saan iilan lang ang mga bahay na hindi aabot sa sampo ay buhay na buhay ang mga kwentong kababalaghan. Isa na rito ang pamilya ni josefina na naniniwala sa mga kababalaghan. Ang bahay ng pamilya ay nasa gitna ng bukid na napapaligiran ng iba't ibang uri ng gulay.

Mas ginusto ng pamilya na manirahan sa gitna ng bukid upang malayo sa mata ng mga dayuhan. Dalawa lamang na magkapatid sina josefina at joseph, ang kanilang mga magulang ay mga magsasaka. Malayo ang sakahan ng palay sa bahay kaya't sa tuwing aalis ang mag-asawa ay nilulutuan na ng mga ito ang kanilang mga anak hanggang hapunan.

Tuwing umaga umaalis ang mag-asawa at uuwi ang mga ito ay hapon na o minsan naman kaya'y gabi na. Si josefina ang panganay kaya't sa kaniya naiwan ang responsibilidad sa kaniyang bunsong kapatid.

"Josefina! Bumalik kana rito at pumasok na sa bahay. Malapit na magdilim" Pagtatawag ng kaniyang ina.

"Nandiyan na po" Saad ni josefina na noo'y nagsusunog ng mga tuyong dahon sa taniman ng gulay.

Nang sumapit na ang dilim ay dumating na ang padre de pamilya. Nanggaling ito sa ibang burol kung saan nanguha ito ng mga layas na prutas. Tinawag ni mang ben ang asawa nito para ayusin ang mga dadalhing gamit papuntang bayan.

"Balita ko bukas raw magroronda ang mga hapon sa santa ana kaya't ngayong gabi tayo ba baba ng bayan para ipagbili ang mga naani kung prutas" Saad ni mang ben kay aling del.

"Oh siya mga anak isara niyo ng maigi ang pintuan ha? Baka bukas ng madaling araw pa kami makauwi" Saad ni aling del sa dalawa nitong mga anak.

"Opo inay, mag-ingat po kayo ni itay" Saad ni josefina sa kaniyang mga magulang.

Alas otso ng gabi nilisan ng mag-asawa ang bahay. Ang nag-iisang bahay sa gitna ng bukid ay matatanaw sa ibabang bahagi ng burol. Pumasok na sa kanilang kwarto ang magkapatid para magpahinga. Dahil sa antok ang magkapatid ay maagang nakatulog.

Hanggang sa magising si joseph dahil sa katok na naririnig nito mula sa pintuan. Ang gaserang nasa pasamano ay walang sulo kaya't madilim ang loob ng bahay. Samantala noong mga gabing iyon ay masyadong maliwanag ang buwan kaya't masisilip mula sa loob ang buong paligid ng bahay.

Mahimbing na natutulog si josefina habang si joseph ay bumaba sa kama nito at tinungo ang pintuan sa balkunahe o sala. Hindi mo na ito pinagbuksan ni joseph bagkus pinakinggan nito ang makailang ulit na katok.

"Tok! Tok! Tok!" Tunog mula sa pintuang kahoy.

"Inay? Itay?" Saad ni joseph habang nakadikit ang tainga sa pintuan.

"O-oo kami nga ito" Biglang nagtasaan ang mga balahibo ng bata dahil sa malaking boses na narinig nito mula sa labas.

Napaatras ang batang lalaki mula sa pagkakadikit sa pintuan dahil sa boses na gumambala sa kaniyang isipan. "Hindi ikaw si itay! Sino ka?" Saad ni joseph. Ang sabi ng mga magulang nito ay bukas ng madaling araw pa sila uuwi kaya't nagtataka ang bata na masyado pang maaga para bumalik agad ang kanilang mga magulang.

"Joseph! Buksan mo ang pintuan" Boses ni mang ben.

Dali-daling pinakawalan ni joseph ang takot sa kaniyang isipan at mabilis na tinungo ang pintuan para alisin ang harang na kahoy. Pagkabukas ng pintuan ay bumungad kay joseph ang maaliwalas na kapaligiran. Walang tao sa labas kaya't napakamot ng ulo si joseph.

Nang isasara na nito ang pintuan ay may biglang humawak sa kaniyang kamay. "Pasindi" Saad ng estranghero na nasa gilid.

Iniabot kay joseph ang malaking kahoy. Dahil madilim sa loob ay hindi nakita ni joseph kung ano ang kaniyang hawak. Isang putol na paa na puno ng langis ang hawak ni joseph.

Sinindihan ni joseph ang gasera at sinindihan rin nito ang kahoy na ibinigay ng estranghero. Nang lumabas si joseph sa pintuan para iabot ang sulo ay may bigla na lamang humablot sa ulo nito paitaas sa bubungan ng bahay.

Dahil sa sigaw ni joseph ay nagising si josefina at dali-dali itong napabalikwas ng bangon. "Joseph? Nasaan ka?" Saad ni josefina ngunit walang joseph ang sumagot sa kaniya.

Maya-maya pa'y may bigla na lamang bumagsak sa bubungan at makailang ulit itong bumagsak. Hanggang sa matanaw ni josefina ang isang maitim na bagay na lumilipad sa ibabaq ng maisan. May naririnig si josefina na isang iyak ng bata kaya't mabilis na isinara ni josefina ang pintuan dahil pakiramdam niya ay si joseph ang batang umiiyak.

Samantala sa bayan ng santa ana ay makikita ang mag-asawa na nakaupo sa malaking ugat ng kahoy. May mga tao sa paligid noong mga gabing iyon. "Sandali si joseph 'yon diba?" Itinuro ni aling del ang bata na nakatayo sa unahan nila. "Oo nga si joseph nga iyon" Saad ni mang ben na agad namang napatayo ang dalawa at binitbit na ang mga nabili nila.

Sinundan ng mag-asawa ang bata hanggang sa dalhin sila nito sa gitna ng gubat. Agad namang nahanap ni mang ben ang daan pabalik sa kanilang bahay. Ngunit anim na kilometro pa ang lalakarin bago marating ang bahay nila.

"Inay! Itay! Inay! Itay!" Naririnig ng mag-asawa ang boses na iyon sa malaking puno ng narra. Nakita ng mag-asawa ang isang maitim na nilalang na may kung anong hinahampas sa puno. Makalipas lang ang ilang minuto ay nawala rin ang nilalang na iyon.

"Kawawa naman ang biktima no'n, tiyak kung nagkalasog-lasog na ang katawan ng taong 'yon" Saad ni mang ben.

"Ben! Tignan mo dali! Si joseph naroroon sa puno" Saad ni aling del.

May hawak na gasera si joseph at ibinigay ito sa kaniyang ama. Ang tatlo ay sabay ng naglakad pabalik sa kanilang bahay hanggang sa abutin sila ng alas tres ng madaling araw.

"Josefina? Kami na ito ng itay mo"

"Inay? Inay!" Sabay yakap sa kaniyang ina.

"B-bakit? Ano ba ang nangyari? Nasaan si joseph?" Tanong ng kaniyang ina.

"Inay si joseph po nakita ko dala-dala ng aswang na iyon, inay wala na po si joseph" Umiiyak na saad ni josefina sa harapan ng kaniyang ina.

"Ay ano kabang bata ka! Kasama namin si joseph ngayon" Itinuro nito ang kaniyang likuran ngunit wala na ang bata.

Agad namang naitapon ni mang ben ang hawak nitong gasera dahil sa lansa ng amoy. Nang bumagsak sa lupa ang hawak nitong gasera ay bumungad sa kanila ang kaliwang paa ni joseph na puno ng langis at lumiliyab pa ang dulo.

Napahagulhol ng iyak si aling del dahil sa pagkawala ng kaniyang isang anak. Habang si mang ben naman ay nag-aamok sa labas ng bahay at hinahamon ang pumaslang sa kaniyang anak.

Written by: Chris Servano
Present by: Bloody Tale
Collection from: Bloody Tale v.1
Instagram acc: @iamsichris

©Chris Servano
®All right reserve for 2024

Bloody Tale 1 (Short Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon