1
Xia's POV
Nakakainis talaga ang ganito. Kailangan ko pang pumunta sa computer shop para makapag-internet. Pinaputol kasi ng mga magulang ko ang internet connection sa bahay dahil hindi na daw ako nakakapag-concentrate sa pag-aaral. Ang dami talaga nilang alam. Hayy!
Ako nga pala si Loville Xiamara. 15 years old at isang 4th year high school student. Only child. Mabait ako, maunawain, happy pill ng grupo. At ako lang naman ang pinakamataba sa aming limang magkakabarkada. Haha.
Tinatamad akong magsearch about sa assignment namin kaya nag-open na lang ako ng Facebook.
Nakikinig ako ng mga OST ng mga anime na gusto ko at kasalukuyang tinitignan ang news feed ko ng biglang may nagpop out na message. Galing kay Macky, isa sa mga classmate ko.
Hello! :) basa ko sa message niya.
Ano naman kaya ang problema nito at nanggugulo ba naman. Pero dahil wala din akong magawa, nagreply na lang din ako.
Bakit?
Wala pang ilang saglit ang reply niya sa akin.
Kung liligawan ka ba ni Jiro Andrew may pag-asa daw ba siya? :)
Anong trip niya? Talagang itong mga ito wagas kung mantrip. Jiro Andrew? Ang pinakatahimik na taong makikilala mo sa section Happiness. Ang taong hindi mo gugustuhing kausapin dahil sa sobrang tahimik niya.
Wag ako ang pagtripan mo gunggong! At saka wala ano! Love na love ko kaya si Walter Jay! sagot ko na lang sa kanya. Mga sira ulo talaga oo!
Hindi ako nagbibiro. Gusto ka talagang ligawan ni Jiro!
Basted na agad. Duhh!
Grabe ka naman. Basta pag-isipan mo yung sinabi ko.
Huling sabi niya sa chat namin at nung magmemessage pa sana ako ay nakita kong offline na siya. Hindi ko na lang pinansin iyon at bumalik na ulit sa pagbrowse ng news feed ko.
Halos dalawang oras na ako sa harap ng monitor. Nakaramdam na din ako ng pananakit ng mata. Pa-out na ako ng bigla akong nahagip ng isang post. Post ni Jiro Andrew. And I think this post hits me big time.
Jiro Andrew Angeles
5 mins ago
Ang sakit naman... Basted na agad... :(
Like.Comment.Share
Macky De Castro, Chris Liu Ng and 25 others like this
Hindi ko alam kung bakit parang may feeling ko na may kasalanan ako kung bakit malungkot si Jiro ngayon. Kaya bago pa ako maglog-out, nagprivate message muna ako kay Jiro.
Smile! See you tomorrow! :)
Enter
At naglog-out na ako agad. Hindi na ako naghintay sa reply ni Jiro. For sure busy din siya sa pagdodota kasama ang mga barkada niya.
Wala lang siguro yung post niya. Masyado lang siguro akong nadala sa sinabi ni Macky kanina. Napagtripan lang din ako ng mga yun. Knowing those dorks, feel na feel lang din nilang manloko.
Jiro's POV
Buti na lang at hindi ako ang direktang nagtanong sa kanya. Ang sakit pala. Pero kahit ganun ay mahal ko pa rin siya.
Ako nga pala si Jiro Andrew. 15 years old at matagal ng minamahal ang secretary ng klase namin, si Loville Xiamara. Masyado akong mahiyain pero sa harap ng mga kaibigan ko, isa ako sa pinakamaingay.
Pagkatapos kong magpost ng status ko sa FB ay nagdota na lang ulit ako. Busy ako sa pakikipaglaban at may narinig akong pop-out sound. Hindi ko na lang muna pinansin dahil baka kung ano lang iyon.
Bwisit naman oh. Natalo pa kami. Basted na nga ako, talo pa kami sa dota. Wala talaga akong kwenta. Dahil tapos na ang laban ay bumalik ulit ako sa FB ko.
O_O
Nanlaki ang mata ko noong mabasa ko ang pangalan ng nagsend sa akin ng message. Badtriiip! Dapat binuksan ko agad yun kanina.
Loville Xiamara Alcantara
Smile! See you tomorrow! :)
Waaaah! Kinikilig ako! Nagmessage ang pinakamamahal ko sa akin. Waaaah! Nakakabakla!
"Sh*t! Nagmessage siya sa akin! May pag-asa pa ako!" sabi ko na napalakas kaya naman tumingin ang mga kabarkada ko sa akin.
"Kaya pala ang lapad ng ngiti mo hah. Nagmessage pala sa'yo ang dakila nating secretary!" pang-aasar ni Macky sa akin.
"Galingan mo tol! Basketball player pa naman ang kalaban mo sa puso niya!" sagot naman ni Chris.
Nalungkot ako sa narinig ko. Sino ba naman ako kumpara mo sa MVP ng high school department na si Walter Jay Sison. Isang napakagwapo at napakasporty ang kakakumpetensyahin ko? Talo na agad ako.
"Suportado ka namin. Malaki ka na. Kaya mo na yan. Wag kang torpe! Matagal mo na siyang mahal kaya ipaglaban mo." sabi ni Chris at lumabas na silang lahat dito sa computer shop.
Hindi ko alam ang gagawin. Mahal ko siya pero hindi niya ako mahal. Ang hirap pala ng one-sided love.
BINABASA MO ANG
Yes! It's a One-Sided LOVE!
Novela JuvenilLove- one of the best thing in this world. The world for two people caring and understanding each other. Two people sharing each others happiness. Two people with full of love. But not for Loville Xiamara Alcantara. Love for her on the other hand is...