Ang Hirap Mag Move-On

64 1 0
                                    

Melani Aureen Jucutan. 17 years old. Nagaaral sa isang mamahaling eskwelahan. At nagmamahal ng lalaking kailanman ay hindi ito masusuklian.

Oo. Mahal ko siya, pero may mahal na siyang iba. Matagal na. Siguro mga 5 or 6 years na? Tagal no? Loyal ako eh. Nabulag eh. Umasa eh. Kaya ayon, kahit may iba naman palang nagmamahal sakin, wala na.

Nawalan sila ng pag-asa kasi sa kanya lang ang puso ko. Si Lorenzo Joel Valdez. Ang ubod ng gwapo, bait, talino, tangkad, gentleman, at lahat na ng nanaisin mo sa lalake, nasa kanya na.

Kaya nga umabot ng madaming years eh. Kaso ang malas.

First day of classes, first year high school. Section 3. Siya agad ang unang gwapo na nakita ko. Marami akong karibal sa kanya, pero dahil mas mahal niya ang magulang niya, Study first before Love daw siya.

Ganon din naman ako, kaya simula non, crush ko na siya. Hanggang nung nag 2nd Year na kami, nakamove-on na ako sakanya kahit wala namang kami. Bukod sa hindi na ulit kami magkaklase. May iba akong nagustuhan.

Pansamantalang naalis sa puso't isip ko si Lorenz. At minahal ko si Edwin John Inez. Pero wala ding pag-asa kasi playboy, chick magnet, GGSS eh hindi naman kagwapuhan.

Kaya sa iba na naman ako. Si Joseph Neo Valderama. Ewan ko kung anong nagustuhan ko jan. Siguro nung nag Championship kami sa basketball. Magaling siyang magshoot eh. Then, chat here, there. Alam naman niyang gumawa ng first move pero playboy din.

Gusto niya kong ligawan pero ayaw ko. Kasi seryoso ako magmahal at ayaw ko ng may expiration date na relationship. Yung mga pang isang week, isang buwan lang. Hindi naman love yun eh. Ganon kasi si Neo sa mga nakakarelasyon niya.

Kaya umayaw na ulit ako. Di naman ako nagsisi, kasi kinabukasan may girlfriend na siya.

Then yun, nagparamdam nanaman si Lorenz. Kinamusta niya ako hanggang sa naguusap na uli kami. Unti unti nanamang bumabalik ang feelings ko.

Ayaw ko sanang bumalik pero for the second time umasa ulit ako. Kasi naman, sinong hindi mafoFall sa kind words at sweet smiles?

Tanga ko lang, ayun bumalik. Pero yun na nga, may iba na pala siyang mahal. Sinabi niya sakin na mahal na mahal daw niya yun.

Pareho lang kami ng sitwasyon, ayaw din sakanya ng mahal niya. Buti nga sakanya at nang maramdaman niya yung nararamdaman ko!

Kaya naglakas loob akong magconfess ng nararamdaman ko. Sinabi ko na rin na ang sakit sa puso yung magsasabi ng sweet words sayo pero di naman mapapanindigan.

Hanggang sa nagmomove-on nanaman ako sakanya. At may iba nanaman ako. Si Nicko Banigued. Sa words din niya ako nahulog. Ewan ko lang kung may gusto din siya sakin. Kasi kung sakaling niligawan niya ako noon, sasagutin ko talaga siya.

Pero ni hindi man lang siya nagparamdam kung meron na din. Kaya napagpasyahan kong lumipat ng eskwelahan. Sa ibang school na ako nagCollege. Kasi sigurado ako na dun parin sila mag-aaral sa dati.

Unfortunately, mahal ko na pala si Nicko at classmate ko naman si Lorenz. Ang hirap lang kasi loner ako, loner din siya. So magkatabi kami. Lagi kaming magkasama. Laging awkward. Laging tahimik.

Parang mag-ex kami pero hindi naman. Kaya ang hirap mag move-on para sakin.

Kung kelan handa ng magmahal ng iba, saka pa babalik yung kinalimutan mo na dati.

And for the 3rd time, college na ako, nagpapakatanga parin ako kay Lorenz. Wala na kaming communication ni Nicko eh. Sayang.

Pero nagkagirlfriend na rin siya. Actually, si Nicko at Lorenz
Until now, sila parin ng mga syota nila. Until now, ako, eto, tanga parin. Umaasa parin. Baliw na baliw parin.

Ano ba talagang gagawin ko para makamove-on ng todo? Yung never ng babalik. Yung kahit magkita kami, wala ng awkwardness.

Bakit ba kasi ang hirap mag move-on!

*

Rak! Para sa mga bitter jan, punta kayo sa WORKS ko, may MAPAIT doon. Salamat. 😂

Ang Hirap Mag Move-OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon