Chapter 1 (First Day,be good!)

298 5 0
                                    

A/N: Sorry kung natagalan ang update. Kasi nung inedit ko,nakalimutan kong isave. Kaasar! Oh well. Eto na ang new chapter 1. Iniba ko ung ibang character. Enjoy!!

PS: Cesca,Dani and Alyssa (from left to right) in the multimedia.

~

Alyssa's POV:

First day of school. Nandito na kami sa TSMS. New school namin ng mga bestfriends ko. New school,new life.

Kasalukuyan kaming naglalakad ng biglang....

---

"Alyssaaaaaa!"sigaw ng pinakaloka loka kong bestfriend sa balat ng lupa,na siyang kinagising ko.

Hanggang panaginip ba naman nasa school pa rin? Di naman halatang excited akong pumasok eh no? At hindi din halatang excited si Dani dahil nakabihis na siya.

Kung nagtataka kayo kung bakit nandito ung bestfriend ko,well nakatira kami sa iisang bahay. Request namin yun sa parents namin,tutal nasa ibang bansa sila kaysa mag condo kami,nagpagawa nalang kami ng malapalasyong bahay. Malapalasyo talaga coz' we're the princesses. Feeling princess! XD

"Bakit ang aga mo mambulabog ha!?"bulyaw ko habang nagiinat-inat.

"Hindi ka excited sa first day natin?"sabi niya habang nakapout. Isip bata! -___-

"Anong oras na ba?"tanong ko.

Tumingin naman siya sa relo niya at,"Hmmm. Well,6:30?"sabi niya.

"6:30---ASDFGHJKL!?"di ko naintindihan sinabi ko kasi dali-dali akong pumuntang cr at naligo. Nyeta! 6:30 na!? Mabagal akong kumilos eh!

Mabilisan kong ginawa ung morning rituals ko; pagsuklay, pagtoothbrush,paghilamos,at maligo (well! Wag na nating isa-isahin ung paliligo),pagbihis ng uniform.

Bumaba ba rin ako para kumain ng breakfast,sino kayang nagluto ng breakfast namin? Dani o Cesca?

Umupo na ako at kumuha ng fried rice and bacon habang nagsasapatos.

"Akin na yang sapatos ko Cescaaaa!"sigaw ni Dani galing sa taas. Nakita ko pa si Cesca na pababa ng hagdan dala dala ung sapatos ni Dani. Lokaret talaga tong dalawang to. Aga aga naghaharutan.

"Bahooo nito!"nandidiring sabi ni Cesca pagkatapos binato kay Dani ung sapatos. Ayy loka! Natamaan si Dani sa mukha.

"Hoy! Kumain muna nga kayo! Ang aga aga harutan"sabi ko habang busy lumafang.

"Eto na nga eh"nakabusangot na sabi ni Dani.

"Hahahahaha. Mukha ni Dani eh"sabi ni Cesca pagkatapos ay umupo na rin.

"I hate you Francesca Tan!"sigaw ni Dani.

"Hate you din Danielle Barnayha!"sigaw pabalik ni Cesca.

"Wow! Binubuo ang pangalan eh no?"sabi ko.

"Tse!"sabay nilang sagot.

Sabi ko nga eh tatahimik nalang ako -_____-

Tahimik kaming kumain pero ung dalawa,nagpapatayan ng tinginan? Dahil lang sa sapatos! Ganyan sila---or should I say kami,dito sa bahay.

After kumain,inayos na namin ung pinagkainan at kinuha na ung mga gamit namin. Ayun pupunta na kaming bagong school nanaman. Pang-ilang lipat na ba namin ng school dahil sa parents namin?

Habang nasa kotse,may sari-sarili kaming mundo. Ako nagbabasa ng libro,si Dani kumakanta ng kung ano-ano at si Cesca,soundtrip lang. Buti ung driver namin di naririndi kay Dani? Ako rinding rindi na eh. +____+

"NANDITO NA TAYO!"excited na sigaw ni Dani,so bumaba na kami para tignan kung nandito na nga talaga kami.

Nakikita ko na ang sign na.....

'The Seed Montessori School'

I'm in love with my Fake Boyfriend(Chicser Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon