Sample Chapter: Kabanata 1

2K 26 4
                                    

Kabanata 1

Georgia

"Yes, I won't go out!" pairap kong singhal kay kuya Russia sa phone.

Of course, I'm going out. Gipsy is throwing this insane party in their house. My new fling, Ron would be there. I can't miss that or I'll be the boring girl tomorrow at school!

"Siguraduhin mo, George or I'll have someone find your lying ass," banta niya. "Just because I'm in Nevada right now doesn't mean I can't stop you from seeing your boy toys."

My eyes twitched. Alam ko na agad kung sino ang uutusan niya. Iyong tuta na naman niya!

I sighed. "Examination week din naman ng La Salle, 'di ba? Don't bother him. I won't go out anyway."

"How'd you know, hmm? Are you dating another La Sallista?"

My body froze. Shit!

"Uhm, no? Of course, not!" pagtanggi ko ngunit bumuntonghininga na si kuya.

"Georgia . . ." he called in a breathy way as if it was a warning.

Nalunok ko ang sarili kong laway. Tinawag na niya ako sa tunay kong pangalan. I know what this means!

I composed myself and clutched my fist. "You know what? Masyado ka na namang paranoid. Bawas-bawasan mo ang pagkakape mo. I have to end this call na rin. Nag-re-review ako at naiistorbo mo ko dahil sa pagiging paranoid mo, kuya."

He scoffed. "Since when did you even exert an effort to prepare for your tests? You got to senior high with mom needing to pull some strings all the damn time. Ilang beses na ba kaming nagtalo ni Rocco dahil nagpapatalo sa'yo tuwing sinisindak mo para siya ang gumawa ng homeworks mo?"

I lifted a brow. "Well, it was beneficial to him! He wouldn't be on top of his class kung hindi niya nalaman ang subjects niya ahead of time!"

"Enough with your nonsense reasoning," he warned.

My eyes rolled in annoyance. I love him but I swear sometimes I want to scratch his face! Masyado niyang siniseryoso ang pagiging panganay!

"I wouldn't be surprised if you'll end up marrying someone twice your age. You will never be able to handle girls way too younger than you because you're more strict than a 1960's dad," I hissed.

My brother groaned. "And I have no plans to date girls that are too young. Mga sakit kayo sa ulo."

"No, I'm not?! You're just way more complicated than kuya Israel! Mabuti pa nga iyon! He's not an old-school like you!"

"Whatever." He sighed. "Focus on your studies before I show you how old-schools really handle stubborn brats like you. I gotta go. We're about to board."

"Fine," asik ko bago siya inunahang patayin ang tawag kahit nasa kalagitnaan pa siya ng pagsasabi ng "love you, sis".

I put my phone down for a few seconds until guilt hit me. Bumuntonghininga ako at dinampot muli ang phone para i-chat siya.

Me: I hate you but fly safely. Love you, too kuya.

Nag-heart react lamang siya sa chat ko bago tuluyang nag-offline. Ganoon naman 'yon. Hindi pa nakakasakay ng eroplano ay pinipindot na ang airplane mode ng phone niya.

Ipinasok ko ang phone ko sa aking clutch bag saka ko hinubad ang heels ko. Damn it, I can't use the front door. Baka mamaya pinababantayan niya rin ako sa mga katulong.

Inayos ko ang damit ko't tinabunan ng duvet ang mga unan nang magmukhang natutulog na ako. I turned off the lights and then went through the window. Mabuti na lamang at nasanay na akong dumaan sa bubong. It's pretty high but I've already mastered my way leading to the pool area. Magagamit ko iyong maliit na gate doon sa kabilang side ng property na ginagamit ng mga katulong tuwing may dadalhin sa pool area.

I looked around before I used the ladder. Good thing iniiwan iyon palagi roon dahil ginagamit kapag kailangang diligan ang mga higanteng halaman sa likod ng bahay.

Hawak ang sapatos ko ay dahan-dahan akong bumaba ng ladder. I smirked to myself as soon as I got down. Maingat akong kumilos patungo sa maliit na gate at nakangising lumabas.

I was even careful when I shut it. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang sa pagbitiw ko sa gate ay bumulaga sa akin ang pamilyar na lalakeng nakasandal sa pader.

My eyes widened and I froze on my spot when I met Boyd's wild eyes. Hawak niya ang itim na helmet sa isang kamay. He looks decent in his white shirt and denim jeans paired with a cheap sneakers. Sa kanang balikat ay nakasabit ang mumurahing backpack. Ang buhok na medyo humaba na kumpara noong huli naming kita ay bagsak dahil siguro sa pagkakasuot niya ng helmet kanina.

Yes, he's always been good-looking but damn it! This laid back version is way too hot! Naiinis na naman tuloy ako sa sarili ko dahil hindi ko maiwasang pasadahan siya ng tingin!

Tinaasan niya ako ng kilay. "Saan lakad natin, Madam?" he asked. Tila sa loob-loob niya ay gusto niya akong pagtawanan dahil nahuli na naman niya ako!

My lips pursed. "Ano na namang ginagawa mo rito? Inutusan ka na naman ni kuya? Tuta ka talaga niya, eh 'no?"

Umismid siya. "Hindi ba pwedeng kilala lang kita at alam kong tatakas ka na naman keysa mag-review?"

My eyes narrowed at him. "Ano bang pakialam mo? You're not working for us! At kahit na nagtatrabaho ka sa amin, wala ka dapat pakialam kung gusto kong lumabas! I'm not as boring as you and kuya, okay?! I have a life—"

"Dise-otso ka pa lang. Marami kang panahon para lumaklak. Sa ngayon, mag-aral ka muna."

Tinaasan ko na siya ng kilay. "Hindi naman ikaw ang nagbabayad ng tuition ko. Bakit feeling responsible ka sa studies ko?"

"Kasi hindi pinupulot ang pera at masyado ka pang bata para sa mga trip mo. Maswerte kang may pang-aral ka at hindi ka gaya ko na kailangang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho nang hindi mawalan ng scholarship."

I swallowed the pool of saliva in my mouth when I noticed his tone of voice. Tila pagod siya pero wala siyang choice. Hindi ko siya masisisi. His family doesn't have much but he's got big dreams.

Nag-aaral siya ng business ad sa La Salle. He graduated the top of his class and aced the entrance exam in six universities but he chose La Salle because they offered him a full scholarship. Sabi niya gusto niyang maging kilalang tattoo artist pero business ad naman ang kurso. Iyon daw kasi ang gusto ng tatay niya.

Ang laki-laki na niya, nakikinig pa rin siya sa magulang. Bagay talaga sila ni kuya Russia bilang magkaibigan.

Umayos siya ng tindig. Nagwala naman ang dibdib ko nang tinawid niya ang aming pagitan saka niya biglang isinuot sa akin ang helmet niya.

"What are you doing?" halos bulong ko nang tanong.

I didn't mean to sound that way, alright? Masyado lang akong nabibingi sa lakas ng tibok ng puso ko!

"Sisiguruhin kong magre-review ka," walang gana niyang sagot habang inaayos ang strap ng helmet.

"I don't get it. Bakit mo ko sinusuotan ng helmet then?"

"Kasi isasama kita sa raket ko nang makita ko kung talagang magre-review ka."

I scoffed. "Bakit? Alam mo ba ang lessons ko?"

"Syempre."

Ibinukas niya ang backpack niya at inilabas niya roon ang pamilyar na binder pati na pointers for exam. Napaawang naman ang mga labi ko nang mapagtanto kung kanino iyon.

"That's mine! Bakit nasa iyo 'yan, ha?!"

"Pinakuha ko kay ate Laida kahapon sa kwarto mo dahil alam kong hindi ka rin naman magre-review. Binuklat ko. Wala man lang laman. Nag-aaral ka ba talaga?"

I raised a brow. "Of course, I am!"

"Hindi gano'n sinasabi ng notes mo." Bumuntonghininga siya habang ibinabalik sa bag ang gamit ko. Nang maisara ang bag niya ay itinuro niya ang kanyang itim na motorsiklo na tila kaunti na lang ay bibigay na. "Sakay."

My eyes blinked. "There is no way I'm getting on that junk?!"

"Sasakay ka ba, Madam o tatawagan ko pa kuya mo?"

I gritted my teeth. "I hate you!"

Umismid siya't hinawakan ako sa batok. "Tara na, Madam. Magsusunog ka ng kilay sa tabi ko sa ayaw mo't sa gusto . . ."

VALENTINO SERIES 2: To Tame His Heart (Available in The VIP group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon