Kabanata 3
Georgia
Boyd kept on glancing at me to see if I was paying attention to the reviewer he made for me. Honestly, mas maayos pa nga ang explanations na inilagay niya rito kaysa sa mga itinuro ng professors ko. Sadyang nakakaantok lang kaya panay ang hikab ko.
I put the reviewer down. Kaagad namang tumuwid ng upo si Boyd at tinaasan ako ng kilay. "Maaga pa, Georgia. Kapag puma-party ka, hanggang madaling araw mulat na mulat ka."
Napataas din ako ng kilay. "May sinabi ba akong late na? Hindi ba pwedeng o-order lang ako ng kape nang magising ang diwa ko? Eh, sa boring talaga mag-aral?"
He sighed. Maya-maya ay bumalik na rin sa ginagawa at hinayaan na akong mag-order. Hindi naman ako maramot. I bought some for them, too.
Nang dumating ang order ko ay si Boyd na ang lumabas para kunin iyon. His friend slash client turned to me with a smirk. "Bait no'n, ano? Sipag pa," aniya.
"I know." Dumekwatro ako. "But he's too strict when it comes to my studies. Nakakaasar na minsan."
Umismid siya. "Pabayaan mo na lang. Siguro nakikitaan ka lang niya ng potensyal kaya pinagtyatyagaan ka."
I rolled my eyes. "Kahit hindi ako magtapos, I will still have enough money to live a hundred lifetimes."
"Hindi naman 'yon ang punto, Miss. Baka talagang iba lang mag-value si Boyd ng pera at career na pinaghihirapan. Hindi 'yong minamana lang."
I scoffed. "Why? Aren't you living out of your parents money?" Okay, that sounded offensive. I didn't mean it, though. Buti na lang parang hindi naman napikon.
"Hindi, ah?" Natawa siya. "Yes, my parents have money but I don't spend their money. I learned to multiply what they used to give me."
"Talaga? How?" I challenged. Pampagising man lang ng diwa.
He pointed some of his weird toy collections. "Kita mo 'yan? Hindi 'yan basta laruan. That's one of my businesses. I buy and sell rare toys to collectors. Una kong naging negosyo, buy and sell din. Ibinibenta ko mga kotse ng mga kakilala ko tapos pinapatungan ko. Sumunod, kumukuha ako ng video editors. I look for people who need help in editing their videos. I let my video editors do the job for me and then we split the money."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Isn't that unfair on their end? Sila ang gumagawa ng trabaho yet you still get a cut."
"Not at all. Ako naman ang humahanap ng kliyente. Ako ang nakaharap kapag may problema. I settle everything and run the team." Dinampot niya ang canned soda niya. "Kung unfair 'yon, eh 'di unfair din ang CEO ng V Air kasi hindi naman siya ang nagpapalipad ng mga eroplano pero mas malaki ang kinikita niya?"
"Fine, I get your point," I said in a breathy way. "But wouldn't it be easy if you'll just ask your folks some money?"
"Madali, but it's not gonna be fulfilling. How will I learn kung isusubo nila lahat sa akin?" He sipped on his soda. "You know, you should stick around with Boyd more often. Maybe you'll learn the value of hard work and business if you'll be with him more."
Umismid ako. "Have you seen his bike? Parang isang takbo na lang nga bibigay na! Maniniwala akong may matututunan ako sa kanya sa negosyo kung hindi na ganoon ang sasakyan niya."
"Si Boyd? Oo, walang malaking negosyo but he's earning by doing freelance tattoo jobs and other side hustles like singing at a local bar after his class. He might not have a huge empire but he knows how to handle his money pretty well. Hindi mo 'yon makikitang magpalit ng motor niya hangga't hindi niya nabibigyan ng maayos na buhay ang nanay niya dahil hindi naman magandang motor ang priority niya. You might not learn a lot about business from him but he'd show you the importance of hard work and resilience."
Natigilan ako. Sakto namang bumalik si Boyd dala ang mga order ko nang natapos ang munting usapan namin ng kaibigan niyang hindi ko pa rin alam ang pangalan.
"Ang dami naman nito? Ilang tao ba kakain at iinom nito?" salubong ang mga kilay na tanong ni Boyd dahil sandamakmak ang dalang in-order ko.
"I just didn't want to starve here, you know," dahilan ko.
Napabuntonghininga siya habang umiiling. "Ang gastos mo, Georgia."
Hindi na lang ako kumibo. Peke rin akong umirap kahit medyo nakunsensya ako dahil sa pinag-usapan namin ng kaibigan niya.
I grabbed my own drink and took a sip. Akmang kukuha rin ako ng slice ng pizza nang titigan ako ni Boyd.
I sighed when I realized what he wanted to say. "Oo na, okay? Magre-review na."
Napailing-iling siya nang irapan ko. "Page seventeen, section three. Pakisagot."
Padabog kong binuklat ang reviewer at sinagot ang question. I didn't get the right answer kaya kataku-takot na lecture ang ibinigay niya. Nakakapikon tuloy!
The entire night was hellish because of how he reviewed me. Nakasimangot tuloy ako noong nagpaalam na kami sa kaibigan niya. Hindi ko siya pinansin kahit noong pauwi na kami. Ihinatid niya ako roon sa gate kung saan niya ako nahuli kanina ngunit bago niya ako pinayagang pumasok ay hinawakan muna ako sa braso.
"Georgia . . ." he called.
Nagtataray ko siyang tiningnan. "What? Hindi pa ba tapos? May itatanong ka pa ba?"
He sighed. "Gusto lang kitang tulungan."
"I know but we don't have the same brain capacity, alright?" Inirapan ko siya. "Nagmukha akong bobo kanina sa harap ng kaibigan mo."
Napakamot siya ng kanyang sintido. "Hindi 'yon ang intensyon ko. Gusto ko lang i-maximize ang oras ko. Ayokong isakripisyo ang kikitain ko sa session pero ayoko ring pabayaan kang mag-review nang mag-isa."
"I don't care," I hissed.
Muli siyang napabuntonghininga. "Paano ako makakabawi, hmm? Anong gusto mo?"
"Nothing," matabang kong tugon kaya umayos na siya ng tayo.
"Hindi ako pwedeng umuwi na ganito tayo," seryoso niyang sabi dahilan upang magwala na naman ang dibdib ko.
My cheeks stained red and I had no choice but to bow my head so he wouldn't notice how I blushed because of him. "J-Just . . . go home."
"Hindi pa pwede. Hindi pa tayo okay." He held me by my chin and made me look up. "Anong gusto mo? May pera ako rito."
Napalunok ako nang lalong magwala ang aking dibdib dala ng kilig. "B-But you need it."
He sighed. "May natabi na kong pera para sa allowance ko at ipadadala sa probinsya. Tinanggap ko 'yong session kanina dahil gusto kitang ilibre kapag pumasa ka. Ililibre na kita ngayon. Hahanap na lang ako ng raket bukas nang malibre kita ulit pagkatapos ng exam."
Muntik na yatang bumigay ang mga tuhod ko. "A-Are you . . . asking me on a date?"
Umismid siya at tinaasan ako ng kilay. "Date? Pangmag-syota lang 'yon." He moistened his lower lip. "Bakit? Syota na ba kita?"
My eyes blinked as my cheeks heated even more. Syota na? What does that even mean?
"H-Hindi," I said in almost a whisper.
"'Yon naman pala. Eh 'di hindi date. Libre lang. Saan mo ba gusto? Basta do'n lang muna sa abot ang limang libo ko." Bumuntonghininga siya nang tila nahiya. "Bawi ako kapag may kaya na talaga. Kahit saan mo pa gusto, hindi kita pipigilan."
Muling dumagundong ang aking dibdib. "B-Bakit? I-Ililibre mo pa rin ba ako kung . . . kung mapera ka na?"
His lips slowly formed a smirk. "Oo naman." His thumb caressed my chin. "Hindi na lang din basta libre 'yong mangyayari kapag kaya ko nang bumili ng kahit anong gusto mo nang hindi ko tinitingnan ang halaga . . ."
The butterflies in my belly went wild.
Now what does that suppose to mean?
***
A/N: This is just a sample chapter. If you wanna read the rest of the chapters, you need to join my VIP group. Kindly message our Facebook page to learn how. Please be guided that VIP membership is not free pero once naging member ka, lahat na ng stories ko sa VIP group ay mababasa mo na (completed and ongoing stories).
FB page: Sol's VIP Exclusives
BINABASA MO ANG
VALENTINO SERIES 2: To Tame His Heart (Available in The VIP group)
RomanceGeorgia Valentino grew up with a love-hate relationship with her older brother's best friend, Boyd Kennedy Fortillo. Pakialamero sa kanyang paningin ang binata. Mula sa pwersahang pagsundo sa kanya sa mga date at party hanggang sa pagbabantay sa kan...