PrologueAng saya naman ng buhay. Kung sweswertehin nga naman ako ay may makakalaban pa ako. These guys are low class gangster. Gangster sa kalye kumbaga.
"Ano? Walang ka naman palang laban eh! Tatayo ka nalang ba diyan, miss?"
Hindi ba sila makapaghintay? Gustong-gusto ko silang asarin at inisin eh. Nanatili lang ako sa pwesto ko at hinintay ko silang sumugod. Nakita kong naiinis na ung mukhang gago kaya bago pa niya ako suntukin, inunahan ko na siya.
Hinawakan ako ng dalawang kasama niya kaya no choice ako kundi tapakan ung isa tapos siniko naman sa tyan ung isa. Lumapit nanaman sakin ung gago at akmang susuntukin ako kaya inilagan ko ito tapos tinuhod ko siya. Napa yuko siya kaya sinipa ko ulit siya at binigyan ng isang napakalakas na suntok.
Tinignan ko ng masama ung dalawa kanina. Tumakbo sila palayo at iniwan na 'tong gagong 'to mag-isa. Tss. Nahihirapan parin syang tumayo kaya pwersahan ko syang hinila. Tumingin naman siya sakin kaya tinutukan ko siya ng baril sa ulo.
"I'll give you five seconds to save your life. Run now or die?" I said using my coldest voice. Mukhang natakot naman siya kaya iniwas niya ung tingin niya sa akin. Sinimulan ko nang magbilang nung wala parin siyang ginawa kundi tumunganga.
"One...Two...Three..."
Nakita 'kong nataranta siya kaya niluwagan ko na ang paghawak sa kanya. Pero hindi ko parin siya hinayaang makawala. Alam kong may nag-utos sa kaniyang patayin ako. Sad for them kasi hindi na nga nila ako napatay, mukhang mawawalan pa sila ng tauhan o underlings. Kung hindi naman kasi sila isa't kalahating tanga at gago, bakit hindi nila naisip na hindi ako basta bastang tao. Akala ba nila ganun nalang ako kabilis patayin? I would not be a mafia heiress for nothing.
"Sinong nag-utos sayo para gawin ito?" Tanong ko sa kanya pero mukhang wala syang balak sabihin sakin kaya hinigpitan ko ulit ang pagkakasakal ko sa kanya.
"Kahit anong sabihin mo, hinding-hindi ko sasabihin sayo! Kaya patayin mo nalang ako!"
Dahil madali akong kausap, pinagbigyan ko na siya sa kagustuhan niya.
"...Five"
Kasabay nang pagbilang ko ang pagputok ko ng baril sa ulo niya. Goodbye motherfucker.
Tinignan ko ung tattoo niya sa may leeg. Dalawang baril na pinag-cross at isang rosas sa gitna. Dark Phoenix Mafia o mas kilala bilang DPM. Isang kilalang organisasyon dahil sa libo-libo nitong tauhan at mahigit 2,000 na underlings. Kung tutuusin, kayang-kaya nilang pabagsakin ang lahat pero may kulang sila. Pa dalos dalos ang kanilang mga ginagawa kaya mabilis kong nalalaman ang kanilang mga plano.
Dalawa ang tumatayong lider dito. Isang babae at isang lalake. Sabi sa impormasyong nakalap ko, mag-asawa ang dalawang ito. Itinayo nila ang DPM upang gumanti sa amin. Sa aming mafia. Tama, mayroon din akong mafiang kinabibilangan ngunit walang nakaka alam nito kundi ang aking magulang lamang at ang aking nag-iisang kapatid na lalake.
Red Dragon Mafia. Pinaka malakas na mafia sa buong mundo. Kilala ito dahil sa taglay nitong lakas. Matatalino at madiskarte ang mga kasali rito. Kilala din ito dahil sa mga malalaking transakyong ginagawa nila kada isang buwan. May mahigit 2000 din itong underlings katulad ng DPM.
Ang aking mga magulang ang lider dito. Si kuya o mas kilala bilang X ang tumatayong lider kung wala ang aking mga magulang at ako naman ang kanyang kanang kamay. Matagal nang naitayo ang RDM. Itinayo ito simula noong nagkaroon ng alitan sa mga gangsters. Nagpapalakasan sila kaya naisipan nilang magtayo ng mafia upang maging lider sa mga gangsters.
Bawat gangster, may kinabibilangang mafia. Sila'y mamimili kung sa DPM o sa RDM sila. Kapag kasali na sila sa isang mafia, may magaganap na laban upang malaman kung ano ang rank mo. Para lamang ito sa mga may gang. Ang mga solo gangsters naman, sila ang nagiging underlings pero ang pinaka magaling sa kanila ay ang nagiging lider.
Nagsimula ang laban sa pagitan ng Dark Phoenix Mafia at Red Dragon Mafia simula noong naging number one o pinakamalakas ang RDM. Hindi Malaki ang problema sa amin tungkol sa mga rank pero naging agresibo ang DPM dahil ayaw nilang maging pangalawa. Gusto nilang mauna dahil madami ang lumipat sa RDM na galing DPM simula noong kami ang naging una sa mga pinakamalakas.
Ako? Isa lamang akong gangster na laging namamalagi sa Underground, yan ang alam ng karamihan. Ang underground ay isang lugar para sa mga gangsters. Ngunit hindi nila alam na ako rin ang hinahanap ng DPM para patayin at makaganti sa RDM. Ako ang Mafia Heiress ng RDM. Ang susunod na mamamahala sa RDM.
Siguro sapat na yang impormasyong yan para maliwanagan kayong lahat kung sino talaga ako. Sumakay na agad ako sa Aventador ko at umalis na doon para umuwi. Siguradong hinahanap na ako ng kuya ko.
Bago pa ako makauwi, may tinawagan na ako upang linisin ang nangyari kanina.
Dark Phoenix Mafia, just wait and see what the princess can really do.
—
kung meron mang kaparehas na names dito sa ibang stories, it's purely coincidental. tho ung mga ibang action scenes eh inspired sa gangster stories :))
BINABASA MO ANG
The Cryptic Mafia Princess
ActionA gangster hid her identity for being a mafia princess for her own sake. She is known for being merciless and brutal. But what if she was sent to the Philippines to find there opponent? What will be her life there? Will she survive? Will she hide h...