Mina flor Emerson is a BSHM student first year college. You wouldn't think that he has experienced too much since he was a child. He always choose to be kind and understanding to the people around him.
Si mina isa syang mapagmahal na kaibigan. laha...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
.chapter 5.
Ichi's pov.
3:00 p.m
Nandito ako ngayon sa tambayan namin ni mina sa abandonadong bahay. Kung saan madalas kaming nagkikita o nag lalaro ng mga kalaro namin.Hinihintay kong lumabas si mina dahil alam kong mas nauuna sya madalas sakin pumunta dito. nag antay pa ako ng ilang minuto at pumunta na ako sakanila.
"Mina..." tawag ko sa labas ng bahay nila ilang saglit pa ay lumabas ang mama nya napansin kung maga yung mata ni tita at mukhang galing sa pag iyak. kapansin pansin din yung pasa nya sa braso nya, nag alala naman agad ako kay mina alam ko ang tungkol sa trauma nya tungkol sa pananakit ng papa nya sakanila noon.
"saglit lang anak ah tawagin ko lang si mina" pilit na ngiting sabi ni tita
"ok po tita salamat po" nakangiting sabi ko at nag antay na lumabas si mina
Maya maya pa'y lumabas na si mina mukhang kagigising lang ni gaga ngumiti naman ako at inakbayan sya, Nag lakad kami papunta sa white house. pinauna ko muna sya at bumili ako ng ice drop at ng snack saglit at sumunod na ulit ako sakanya.
"bumili ako ng snack natin heheh" nakangiting sabi ko hindi ko alam kung paano sya tatanungin nag aalala ako sakanya
Palaging ganito si mina pag may problema hindi nya sinasabi o pinapahalata. kayang kaya nya maging masaya kahit pa na alam nya sasarili nyang hindi sya ok at may problema sya. eto ang pinaka gusto ko kay mina dahil matatag sya hindi sya nag papadala sa kahit anong hinanakit nya sa buhay nya. nakakahanga ang ganitong pag uugali at pag iisip niya dahil yung salitang "kaya ko, magiging ok ako." na aapply nya sa sarili nya kabaliktaran naman nung sakin lahat ng problema nya hinaharap nya at nalalagpasan nya. ako naman pag may problem unting sakit gusto ng mamatay hahaha.
tahimik lang kaming kumakain ng ice drop watermelon flavor. favorite namin ito parehas bukod kasi sa eto lang ang afford namin eto lang din ang alam kong makakapag pagaan sa loob nya.
"kumupit ka siguro sa ate mo noh?" sabi nya bigla tumawa naman ako at tumango
"oo hehehe 50 pesos kaya nga may pambili ako neto e" aniya ko at patukoy sa kinakain namin ngayon
"loko ka talaga HAHAHA" Natatawnag sabi nya at huminga ng malalim, tsk tsk hindi mo ako maloloko mina!!
"minsan lang naman ako kumupit" nakangusong sabi ko pa sakanya
"ako nga ni piso di makakupit e, turuan mo nga ko" natatawang sabi nya
"wag na sabihin ng nanay mo bad influence ako sayo" natatawang sabi ko at nakita ko namang nag iwas sya at huminga ulit ng malalim