Chapter 7

89 8 0
                                    

Mikael Pov.

Tumaas ang kilay ni señorita sa sinabi ko‘ng iyon. Hindi ko alam kung nairita lang ba ito o nagkaroon iyon ng epekto sa kanya.

Para sakin wala naman ibang kahulugan iyon. Ngunit hindi ko sana nais sabihin iyon dahil ayokong mahulog mismo sa sarili ko‘ng patibong.

Baka dumating ang isang araw, ako na pala ang totoong may gusto sa kanya sa kaka-asar ko’ng ‘to.

“Stop making fun with me, mikael. Ano talagang ginagawa mo dito?" nag-iwas ako ng tingin. Kung kanina ay nasabi ko ang totoong rason kung bakit ako nandito, ngunit ngayon ay bigla ng umatras ang tapang ko.

“May nag-imbita lang sakin kanina," tumaas ang kilay niya.

“What‘s her name? Siguradong babae iyon, lapitin ka ng babae." natawa ako sa sinabi niya.

“Ikaw ba naman may ganitong mukha, hindi ka lalapitan?"

Umismid siya sa sinabi ko. “Your feelingero you know? Mabuti na lang tinulungan kita doon kanina, my friend will judge you once they know that your just our hardinero,"

Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Alam ko naman ‘yon, pero hindi naman iyon big deal sa akin dahil marangal naman ang trabaho ko. Mahihiya lang ako kung nagnanakaw ako, pero hangga’t wala akong tinatapakang tao. Proud ako sa trabaho ko lalo na sa sarili ko.

“Masyado naman pala silang judgemental eh pare-pareho lang naman tayong kumakain ng kanin at nagdudumi sa banyo," sinamaan niya ako ng tingin.

“Just go home and stop playing with them!"

“Sus, nag-enjoy ka naman din sa laro kanina eh. Aminin mo na, pinagnanasaan mo talaga ako." lalo siyang nainis sa sinabi ko‘ng iyon.

“Hindi ko naman alam na ikaw iyon, kung alam ko lang. Baka tinadyakan lang kita kanina!"

Nangisi ako. Sino ba kasi kanina ang nakabasag ng baso dahil nagulat siya sa katawan ko, nailing ako. Wala pa naman akong planong umuwi ngayon dahil sasabay na ako kay señorita. Sayang pamasahe atsaka, baka pagtripan lang siya dito ng mga lalake.

Edi habang nandito ako, safe siya.

“Mamaya na ako uuwi, señorita. Tutal pinakilala mo naman na akong kaibigan mo, sulitin na natin." halatang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Ayoko na rin naman umuwing mag-isa, alas dose na yata at mahihirapan na akong maghanap ng masasakyan.

“Binigyan mo pa ako ng problema," natawa ako.

“Hindi ako kailanman naging problema, señorita. Kung ayaw mo akong kasama, pwede naman akong dumistansya sayo." hindi niya ako sinagot, nakataas lang ang kilay niya habang nakatingin sa akin. “Sasabay na lang din ako sa kotse mo, iisang bahay lang naman ang uuwian natin eh."

“Why don‘t you go home first, mikael! Gagawin mo pa akong driver!"

“Edi ako ang magmamaneho mamaya. Alam mo, delikadong umuwing mag-isa. Baka hindi mo mapansin, may kasama ka na pala sa loob ng kotse mo." nanlaki ang mata niya sa pananakot ko. Madali siyang naapektuhan dahil paniguradong uumagahin na siya ng uwi mamaya.

“I‘m not scared at all!"

“Weh? Totoo ang sinasabi ko, señorita. Kung hindi mo naitatanong, maraming ligaw na kaluluwa ang naglalakad sa village natin tuwing madaling araw. Kaya goodluck na lang sa pag-uwi mo mamaya," napalunok siya sa sinabi ko.

Nag-iwas din siya ng tingin bago hagurin ang kanyang buhok. “N-nakita mo ba na sila?" mabilis akong tumango sa sinabi niya.

“Matandang babae ang nakikita ko. Mahaba ang buhok niya, madalas itong maglakad sa madidilim na parte ng village."

I Love You, Señorita Adonis Series #6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon