PROLOGUE

184 6 0
                                    

"I-akyat mo lahat ng ito sa silid ni señorita." marami akong bagahe na nakikita sa tapat ng hagdan na ngayo'y pinapabuhat sa akin ni nanay.

Dumating kasi ang anak ni sir manuel monteclaro mula ibang bansa. Ang kaso lang, hindi ko siya naabutan dahil na rin nasa hardin ako at abalang sinusuklay ang buhok ni cynthia.

Mahaba kasi iyon kaya humingi siya ng tulong para suklayin ko daw iyong ilalim na bahagi. Hindi ko naman iyon tinanggihan dahil maganda siya at panay lapit sakin.

"Saan ba ang silid ng babaeng iyon?" hinampas ni nanay ang braso ko dahil sa sagot ko.

Magdadala na lang kasi ng sandamakmak na bagahe ay hindi pa isama paakyat.

Masesermonan talaga sakin ang babaeng 'yon.

"Marinig ka ni sir manuel, ikaw talagang bata ka!"

"Tsk, sino ba 'yon? Si Dianneya? Iyong maarteng bata na nakilala ko noon dito? Bakit umuwi pa siya?" piningot ni nanay ang aking tenga. Nakilala ko na nga iyon noon, madalas kasi akong pumupunta dito noong bata ako para tulungan si nanay. Halos ilang taon na rin kasing naninilbihan si nanay dito sa mga monteclaro at sila na halos ang nagbibigay ng sustento sa amin.

Wala na kasi si tatay, limang taon pa lang yata noong mamatay siya kung kaya't maaga rin akong namulat sa trabaho para tulungan si tatay at kapatid ko.

"Mayayari ka talaga pag narinig ka ni sir manuel! I-akyat mo na nga 'yan sa taas!"

Hawak-hawak ko ang aking tenga dahil sa sakit ng pagka-pingot sa akin ni nanay. Limang bahage lang iyon at halos malalaki, ano bang laman ng mga bagaheng ito at dinala niya pa pauwi?

Umakyat ako sa itaas dala ang dalawang bagahe. Patungo ako sa silid ng babaeng iyon para ipasok itong mga kalat niya.

Kababaeng tao napaka-kalat.

Aba't masesermonan talaga siya-- nahinto ako bigla pagkapasok ko. Itong silid kasi na ito ay maayos lang kahapon, walang kalat at halos naka-ayos lahat ng gamit.

Pero ngayon, may isang pares ng heels sa harapan ko at ang isa ay naroon sa ibabaw ng kama

Anak ng tokwat baboy.

Babae ba 'yon?

Bakit parang napaka-burara niya?

"What the fvcking fervet!!" halos mabitawan ko ang dalawang maleta dahil sa sigaw ng isang babae. Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa sobrang tining boses niya. Para siyang elepante kung sumigaw.

"Sh/it. Oh my goodness! My bags! Why did you throw it! Do you want to die!"

Napaatras ako.

Aba't inglesera din pala ang babaeng 'to tulad ng kuya niyang si noah na singkit ang mata.

Tsk.

Dudugo na naman ang ilong ko.

"What are you looking at my body! Get out of here, im going to cut your neck!"

"Anong nek nek señorita? Atsaka pwede ba? Huwag kang sumigaw, ikaw na nga itong tinutulungang ligpitin ang gamit mo, nag-iingles ka pa!"

"Who are you to shout on me? Leave my room!"

Napaismid ako, maganda naman sana siya. Pati ang katawan dahil naka-balot siya ng tuwalya.

"Your fvcking pervet!" napaatras ako dahil sa binato niya sa akin. Tinitingnan ko lang naman ang katawan niya kung maganda talaga 'yon.

Pero tang!na. Dumugo ang ilong ko hindi dahil sa kaka-ingles niya.

Kundi doon sa heels na binato niya sa mukha ko.

"Oh my god! Your dvmn nose! Get out on my room! I don't want to fell your fvcking blood here!"

Matapos niya akong batuhin, heto siya at tinulak ako sabay sarado ng pinto sa kanyang kwarto.

Tumama pa ang pinto sa noo ko dahilan upang magmura ako habang hawak ang ilong at aking noo.

Walang hiyang babaeng 'yon.

Ang taray ah.

**********

Hello adonitians, my series 6 is already here. Ang kwento ni dianneya Monteclaro at Mikael Dela cerna, sana ay suportahan ninyo.

Nakilala sila sa story ni jacob at noah. Please support.

I Love You, Señorita Adonis Series #6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon